Part 21

2.8K 130 22
                                    

"ANO'NG gusto mong bilhin ko sa five hundred, Len?" si Sir JC nang paalis na. Nasa sila sila. Nagtitiklop ito ng longsleeves hanggang sa siko at siya naman ay karga si JD na humakain ng saging. Sabay silang tatlo na nag-breakfast kanina.

Agad naisip ni Lenlen na ang five hundred na binanggit niyang bayad sa massage ang sinasabi nito. Magaan siyang tumawa.

"Pag-ibig, Sir!"

Natawa si Sir JC. "Hindi nabibili ang pag-ibig. Boyfriend puwede."

"O, 'di tig-five hundred na boyfriend!" mas malakas ang tawa niya. "Malay mo naman, meron. Sabihin mo, Sir, diyosa ang kliyente!"

"Kung ikaw ang bibili sa akin, payag na ako sa five hundred."

"Ay, ayoko. Magpapa-massage ka lang, eh."

Tawa na sila nang tawa. Mayamaya ay natapos na ni Sir JC sa pag-aayos sa sarili. Nagmamadali ang kilos nito. Binitbit agad ang mga gamit bago lumapit sa kanila. Walang warning na kinabig ang katawan niya palapit at hinalikan sa noo si JD.

"Amoy effiscascent oil pa ba ako?" tanong nito pagyuko sa kanya. Tiyak ang pag-iling ni Lenlen.

"Mabango ka, Sir."

"Totoo?" napapangiti ito. Hawak pa parin ang baywang niya ng malayang kamay pero hindi naman magkadikit ang mga katawan nila.

Tumango uli siya. "Ilong-friendly, Sir. 'Yong scent na masarap singhutin." Suminghot nga siya—at natawa nang mas ibaba nito ang sarili para pagbigyan siya. "Okay na, Sir. Baka late ka na—" nagkasabay ang pag-angat niya ng mukha at pagyuko nito para i-kiss siya sa pisngi yata—na aksidenteng sa lips niya dumampi. Sigurado si Lenlen na nanlaki ang mga mata niya.

Si Sir JC ay halatang nagulat rin. Napatitig sa mga mata niya pero saglit lang. Segundo lang ay nag-half smile at parang walang anuman na hinalikan uli siya—sa sentido na—at naglakad na patungo sa pinto.

First kiss ko iyon...

Ang hirap talaga ng lugar ni Lenlen. Obvious na obvious na affected siya sa kiss pero si Sir JC ay halatang wala lang. Hindi pa rin big deal para sa lalaki kahit halik na sa lips!

Aksidente lang naman kasi, Lenlen. Ikaw ang OA! Ang kontrabidang isang bahagi niya. Sabagay ay may punto naman. Hindi sinadya ang kiss. Bakit kasi naisip pa ni Sir JC na sa pisngi siya i-kiss? Kung sa sentido lang sana gaya dati, hindi aksidenteng nagtagpo ang mga labi nila.

Pero ano ba ang inaangal niya?

Aksidente man, at least na-feel niya ng slight ang kiss nito!

Ang soft ng lips! At warm! Eeeehhhhh!

Mariin niyang hinalikan si JD para pigilan ang pagtili sa kilig. Lumabas na ng pinto si Sir JC. Pinili ni Lenlen na hindi na sumunod. Baka makahalata ito na para siyang high sa saya dahil sa isang mabilis na kiss sa lips na aksidente pa nga.

Kung ganoon na ang effect sa kanya ng mabilis na kiss, paano pa kaya kung passionate na?

Kung...kung deep kiss na at ang higpit pa ng yakap sa kanya ni Sir JC?

Collapse na, Lenlen. Collapse na! 

Len's Love (PREVIEW ONLY)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang