Part 3

3.4K 99 2
                                    

"HATER ka pala ng Valentine's Day?" si Ellah kay Lenlen. Nasa Mc Donalds sila pagkatapos magsimba. Day off nila pareho kaya okay lang na hindi umuwi agad. Wala rin siyang dapat alalahanin kay baby JD. Tuwing linggo, hands on si Sir JC sa anak.

"Strong word ang hate, 'te Ellah," sabi niya at malungkot na ngumiti. "Ayoko ko lang mag-focus sa petsa kasi may bad memories, eh." paliwanag niya, kasunod na ikinuwento ang tungkol sa aksidente ng tiyuhin kasama ng amo nito.

Iniiwasan ni Lenlen ang kahit ano'ng magpapaalala sa kanya ng Valentine's Day. Pinipili niya na sa condo lang ng February fourteen— mag-isa at matulog. Si Ate Shaleng ay nagre-request ng day off at si Sir JC naman, nag-o-overnight sa bahay ng parents nito sa Taguig.

Malungkot kasi talaga ang alaalang hatid sa kanya ng Valentine's—last date na pala nila ni Tito Nello. Na-involve ito sa isang car accident kinabukasan. Nag-iisa niyang kapamilya si Leonell Desiderios o Tito Nello para sa kanya. Thirty four lang ang tiyuhin. Ang aga pa para mang-iwan. Naisip nga ni Lenlen, nakakatakot pala talaga ang kawalan ng kasiguraduhan ng buhay. Ang saya pa nila bago ang araw ng aksidente. Ni-request pa daw nito ang day off na sakto sa Valentines Day para mai-date siya. Wala kasi daw na magkakamaling i-date siya. Hindi iyon dahil pangit siya. Ayon kay Tito Nello, napasobra nga ang ganda niya kaya insecure na ang mga batchmates at mga lalaking ka-age niya. Mga dalawang paligo na lang daw kasi, mas maganda na siya kay Megan Young. Hindi raw siya pang basta-bastang lalaki lang. Sinasabi iyon ng tiyuhin na proud na proud sa kanya. Isang future beauty queen daw ang napalaki nito nang tama.

Sa future beauty queen, duda si Lenlen. Matangkad lang siya at slim. OA lang si Tito Nello na mas maganda siya kay Megan. Binubuhat lang nito ang bangko ng kadugo.

Pero sa nagawa siyang palakihin nang tama kahit seventeen years old lang noon si Tito Nello nang dumating siya sa buhay nito, totoong totoo iyon. Hindi nga alam ni Lenlen kung paanong nagawa iyon ng tiyuhin. Magtu-two years old lang daw siya nang kinuha ng dagat ang tunay niyang ama na pinsan nito. May banta daw ng masamang panahon, nangisda pa rin ang kanyang amang si Leonard Desiderios. Inabutan ng bagyo sa laot at hindi na nakabalik nang buhay. Nasa bakasyon lang noon sa Mindoro si Tito Nello. Pagbalik nito ng Angeles City kung saan ito nakabase at ayon dito ay 'rumaraket', kasama na siya. Kung paano nito nagawang magtagumpay sa role na ama niya sa lahat ng aspeto, isa lang daw ang armas nito—pagmamahal.

Hindi man inamin, may kutob si Lenlen na sa kanya na umikot ang mundo nito kaya hindi na nakapag-asawa. Isang Pasko noon, inamin sa kanya ni Tito Nello kung bakit hindi nito magawang pabayaan na lang siyang maging batang kalyeng ulila. Malaki pala ang utang na loob nito sa tunay niyang ama. Noong ten years old pala si Tito Nello, muntik nang malunod sa dagat at sinagip ng kanyang ama. Ang ama rin daw niya ang sumuporta sa pag-aaral nito hanggang naka-graduate ng high school. Kakalipat lang pala ni Tito Nello sa Angeles City noon nang mamatay ang ama niya. Nasa Angeles City ang trabaho nito, sa isang supermarket daw. Ang girlfriend ni Tito Nello ang naging kasa-kasama daw nito na nag-aalaga sa kanya. Pero isang taon lang, nagsawa daw ang babae at nakipag-break. Hindi raw lalaking may baggage ang kailangan nito sa buhay—'yon daw ang huling sinabi ng babae bago nang-iwan. Si Mamang Dally, ang mabait na senior citizen na may ari ng bahay na nirerentahan ni Tito Nello ang naging tagapag-alaga niya kapag nasa trabaho ang tiyuhin. Walang pamilya si Mamang Dally kaya parang sila na ang naging pamilya nito. Maging nang nalipat na sa Manila si Tito Nello at naging family driver, nasa poder pa rin si Lenlen ni Mamang Dally. Parang lola na ang turing niya sa matanda. Pero ilang taon pa, iniwan na sila ng matanda. Sakit sa bato ang ikinamatay nito.

