Part 11

2.5K 114 4
                                    

"BAKIT ako, Ser? Si Lenlen ang laging nandito. Siya rin ang nagpapapasok sa bahay n'yo ng ibang tao. Matagal na ba niyang kilala 'yon? Ako, sa tagal ko sainyo, wala akong ibang taong pinapasok dito," at umiyak na si Ate Shaleng.

"Hindi ko sinabing ikaw, Shaleng. Naghahanap ako ng sagot kaya nag-uusap tayong tatlo ngayon," pantay na sabi ni Sir JC. "Nagtatanong ako, hindi nagbibintang."

Lampas nine AM na, nasa bahay pa rin si Sir JC. Hindi na makaalis dahil nawawala ang rolex watch. Mukha hindi ito aalis ng bahay na walang nakukuhang malinaw na sagot.

Nasa sala kanina si Lenlen at abala sa pagsubo kay JD nang tawagin siya ni Sir JC. Si Ate Shaleng naman na nasa kusina at abala sa paghahanda ng lulutuin, inutusan nitong sumunod agad sa kuwarto. Pagkapasok nilang dalawa, siya ang unang tinanong ni Sir JC kung pumasok sa kuwarto nito nang nagdaang araw. Agad sinagot ni Lenlen ang tanong—na twice siyang pumasok para kumuha ng extra shirts ni JD. Nasa laundry bin na kasi halos ang mga damit nitong nasa kuwarto niya. Sa ikalawa niyang pasok, nag-check lang siya kung naiwan sa kuwarto ang nawawalang kaparehas ng sapatos ni JD. Tumango si Sir JC at nag-follow up ng tanong: Kung napansin daw ba niya ang relo nito. Maikling "Hindi, Sir," ang sagot ni Lenlen.

Bumaling si Sir JC kay Ate Shaleng. Ang cook naman ang tinanong ng parehong tanong. 'Hindi' rin ang naging sagot ni Ate Shaleng at sinabi pang nagpatulong sa kanya mag-ayos ng mga lalabhang damit. Siya daw ang kumuha ng laundry bin at naglabas sa kuwarto.

Napanganga si Lenlen. Nagulat na nagsisinungaling si Ate Shaleng kay Sir JC. Hindi totoo ang mga sinabi ng cook. Ni isang damit galing sa kuwarto ni Sir JC ay hindi niya nahawakan. Gusto ba ni Ate Shaleng na siya ang paghinalaan ni Sir JC na kumuha ng rolex watch?

"Ate Shaleng..." ang nasabi ni Lenlen. Hindi na niya nadugtungan ang sinabi dahil parang naiiyak na ang babae. Medyo hindi na-gets ni Lenlen kung bakit iyak na agad si Ate Shaleng. Nagtatanong lang naman si Sir JC. Idagdag pang siya na nga ang parang gustong idiin nito. May kasamang iyak ang acting?

"Si Lenlen lang ang pumasok sa kuwarto ko, 'yan ba ang sinasabi mo, Shaleng? Sinasabi mo rin na siya ang nag-ayos ng mga lalabhang damit—na dapat ikaw ang gumawa?" pantay pa rin na balik ni Sir JC. Ang hirap talagang hulaan ng emosyon nito. Blanko ang mukha at walang clue na kahit ano sa mga mata. "Madalas mo bang utusan ni Lenlen na gawin ang trabaho mo? Si JD ang dapat niyang inaasikaso, hindi ang labada—"

"Sir JC—"

Napahinto si Lenlen nang bumaling sa kanya ang lalaki. Malamig ang anyo nito. Walang kahit anong emosyon na mababasa sa mga mata. "I'm asking her," Mariing putol nito na nagpatikom sa bibig ni Lenlen.

Umiyak na nang may tunog si Ate Shaleng. Ang sagot nito kay Sir JC ay siya na talaga ang idinidiin. Pati ang pagpapasok niya kay Ate Ellah sa unit, isinumbong kay Sir JC na para bang mortal na kasalanan iyon. Pati si Ellah na walang kamalay-malay, pinalalabas nitong mas dapat pag-isipan ng masama. Mabuti na lang talaga at hindi iyon naririnig ni Ellah. Kung nagkataon, sabunot na ang inabot ni Ate Shaleng.

Pero ang mas malala, sinabi ni Ate Shaleng na sa kanilang dalawa, sigurado raw ito na siya ang kakampihan ni Sir JC. Napanganga na lang si Lenlen nang maghamon si Ate Shaleng—i-check daw ang gamit na dala nito at ang mga gamit niya sa kuwarto. Pagtingin sa kanya ni Sir JC, tumango lang si Lenlen. Wala siyang kahit anong kinukuha kaya kahit ano'ng check ang gawin sa lahat ng gamit niya, walang relong makikita si Sir JC.

Pero mali si Lenlen. Ganoon na lang ang gulat niya nang matagpuan nila ang rolex watch ni Sir JC sa closet niya mismo! 

Windang pati ang kaluluwa ni Lenlen!


Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now