Part 4

3.4K 115 21
                                    

Author's Note:  Nasa book po ang POV ni JC. POV lang ni Len ang watty version. Thank you. :) 


"JD? Hmn...bakit baby?"

Nakapikit pang sabi ni Lenlen. Kinapa agad ang diaper ni JD—na naramdaman niyang kailangan nang palitan. Hindi na siya nag-abalang alamin ang oras. Pinilit ang sariling bumangon kahit gustong-gusto pa niyang matulog. Mula nang maging yaya siya ni JD, ramdam na ramdam ni Lenlen ang sakripisyo ng mga ina. Kaya pala sinasabi ng lahat na walang makakatapat sa sakripisyo ng isang ina. Sakripisyo nga talaga. At ang pinakamahirap para kay Lenlen, ang puyatan. Kulang siya lagi sa tulog. Parang laging lutang ang utak sa puyat. Makakapag-nap lang siya kapag nakatulog si JD, na laging maikling oras lang.


Hindi biro ang paggising sa alanganing oras ng gabi para magpalit ng diaper o kaya ay magtimpla ng gatas. Naisip nga ni Lenlen, wala pa man siyang boyfriend ay handa na siyang maging ina sariling anak. Ang training niya kay JD pa lang, sobra na. Hindi na siya mahihirapan sa magiging baby niya. At ang sinasabing mga sakripisyo, balewala na lang sa kanya. Si JD ang perfect baby para sa practice niya ng mga sacrifices ng isang ina para sa anak.


Pagkabangon ay napanganga si Lenlen nang mapansin ang ibang interiors ng kuwarto. Napahagod siya sa batok.


Nakatulog pala siya...


Nanlaki mayamaya ang mga mata ni Lenlen, umawang din ang mga labi nang makitang hindi lang sila ni JD ang magkasama. Katabi rin ng cute na cute niyang alaga si Sir JC na hindi man lang nagising sa iyak ng anak.


Si Sir JC na...na...


Topless!


Napalunok si Lenlen. Kahit kagigising pa lang, nabuhay na naman agad ang puso niya sa pagtitig lang sa isang lalaking tulog! Bakit ba kasi ganoon na lang ang effect sa kanya ni Sir JC? Sure si Lenlen na kahit hindi ito topless, pareho pa rin ang lakas ng heartbeat niya!


Malala ka na talaga, Len!


Mas lumakas ang iyak ni JD. "Shhh. Shhh, baby. Magigising si Daddy, o. Malalagot si ate Len. Ssshh na, ha? Do'n na tayo sa labas..." at natatarantang kinarga niya si JD. Para siyang litong zombie na nag-tiptoe palabas ng kuwarto. Bakit hindi siya ginising ni Sir JC? Dati naman ay ginigising siya para lumipat ng kuwarto.


Agad huminto ang paghakbang ni Lenlen pagkalabas ng pinto. Napalingon siya sa nakasara nang pinto at napabungisngis. Natulog talaga sila ni Sir JC sa isang kama? Pigil na pigil niyang tumili sa kilig.


Sana man lang may picture!


Hayun at naging active na ang pilyang utak ni Lenlen. May naisip siyang masayang gawin. Papalitan muna niya ng diaper at damit si JD, ihahanda ang gatas nito at saka niya ibabalik sa kuwarto ni Sir JC.


Gagawin na rin niya ang 'maitim na plano.'


Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now