16 ~ Betrayed

310K 10.1K 622
                                    



CHAPTER SIXTEEN

"KAILAN MO balak sabihin kay daddy Drake 'yang pagbubuntis mo? Kapag malaki na 'yang tiyan mo?"

Patuloy si Jessielyn sa pagkunsumi sa kanya tungkol sa bagay na 'yon habang siya ay panay papak lang ng ginisang hipon. She visited her in her condo to talk and to eat.

She's three months pregnant and she did not tell it yet to Drake. She wanted to surprise him, gusto niyang ito mismo ang makadiskubre niyon. Tutal may mga sintomas na rin naman siya ng pagbubuntis niya. Kaya lang ay madalang silang magkita ng kasintahan dahil sa pagiging busy sa trabaho.

"Bakit ka ba kunsumido diyan? Malalaman din naman 'to ni Drake. I'm sure he will be happy knowing that he will become a daddy after a few months. Nakaka-excite pala talaga ang magbuntis."

"Oo kaya sabihin mo na habang maaga pa at maikasal na kayo." Bagot itong humiga sa kama. "Itali mo na 'yang boyfriend mo sa bewang mo. I heard some gossips about the women who's visiting his resort. You would not like to know what they really wanted for staying there."

Umusbong ang kyoryosidad niya at nagtataka na sinipat ang kaibigan. She was aware that there's many tourist visiting his beach resort, pero hindi yata siya na-inform sa mga tsismis patungkol sa mga babae.

"What about those women?"

"Mas lalong maraming bumibisitang kababaihan sa resort dahil sa katatapos lang ipatayo ni Dwaye ang Club niya do'n. At hindi lang 'yon!"

Binalatan niya ang hawak na hipon. "At ano pa?"

"You know Maisie?"

Umirap siya at tumango. "Yes, I saw her in resort. What about her?"

"They're business partner, Alexza. She was planing in building a salon spa in Drake's resort." Napaupo si Jessielyn sa kama. "Kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'yon. Parang ahas, mahilig lumingkis sa mga lalaki."

"Ako rin! Siya 'yung panay pa-cute kay Drake! She like him, I can tell." Sumandal siya sa headrest ng kama. Kinalma ang sarili sa pagdaan ng selos at pagkainis para sa babaeng tinutukoy. "They're business partner? How did you know that?"

"Your brother told me." Wala lang na sagot nito tapos ay nanlaki ang mga mata. "Oh-oh,"

"Thought you hate my brother, hmm?"

"I still hate him though. Napag-usapan lang namin nang mapadaan ako sa Club niya nung nakaraang gabi."

Tumango-tango siya. Napag-isip-isip na mukhang kailangan niyang sorpresahin na bisitahin ang kasintahan sa beach resort. Not that she doesn't trust her man, but she doesn't trust the women around him.

"Samahan mo ako, Jess."

"Saan?"

"Sa beach resort. I want to surprise him. And maybe, I would tell him about our baby."

Malakas itong naglabas ng hangin sa dibdib, guminhawa ang pakiramdam bigla sa narinig mula sa kanya.

"Hay, salamat naman at nagbago na ang isip mo. Kailangan lang pala magbanggit ng mga babae para lang ipaalam mo na ang tungkol sa baby niyo, eh."

"Because I don't want my man to be near with any woman, whoever it is who would try to flirt him, makakalbo ko talaga!"

Humagalpak ng tawa si Jess na iiling-iling. Natutuwa sa naging reaksyon niya.

"That's it, girl! Claim him because he's yours!"

Nag-ngiting aso siya at nagpatuloy sa paglantak ng hipon. Of course, she will claim Drake because he's hers! Walang dapat na mag may-ari sa lalaking mahal niya kundi siya lang!

Territorial Men 2: Drake Villafuente (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon