Part 19

2.8K 110 5
                                    

WALA si Ellah sa kabilang unit kaya walang mapagsabihan si Lenlen ng mga nararamdaman. Nakasabay niya three days ago sa paglabas ng unit si MD Greech. Tinanong niya ang model actor kung nasa loob ang kaibigan, wala raw. Nasa bakasyon sa probinsiya. Hindi na nagtanong pa si Lenlen. Tinext niya ang kaibigan pero hindi nag-reply. Busy siguro.

Three weeks na ang lumipas na fail siya sa paulit-ulit na advice sa sarili— 'wag mag-analyze, 'wag gawing big deal ang mga actions ni Sir JC, na 'wag umasa. Past ten AM, habang busy sa paglalaro si JD sa tabi niya, naggo-Google si Lenlen. Baka alam ni Google ang mga signs kung crush din siya ng crush niya.

Kung ano anong articles ang sagot sa kanya ni Google. May isang nakaagaw sa atensiyon ni Lenlen.

Crush Ka Ba Ng Secret Crush Mo? Check These Five Signs

Dinala siya ng Google sa isang blog nang i-click niya ang title ng article. Agad niyang binasa ang sinasabi sa article.

1. Secret crush brings you things you like.

Napangisi si Lenlen. Check. Pagkain!

2. Secret crush constantly gives compliment (in short, binobola ka, bes!)

Check. Pero sincere si Sir JC. Hindi bola ang pagbibigay nito ng compliment

3. Secret crush's body language says he's into you. (in short, 'wag lagi sa abs ang titig, bes. Observe-observe rin sa body language ni Crush 'pag may time. Puro stalk kasi sa FB niya ang ginagawa mo!)

Tawa na nang tawa si Lenlen. Kung tama siya, baka ka-age niya lang ang blogger. Hindi niya ma-check ang number three. Alin ba sa mga body language ni Sir JC ang pasok? Lagi daw nakangiti—ala blue moon ang ngiti ni Sir JC, uncheck. Lagi daw gustong maging pogi sa paningin niya—pogi na dati pa kaya hindi na kailangan mag-effort, uncheck. Lagi daw maganda ang posture—maganda na ang posture ni Sir JC wala pa man siya sa buhay nito, uncheck. Ginagaya daw ang kilos niya—malabo. Kung ano anong ginagawa niya 'pag magkatabi sila, si Sir JC parang poste sa pagiging calm kaya uncheck din. Fidgeting—malabo rin. Parang estatwa ang peg ni Sir JC. Never na nag-fidget. Kahit minsan, hindi niya nakitaan ng uneasiness or nervous movements. Feeling nga niya, sobrang under control ang lahat rito—kasama ang lahat ng emosyon. Kaya parang bato lang na naging tao.

Kinalabit siya ni JD kaya binitiwan muna ni Lenlen ang cellphone at nakipag-kulitan sa alaga. Pinanggigilan niya ito ng halik at playful na sinundot sa tagiliran. Hagikhik nang hagikhik si JD. Nang tumigil siya, balik uli sa paglalaro ang alaga. Nasa makukulay na bola na naman ang atensiyon nito.

Balik din sa binabasa si Lenlen. Naaliw siya sa article.

4. Eye contact (i-explain ko pa, bes? He's intently looking at you! Ikaw naman, 'wag kang papahuli na una kang tumititig. 'Wag masyado obvious na nasa ilalim ng unan mo ang picture niya!

Tawa uli si Lenlen. Ang galing ng style ng blogger, hindi boring ang article. Totoo man o hindi iyon, nakakatuwang basahin. Check sa eye contact.

