Part 17

2.9K 125 25
                                    

"JD..." usal ni Lenlen at agad kumilos ang isang kamay para kapain ang diaper ni JD kung basa. Naging usual na niyang ginagawa iyon kapag magkatabi sila sa kama. Napadilat siya nang matigas ang makapa niya.

Parang...abs?

Biglang napadilat si Lenlen—malamlam na mga mata ni Sir JC ang namulatan niya. Mukhang nagising din sa iyak ng anak. Abs pala nito ang dinadama niya kanina. Nakasiksik lang naman siya sa tagiliran ng boss at nakayakap rito ang isang braso niya!

Nawindang pati kaluluwa ni Lenlen. Nanlalaki ang mga mata at nakanganga pa na bigla siyang bumangon. Ano'ng nangyari? Ano'ng nangyari? Nasa kama siya ni Sir JC at feel na feel niya ang pagkakayakap rito!

Lumakas ang iyak ni JD. Hindi pa rin makakilos si Lenlen. Nawala yata siya saglit sa huwisyo dahil sa namulatan niyang posisyon. Pagbaling niya uli kay Sir JC, nakabaon na sa unan ang kalahati ng mukha nito.

Mahinang umungol si Sir JC. "Si JD, Len..." sabi nito at mas isinubsob pa ang kalahati ng mukha sa unan. Saka lang natauhan si Lenlen. Ang bilis niyang nakaalis sa kama at lumapit sa kuna. Kinarga niya agad si JD.

Napalitan na ni Lenlen ng diaper si JD at tahimik na uli na dumedede sa kuna, nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama ni Sir JC na parang estatwa. Pilit niyang hinahanap sa isip kung ano ang nangyari at nagising siyang nakayakap kay Sir JC.

Gusto na naman ni Lenlen na magpalamon sa sahig. Ang naaalala lang ng dalaga, nakatulog siya.

Tama!

Nakatulog siya na may kausap pa si Sir JC sa cellphone—tapos, wala na! Wala na siyang maalala. Nahimbing na siguro siya. At dahil malala ang tama ni Lenlen kay Sir JC, hayun, kahit wala sa panaginip niya ang lalaki, ginagapang na pala niya!

Pinigil lang ni Lenlen na umungol nang malakas. Pinalampas ni Sir JC ang 'panggagapang niya nang tulog' baka kapag umungol siya, hampasin na siya nito ng unan.

Napasubsob siya sa palad at kanda ngiwi ngiwi nang maalalang kinapa niya ang abs ni Sir JC kanina!

Ang tigas ng abs, husko!

At kung makasiksik siya sa katawan nito, wagas! Parang asawa lang na tulog na tulog sa tabi ni Sir JC. Kung malalaman ni Madam Cerena ang ginawa niya, baka ilabas siya ng unit na hila ang buhok—napaangat bigla si Lenlen ng mukha nang marinig niya ang mahinang boses ni Sir JC.

"Ang ilaw, Len," sabi nito, medyo malakas lang sa ungol. "Patayin mo..."

Muntik pa siyang madapa sa pagmamadaling makalapit sa switch. Pagka-off ng ilaw, maingat niyang pinihit ang door knob para lumabas na rin at lumipat na ng kuwarto. Hihilahin na lang niya ang pinto ay hindi pa natuloy. Tinawag siya ni Sir JC.

"Paggising ni JD ng five, saka na lang kayo lumipat sa room," ang narinig niyang sinabi nito. Paglingon niya ay nakita ni Lenlen na nakaangat sa unan ang ulo nito, parang hinanap siya sa tabi at sa pintuan na siya naabutan ng tingin. "'Balik ka rito. 'Tulog tayo uli."

Nag-skip na naman ang heartbeat ni Lenlen. Literal na huminto saglit ang paghinga niya pagkarinig sa 'Tulog tayo uli'. Kung maka-invite, wagas! Nag-drop na naman tuloy sa zero level ang tatag niya. Ang laking tukso ni Sir JC. Gusto niyang magpatukso na lang hanggang umaga!

Nagustuhan ba ni Sir JC ang yakap niya? O baka hindi lang ang yakap niya ang gusto nito. Baka siya talaga?

Sa isip ay nakita ni Lenlen ang dalawang babaeng kamukha niya.Sinampal ng isa ang kasama kasunod ang "Ambisyosa!"

Napapikit siya. Tama lang ang scene na nakita niya. Kailangan din niya ang sampal na iyon para matauhan siya at makapag-isip nang tama.

"Len?" ulit na tawag ni Sir JC. Saka pa lang kumilos si Lenlen, lumapit na sa kama at nito at walang tunog na humiga. Sinadya niyang talikuran si Sir JC. Mas tahimik ang mundo niya sa ganoong posisyon.

