Part 18

3.3K 143 30
                                    

PARANG haplos sa buhok ang naramdaman ni Lenlen. Dumaan yata sa buhok niya ang kamay ni Sir JC bago ang paghawak nito sa balikat niya kasunod ang: "Gising na, Len." O baka nagising lang siya sa magandang panaginip?

Hindi nagpanggap na tulog pa si Lenlen. Kumilos siya agad, bumangon kahit nakapikit pa. "Tulog pa si JD, Sir..."

"Tulog pa," boses uli ni Sir JC. "Mag-breakfast ka na bago pa magising."

Nagmulat na siya ng mga mata—ang fresh na fresh na looks nito ang sumalubong sa mga mata niya. Basa pa ang buhok, naka-jeans at naka-apron lang!

Natulala si Lenlen.

Ano'ng araw na ba? Hindi papasok sa office si Sir JC?

Napakurap si Lenlen nang hawakan ni Sir JC ang baba niya at iangat para itikom niya ang bibig. "O, hindi pa nag-toothbrush."

Pagkatikom sa bibig ay bigla niyang tinakpan ng kamay. Magaang tumawa si Sir JC. Nag-iwan ng dalawang mahinang tap sa ulo niya bago dumiretso sa tabi ng kuna at ilang segundong tiningnan si JD. Lumabas na rin ito agad. Nagmamadaling sumunod si Lenlen. Para siyang hangin na ang bilis dumaan. Sa banyo siya tumuloy. Naghilamos at nag-tootbrush.

Pagpunta niyang dining, nakasuot na ng simpleng white shirt si Sir JD, nagsasalin ng kape sa mug. Sumenyas ito na maupo na siya. Pagkaupo niya ay saka lang naupo.

"Parang hindi ka mag-o-office, Sir?"

"Catch up meeting with highschool friends," sabi nito at ngumiti. "Half day lang. Nasa office na ako before two PM. Sa cellphone mo ako tawagan kung may problema o kung may balita kay Shaleng."

Tumango siya. "Mag-enjoy ka, Sir. Kailangan mo 'yan. Hindi puro work."

Kumain na sila. Magana na namang kumain si Lenlen. Kinalimutan na niya ang tungkol sa dumadagdag na timbang. Lagi niyang naaalala ang nasa note ni Sir JC na inulit pa nga nito noong nagla-lunch sila at nagpipigil siyang kumain. Hindi daw makakabawas sa ganda niya ang pagdagdag ng timbang. O di ba ang haba ng hair niya?

Kung si Sir JC ang kasama ng mga babae sa earth, sure si Lenlen na walang babaeng bababa ang tingin sa sarili dahil sa sukat ng katawan. Ang lakas nitong maka-boost ng self confidence. Nakilala niyang man of few words si Sir JC. Mas madalas tahimik kaysa nagsasalita pero sa oras na magsalita, ramdam niya ang sincerity. Hindi ito ang tipo ng lalaki na magsasabi ng magagandang bagay para mambola lang. Kaya naman nag-level up talaga ang confidence niya sa simpleng note na iyon.

Maganda pala siya sa paningin nito?

Kumusta naman ang feels na nagandahan sa kanya ang nag-iisang crush? Kung puwede lang mag-walling talaga sa harap nito ay nag-walling na siya sa saya.

"Kasama na kayo ni JD next time," ang sinabi nito. "Mga two days."

"Saan, Sir?"

Hindi siya nito nito sinagot. Tumingin lang sa mukha niya at ngumiti. Binawi ang tingin at itinuloy ang pagkain.

Hanggang natapos silang kumain, iniisip na ni Lenlen ang 'pasyal' kasama ito. Excited na agad siya wala pa man. Bakit hindi kung sa mga bibihirang moment na iyon lang niya nagagawang mag-feeling girlfriend nito?

Wala pang seven AM ay paalis na si Sir JC. Nagising na si JD kaya karga karga na niya ito nang sumunod siya hanggang sa labas ng unit.

"Bye, JD," si Sir JC na hinalikan sa noo ang anak. Kinabig na naman nito ang baywang niya bago ginawa ang kiss na iyon. Lagi nang ganoon ang scene. Nakatayo siya sa harap nito nang wala halos pagitan kapag kini-kiss si JD.

"Bye—" naputol ang karugtong dahil na-extend sa kanya ang kiss. Hinalikan din siya ni Sir JC sa noo!

Nakanganga si Lenlen habang naglalakad palayo sa kanila si Sir JC.

'Wag umasa, Len. 'Wag umasa. Nagkamali lang 'yon. Ginagawa niya iyon sa late wife niya. Nalito lang siya. 'Wag mag-analyze. 'Wag gawing big deal ang mga kilos niya. Boss mo siya. Prinsipe siya at hamak na mortal ka. 'Wag kang magpantasyang maging royal blood din. Maging masaya ka nang okay kayo. Na friend ang turing niya sa 'yo. Sobra na nga 'yon. Maging friend ka na lang niya. Oo, friend lang. Friend lang talaga...

Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now