"Kaya pala nagkukulong ka lang sa unit 'pag Valentine's Day," si Ellah uli. "Mag-isa ka lang lagi?" Ang Pasko at New Year ang malapit na pero Valentine's ang topic nila.

Tumango si Lenlen. "Nagde-date lagi si Ate Shaleng," cook ng parents ni Sir JC si Ate Shaleng bago inilipat sa condo. Matagal na daw sa pamilya ni Sir JC ang cook. "Si Sir naman, kasama si JD, nag-o-overnight sa bahay ng parents. Ako, mag-isa, walang nagmamahal!" dagdag niya. Joke na lang ang huli. Hindi naman big deal sa kanya ang kawalan ng lovelife. Sinasabi niya sa sarili nakita na niya ang kanyang Mr. Right. Sa maling panahon nga lang at nakatuntong sila sa magkaibang mundo.

"Ibig sabihin, mukmok talaga ang drama mo 'pag Valentine's Day?"

Tumango si Lenlen. "Ayoko lang ng kahit anong reminder ng buwan at petsa, Ate Ellah. Ang unfair naman sa puso ko kung masaya lahat ng tao tapos ako sobrang lungkot. Kaya mas okay na 'wag na lang isipin at bigyan ng atensiyon."

"Kung nalulungkot ka lang, mas okay nga na itulog na lang 'yan. Refreshed ka na pagkagising, hindi mo mawi-witness ang mga nagso-Sogo!" Exaggerated ang pagkakasabi nito. "Fully booked na naman lahat ng motels. Marami na namang mabubuntis!"

Ang sumunod nilang topic ay tungkol na sa moving on. Medyo natagalan silang matapos kumain. Mas marami kasing kuwento. Hindi alam ni Lenlen kung paano umabot kay Sir JC ang topic. Napansin na lang niyang wala na namang hinto ang pagkukuwento niya tungkol sa mga best traits ng kanyang 'prince charming.'

Hanggang nasa building na sila at pumasok na sa elevator, tinutukso pa rin siya si Ellah. Nasa kanya daw ang lahat ng chance sa mundo para gapangin at pikutin si 'Sir Crush' o Sir 'Eduardo'—ang mga code names nila kay Sir JC.

Tawa lang ang reaction ni Lenlen. Sa totoo lang, mas gusto niyang maging caring friend lang sa mag-ama. Hanggang doon lang naman talaga ang realistic na role niya sa buhay ng mga ito. Puwede niyang hayaan ang sariling magpantasya paminsan-minsan pero hanggang doon lang. Mulat siya sa katotohanang magkaiba sila ng mundo ni Sir JC. At malinaw rin kay Lenlen ang isa mga mga mabibigat na rason kung bakit pinili niyang talikuran ang dating buhay para maging yaya ni JD. Tama naman si Madam Cerena, dapat niyang gawin iyon. Dapat niyang ibigay ang dapat na pag-aalaga kay baby JD. Nawalan ang baby ng ina. Ang presence niya sa buhay nito ay magiging bayad na lang sa pagkakamaling nagawa ni Tito Nello.

Masakit man sa loob, kailangan na lang tanggapin ni Lenlen ang pang-uusig na ipinahayag sa napakakalmadong tono ni Madam Cerena. Wala siyang nagawa kundi manahimik lang. Wala na ang Tito Nello niya para ipagtanggol ang sarili sa mga akusasyon nito.

"Sabi mo pala, di ka rin magtatagal dito, Ate Ellah?"

"Three months lang. Medyo na-extend kasi may mga absenses ako."

Biglang nalungkot si Lenlen. "Ang bilis lang pala..."

"Wala rin ako sa Pasko at New Year. Baka next year na ang balik ko. Uuwi ako sa amin, Len."

Buti ka pa may uuwian, Ate Ellah... sa isip ni Lenlen at malungkot na napabuntong-hininga.

Len's Love (PREVIEW ONLY)Onde histórias criam vida. Descubra agora