"O-Okay na, Sir. Nandito na po. M-Matutulog na..."

Mahabang katahimikan na ang dumaan. Parang nakatulog na si Sir JC. Ramdam na rin ni Lenlen ang nagbabalik ng antok—na tinangay yata ng hangin nang maramdaman niya ang pagkilos ng lalaki sa kanyang likuran.

Dumikit ang katawan nito sa likod niya!

Nagpigil ng hininga si Lenlen, nakaawang ang mga labi. Mayamaya ay napalunok. So, hindi lang pala siya ang nanggagapang? Kumikilos din ng tulog si Sir JC?

Literal na nakanganga na siya nang maramdaman ang mas pagsiksik nito sa kanya at ang pagtawid ng braso sa kanyang baywang. Ang mukha nito, ramdam niyang nakasiksik na sa kanyang buhok!

Ang intimate ng posisyon nila!

Pero maninigas siya mayamaya kung hindi siya hihinga. At hindi siya makakahinga kung hindi siya magsasalita.

"S-Sir JC?" kasunod ang pagbuga ng hangin. "G-Gising ka ba?" Hindi yata talaga aware sa ginagawa. May ganoon talaga. Siya nga, nakasiksik pa rito nang magising. Hindi rin niya planong gawin iyon. Kumilos siya ng tulog.

"Hmn..." ang natanggap na sagot ni Lenlen. Mas isiniksik pa ni Sir JC ang mukha sa buhok niya. Napalunok si Lenlen. Kung pagbibigyan niya ang sarili, gusto niyang kumilos at humarap, yumapos nang mahigpit sa katawan nito at isiksik ang mukha sa gilid ng leeg ng lalaki.

"Nag...nagre-relax ka ba, Sir?"

"Hmn..." na naman ang sagot nito, mas mahina. Napangiti na si Lenlen. Mukhang half asleep na ito at hindi na nga aware sa kilos. Bakit ba niya i-stress-in ang sarili kung puwede namang matulog na lang at gumising nang refresh bukas? Hindi naman iyon ang unang yakap nila hindi ba? At ligtas naman siyang nagising kinabukasan. Malabo rin na ang molestiyahin siya ang intensiyon ni Sir JC sa pagyakap na iyon. May nangmo-molestiya ba na wala nang kakilos-kilos? May nangmo-molestiya ba na ilang segundo lang, panatag na ang paghinga—ibig sabihin, nahimbing na!

Pareho lang pala sila ni Sir JC na may tendency na 'manggapang' ng katabi kapag tulog!

Nahuhulaan na ni Lenlen na paggising nila bukas, walang bago sa kilos nito. Parang walang nangyaring yakapan. O mas tama yatang sabihin na walang anuman rito ang mga ganoong eksena sa pagitan nila. Hindi big deal para sa lalaki ang mga ganoong scene. Siya na may feelings kay Sir JC ang laging affected.

Dapat siguro, palampasasin na lang niya ang mga ganoong scene nila. Baka nga naman normal na bagay na ginagawa iyon ni Sir JC kapag may katabi sa kama. Sanay sigurong ginagawa sa asawa—napangiwi si Lenlen. Huwag naman sanang ibulong nito ang pangalan ng namatay na asawa habang yakap siya!

Nag-relax na si Lenlen sa loob ng yakap ni Sir JC. Mayamaya lang, napapapikit na siya sa antok. Pati sa panaginip, dala ni Lenlen ang imahe ni Sir JC. Naramdaman pa niya ang maingat na halik sa kanyang noo—na natiyak ng dalaga na panaginip lang nang paggising niya ay mag-isa na lang siya sa kama.

Nasa banyo si Sir JC at nagsa-shower base sa lagaslas ng tubig na naririnig niya.

Si JD ay tulog pa.

Inabot ni Lenlen ang cell phone sa bed side table. Wala pang five AM. Bakit ang aga yatang gumising ni Sir JC ngayon?

Ibinagsak na lang uli ni Lenlen ang sarili sa kama. Chance na niyang bumawi ng tulog. Paggising ni JD, straight na naman siyang dilat na dilat.

Nakatulog uli si Lenlen.

At nagising sa mabangong amoy ng longganisa. Ngiting-ngiting inabot niya ang unan ni Sir JC at niyakap. Naiwan sa unan ang bango nito. Okay sa kanya kahit singhutin niya iyon habang-buhay.

Longanisa o unan?

Unan...

Ngiting-ngiti si Lenlen habang nakabaon sa unan ang mukha. Sana forever na ganito, wish ni Lenlen sa isip. Matutulog akong yakap si Sir JC at magigising sa mabangong amoy ng breakfast na niluluto niya. Hay...

Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now