Part 9

2.9K 124 7
                                    

HINDI alam ni Lenlen kung ano ang iisipin. Na-realize niya, may weird side din pala itong si Sir JC. Magtatrabaho lang naman pala, kailangan pang magbayad ng mahal sa hotel room? Sa condo na lang sana, wala pang gastos.

Pagdating nila ng lampas two PM hanggang nang oras na iyon na past seven PM na at nakapag-dinner na sila, hindi naman lumabas si Sir JC para mag-attend ng event or makipag-meeting sa kung sinuman. Naroon lang naman ito kasama nila ni JD, kung hindi sa laptop abala ay sa cell phone. Laging may kausap.

Si Lenlen naman, naubos ang oras sa kakahabol kay JD. Ayaw paawat ang baby boy, ikot nang ikot sa loob ng room. Sunod naman nang sunod si Lenlen. Mabuti na lang talaga at ang lamig ng aircon, walang pawis kahit ilang oras na silang naghahabulan ni JD. Nang sa wakas ay mapagod kakaikot, kulitan naman ang gusto ni JD. Nasa kama na silang dalawa at kinikiliti niya ito ng kiss. Masarap sa pandinig ang tunog ng hagikhik nito. Si Sir JC na nakikipag-usap sa cell phone at nasa isang sulok ng kuwarto, napapalingon sa kanila.

Nainggit yata ito, pagkatapos makipag-usap sa cell phone, lumapit sa kama at nakipaglaro na rin sa anak hanggang inantok na si JD. Naipon yata ang pagod nito sa walang tigil na paglilikot maghapon, nahimbing ang tulog.

Kaya ang eksena sa kuwarto pagkatapos ng dinner, busy sa laptop si Sir JC katabi si JD na mahimbing na, si Lenlen naman ay nakahilata sa couch, naka-earphone sa kabilang tainga at nakikinig ng music. Ang kabilang tainga ay free, baka kasi may iuutos si Sir JC at hindi niya marinig.

Pagod din si Lenlen kaya madali siyang inagaw ng antok.

"Len?"

Nagising uli ang naiidlip nang diwa ni Lenlen. Umayos ng upo sa couch. "Sir?"

"Mangangatog ka sa lamig diyan," sabi nito. "Dito ka na. Ikaw rin naman ang unang nagigising sa iyak ni JD."

Walang anumang sinabi si Lenlen. Kumilos siya agad para sumunod sa utos. Malamig naman talaga at nangangatog na nga siya ngayon pa lang. Sa kama ay comfortable matulog dahil sa comforter. Ang lapad ng kama kaya wala naman talagang problema. Ang iniisip lang ni Lenlen, parang awkward na nasa kama din siya katabi ng mag-ama.

Maingat na humiga siya sa kaliwa ni JD. Inayos niya ang comforter sa mga katawan nila at nag-selfie para i-distract ang sarili. Nakarami siya ng shot. Pati kisame at wall ng kuwarto, kinuhanan niya ng picture. Nilubos na niya—pati si Sir JC na busy sa laptop, kinuhanan niya ng picture.

Tumawa lang si Lenlen nang mag-angat ito ng tingin at tiningnan siya.

"Isang stolen shot lang," sabi niya sa magaan at mahina lang na tono. Baka magising si JD sa boses niya. "Hindi ikaw ang kinuhanan ko, Sir. 'Yong sosyal na wall."

Hindi nag-react si Sir JC, parang wala lang na ibinalik sa laptop ang atensiyon. Tumigil na si Lenlen sa pagkuha ng pictures. Inilagay niya uli sa tainga ang isang earphone at balik sa pakikinig ng music. Matutulog na rin siya habang mahimbing pa si JD.

"Hindi okay sa katawan ang laging nagpupuyat, Sir JC," sabi ni Lenlen, para kasing walang balak matulog ang kasama base sa anyo. Ramdam niya ang pagbigat ng mga mata. "Nakakapangit pa..." Mas niyakap niya ang unan sa tabi ni JD. "Papangit ka..." At wala na siyang natandaan pagkatapos.  



NAGISING si Lenlen sa pakiramdam na may kung anong dampi nang dampi sa mukha niya. Kung hinahawakan siya o pinapalo nang mahina, hindi sigurado ng dalaga. 

Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now