5. Secret crush pay attention/listens to you (O, malinaw 'yan, bes, ah? I-check kung nakikinig sa 'yo si Secret Crush. 'Pag nagti-text siya instead na nakikinig everytime na nagse-share ka kung gaano ka-perf ang selfie mo, kung gaano kataas ang grades mo, kung gaano kasarap ang food sa resto na pinuntahan mo o kung gaano ka kaganda—palitan mo ang kuwento! Puro ka kasi buhat ng bangko. Ikuwento mo kung paano mo balak baguhin ang mundo in six years kung ikaw ang maging Presidente! At kung anong gagawin mo kapag may nag-landing na alien sa Pilipinas at bumangon lahat ng zombie! 'Wag kasing self-centered, bes. Hindi sa 'yo umiikot ang mundo!)

Natatawang bumalik si Lenlen sa Google. Nag-check siya ng iba pang articles. May isa siyang nakita na mukhang interesting. Nag-click siya uli.

Fifty Ways To Say I Love You Without Actually Saying It

"Gusto ko, 'to," sabi ni Lenlen sa sarili. "Magawa nga minsan..." ang lapad na ng ngiti niya habang hinihintay na mag-load ang page.

Mabilis ang mga mata ni Lenlen—at napahawak sa dibdib nang mabasa ang mga pamilyar na ginagawa niya! Siya pala ang nagsasabi ng 'I Love You' kay Sir JC through actions!

20. "You should take a break—you work too hard."

Sinabi niya iyon! Hindi nga lang parehong-pareho pero ganoon ang thought.

31. "You were right"

33. Bringing an extra water bottle when you know he'll be out long.

35. "Don't forget to bring your umbrella!"

38. Checking in when they have a flu.

"Nagawa ko na lahat 'to, grabe!" si Lenlen at naghanap naman ng mga posibleng nagawa na ni Sir JC para sa kanya.

15. Sharing your bed. Napangiti siya nang malapad. Ayaw niyang umasa pero masaya talagang magpantasya ng happy ending kahit imposible. Ilang beses na ba silang nag-share ng bed?

10. "Your hair looks great."

"Nagpagupit ka ba, Len? Mas gumanda ang buhok mo," ang version ni Sir JC. Sinabi nito iyon noong naisipan na lang nila ni Ellah na magpa-treat ng buhok pagkagaling sa simbahan.

6. "Would you like anything from the store?"

"May gusto ka pa bang bilhin ko, Len?" ang laging linya ni Sir JC kapag tumatawag at nagtatanong ng mga bibilhin nitong things ni JD. Grabe lang! Kung totoo ang sinasabi sa article, may feelings din sa kanya si Sir JC? Masarap sanang umasa talaga pero nakakatakot din.

13. Bringing breakfast in bed.

Hindi literal na dinadalhan siya ng breakfast sa kama pero nagluluto ng breakfast at hinahayaan pa siyang kumain kasabay nito. "Natutunaw na ang puso ko, waaah!" bulong niya sa kawalan kasunod ang pag-abot kay JD. Ang alaga na lang ang niyakap niya—substitute kay Sir JC. "Ikaw ang mas safe mahalin, JD." Nagpayakap ng ilang segundo si JD pero mayamaya ay umaalpas na. Mas gusto nitong maglikot sa latag nila. Habol nang habol sa makukulay na bola.

Tumigil na si Lenlen sa paghahanap ng sagot sa internet. Nag-ala tulalang estatwa na naman siya, nakatitig kay JD pero lumilipad naman ang isip. Mga eksena nila ni Sir JC ang nakikita niya.

Three weeks na rin pala na hindi nagpaparamdam si Ate Shaleng. Ano na kaya ang nangyari sa cook? Hindi kaya nakipag-live in na sa GGSS na boyfriend?

"Sana lang, ligtas siya..." usal ni Lenlen sa sarili. Sa kabila ng ginawa sa kanya ng cook, hindi pa rin maalis ni Lenlen sa isip na baka napahamak na ito dahil sa boyfriend. Masama talaga ang kutob niya sa may bigoteng lalaking iyon.

Ang three weeks ay naging mga buwan na. Palapit na palapit ang Pasko at Bagong Taon. 

Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now