Part 1: Special Day

7.6K 148 5
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Published na rin ang story ni Yanna Heart. Kasama po sa WRITERS' BLOCK series. Ang title, HEART'S HERO. Available pa sa stores, ebook at online sellers. Thank you.

 Thank you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


VALENTINE'S Day.

Si Leanelle "Lenlen" Desiderios, hashtag alone sa condo. Ang nagbabalik na cook na si Ate Shaleng na Shamara ang real name, nag-request ng day off kay Sir JC dahil may date. Parang ang saklap lang na ang forty three years old na cook ay may ka-date na uli sa Valentine's Day pagkatapos ng 'masalimuot' na past relationship; siya na twenty years old lang—fresh na fresh at NBSB—ay mag-isa. Pero hindi importante kay Lenlen ang araw o ang celebration. Halos three years na siyang huminto mag-celebrate ng kahit anong holidays. Wala naman kasi siyang pamilyang inuuwian sa holidays.

At lalong hindi niya inaalala ang Valentine's Day. Masaya at malungkot na alaala kasi ang attached sa araw na iyon. Mas nangingibabaw ang lungkot kaya mas pinipili niyang huwag bigyang pansin. Ayaw niya ng kahit ano'ng celebration na magpapaalala sa kanya ng month at date.

Gabi ng Valentine's Day almost three years ago, kasama pa niya si Tito Nello. Gabi kinabukasan, naaksidente ang kotseng minamaneho nito. Dead on the spot ang tiyuhin habang dead on arrival sa ospital ang babaeng amo nito na kasama sa kotse.

Nawalan si Lenlen ng nag-iisang kapamilya.

Nawalan si Sir JC ng asawa at si JD na three months pa lang noon ay nawalan ng ina.

Pero may iba sa Valentine's na iyon. Nakatanggap si Lenlen ng something unexpected—isang red envelope na red heart card ang laman. Galing iyon sa isang college classmate—si Yanna Heart Alegro. Sa first year lang sa college naging magkaklase sila ni Heart at hindi rin sila close. Hindi rin maalala ni Lenlen na naging friends sila. Ang natatandaan lang ng dalaga, nag-drop ang kaklase ng February. Parehong taon na pinili din ni Lenlen na tapusin na lang ang semester at mag-stop muna sa pag-aaral. Pareho sila ni Heart na sinubok ng mundo. Si Lenlen ay nawalan ng nag-iisang kapamilya, si Heart naman ay nawalan ng buong pamilya. Ang perfect happy family na mayroon ito, iglap ay kinuha ng isang aksidente—plane crash. Walang nabuhay isa man sa parents at kapatid na twin pa. Wala na siyang ideya sa sumunod na nangyari kay Heart. Si Lenlen ay ang condo na ni si Sir JC ang naging bagong bahay.

Curious na binuksan ni Lenlen ang red envelope. Blank ang red heart card pero may handwritten note na kasama sa envelope.

Leanelle,

Don't waste a chance. Give hope. Spread love.

Forgive...

And live.

Tomorrow maybe too late.

I wish you a happy Valentine's Day.

Yanna Heart.

Len's Love (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon