Part 7

3.2K 124 3
                                    

HINDI makatulog si Lenlen. Si JD ay mahimbing na sa kuna. Hindi na niya ginalaw para makatulog rin siya. Mukhang may baon na office work si Sir JC, hindi nito kinuha sa kuna ang anak. Hindi na naman yata matutulog at ayaw ng istorbo sa kuwarto nito.

Sa kuna nakatulog si JD at hindi na ginalaw ni Lenlen. Kumuha na lang siya ng unan at kumot para sa sofa matulog. Ganoon ang ginagawa niya kapag sa kuna nakatulog si JD. Umasa siyang makatulog agad pero past eleven PM na, buhay na buhay pa rin ang mga senses niya. Effect yata ng heartbeat niya ang hindi pagdating ng antok. Ayaw pa rin kasing paawat ang tibok ng puso niya. Pabalik balik rin sa isip ni Lenlen ang eksena kanina. Tandang tanda niya ang mga mata ni Sir JC. Paano nga naman siya makakatulog?

Bigla siyang bumangon, pumikit at sumubsob sa mga palad.

Magiging zombie na talaga ako nito, sabi niya sa sarili. Ang lupit mo, Sir JC, ah? Bakit ka ba ganyan? Ang bait ko naman sa 'yo, 'di ba? Bakit puso at isip ko, ginugulo mo? Inumpog na niya sa backrest ang noo.

Nagbubuga si Lenlen ng hangin sa ere nang bumangon. Dumiretso siya sa kusina at inilabas ang one gallon ng ice cream. Kumuha siya ng tinidor at platito? Hindi, plato ang kinuha niya! Plato talaga at pinuno niya ng scoop ng ice cream. Galit na galit sa sweet ang peg niya. Kailangan niya yata ng maraming sweets para pantanggal stress.

Panay na ang subo niya ng ice cream nang mga sumunod na segundo. Na-feel agad ni Lenlen ang effect. Parang naging magaan ang mood niya. Mas ginanahan siyang kumain—na nahinto rin nang maramdaman ni Lenlen na parang may nakatingin sa kanya. Nag-angat siya ng tingin—hayun nga, may taong nanonood sa paglantak niya sa ice cream—ang bumili mismo.

"Nagpaalam ako kay JD, Sir," sabi ni Lenlen sa pinakamagaang tono na alam niya, saka tinawanan ang sarili. "Ayaw dumating ng antok eh, kaya kain na lang muna. Ang hirap matulog..."

Hindi umimik ang lalaki. Kumuha rin ng plato at kutsara. Napatitig na lang siya rito nang umupo sa tabi niya at nag-scoop rin ng ice cream. Stress din?

"Nag-o-overtime ka, Sir?" ayaw ni Lenlen ng katahimikan. Mas nate-tense kasi siya. Mas okay pa na nag-uusap sila.

"May dapat lang tapusin," at nagsimula itong kumain ng ice cream. "Maganda ang mood ni JD?"

"Opo, Sir. Hindi lang talaga napapagod maglikot. Ayaw paawat. Ang hirap sabayan ng energy."

"Nakakapagod ba?"

"Sobra. Na-realize ko nga, grabe pala talaga ang sacrifices ng mga ina, Sir. Ang hirap mag-alaga ng baby twenty-four seven. Si JD nga, ang bait bait na pero ang hirap pa rin. Lalo na no'ng nag-start nang maglakad. Hindi mo maiiwan basta o dadampot o pipindot ng kahit anong mahawakan. Paano kung kainin ang kahit anong mapulot na nakakalat? O makalunok ng parts ng laruan? Kaya kailangan talagang bantayan lagi. Kapag tulog na, saka ka pa lang talaga makakakilos." Sumubo uli siya ng ice cream. "Pero 'yong mga moments ng baby na mawi-witness mo, 'yong mga una nilang ginagawa? 'Yon naman ang parang silent blessing na kapalit ng mga sacrifices ng ina. Priceless. 'Yong ngiti, 'yong inosenteng hawak, 'yong paghabol sa 'yo kasi ayaw magpaiwan, 'yong first words...lahat ng soft spots mo sa katawan, mata-touch talaga, Sir."

"Hindi man ikaw ang ina?"

"Hindi man ikaw ang ina," sumubo uli siya ng ice cream. "Kaya mas intense pa ang effect kung sa ina mismo." Mas okay talaga kapag nag-uusap sila, natatakpan ang nararamdaman niyang tensiyon. Gusto rin niya ang mga ganoong pagkakataon na nakikipag-usap si Sir JC. Ang tipid man nitong magsalita, ayos lang. Ramdam pa rin niya ang sincerity. "Na-bluetooth ko naman lahat ng pictures at videos ng mga firsts ni JD, Sir, 'di ba?"

Simpleng tango lang ang sagot nito.

Ngumiti naman si Lenlen. "Dapat saved ang mga moments na 'yon, Sir. Time flies, eh. Lilipas lahat 'tapos 'di mo na maibabalik. Ang bilis lang. Mapapansin mo na lang, 'yong baby na ayaw mo man lang makagat ng lamok, kumikilos na mag-isa—kumakain, naliligo, natutulog—nang 'di na kailangang i-assist. 'Tapos papasok na sa school, magkakaroon ng mga bagong kaibigan, magiging teen, magkaka-girlfriend, mag-aasawa, mang-iiwan na—"

Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now