Part 13

3.1K 122 16
                                    

KUNG si Ate Shaleng ay maagang umalis ng unit, si Sir JC naman ay maagang umuwi. Mga thirty minutes pa lang yata pagkaalis ng cook ay dumating na ito. Kung hindi lang si Ate Shaleng agad ang hinanap ni Sir JC pagkapasok sa unit, naisip ni Lenlen na baka nagkasalubong pa sa lobby ang dalawa.

Karga niya si JD at nanonood sila ng educational videos nang maabutan ni Sir JC.

"Umalis ng five PM, Sir," sagot ni Lenlen sa tanong nito. "Walang iniwang message para sainyo." Siya ang ginagawang messenger ng cook dati. Mas madalas ay tungkol sa cash advance ang message kay Sir JC.

"Ano'ng oras papasok bukas?" si Sir JC na naupo sa tabi niya. Tahimik na kinuha si JD at kinarga.

"Wala ring sinabi, Sir JC." Nasa TV ang mga mata ni Lenlen. Pagkaalis pa lang ni Ate Shaleng, buo na ang desisyon ni Lenlen na huwag nang ipaabot kay Sir JC ang conflict nilang dalawa. Issue nila iyon, silang dalawa ang dapat mag-solve. Mabuti na lang talaga at hindi siya sinaktan na nagmarka sa balat. Kung meron, mapipilitan siyang magsalita dahil siguradong magtatanong si Sir JC.

Katahimikan.

Si Lenlen ay naging ala JD na aliw na aliw sa pinapanood. Ang totoo ay gusto lang niyang i-distract ang sarili. Ayaw niyang mag-isip. Ayaw niyang makaramdam ng mabigat sa dibdib. Kung posible nga lang na i-set ang utak para makalimutan ang mga partikular na eksenang natapos na, na-set na niya agad ang sa kanya-na hindi na niya maalala ang mga scene mula kaninang umaga.

Sa lahat ng eksena, ang mas nagpapasama ng pakiramdam ni Lenlen ay kutob niyang naniniwala si Sir JC na siya nga ang kumuha ng relo nito.

"Nag-usap ba kayo ni Shaleng pagkaalis ko, Len?" basag nito sa katahimikan mayamaya.

Tahimik lang siyang tumango, hindi inaalis sa T.V. ang tingin.

"Tungkol saan?"

"Sa relo, Sir."

"Ano'ng mga sinabi niya?"

Hindi na sumagot si Lenlen. Kapag nagsalita siya, magpapatuloy ito sa pagtanong at maisusumbong na niya lahat. Kung si Ate Shaleng ay gusto siyang ipamahak kay Sir JC, si Lenlen ay mas gustong hindi na lang magsalita. Hindi niya gustong isipin ni Sir JC na sinisiraan niya ang cook nila. Baka isipin pa ng lalaki na siya na ang itinuturo ng ebidensiya, itatanggi pa niya at pagtatakpan sa pamamagitan ng paninira sa iba.

"Len?"

Lumunok lang si Lenlen. Wala talaga siyang balak magsalita.

"Naghihintay ako ng sagot." May diin nang sabi ni Sir JC. Naging obvious ang pag-inhale-exhale niya.

"Siya na lang siguro ang tanungin n'yo, Sir," ang sinabi niya sa mababang boses. "Siya naman ang maraming sinasabi, eh. Kung...kung ano'ng punishment ang sa tingin n'yo dapat sa akin, tatanggapin ko, Sir JC..." kinapa niya ang throw pillow sa tabi at maingat na niyakap. Hindi alam ni Lenlen kung bakit ginawa niya. Feeling lang ng dalaga, magiging okay ang pakiramdam niya kapag may nayakap siyang kahit ano.

"Punishment," narinig niyang sabi ni Sir JC, mababa lang. "On what fault?"

Hindi na naman siya umimik.

"Talk to me, Leanelle."

Natigilan si Lenlen. Wala sa loob na tumuwid ang likod. Hindi rin niya napigilan ang pagbaling kay Sir JC. Unang beses na binanggit nito ang buong pangalan niya. Hindi alam ni Lenlen kung bakit parang natakot siya. Pakiramdam niya ay galit ito kaya buong-buo ang pagbanggit sa pangalan niya.

Nagtama ang mga mata nila.

Matagal.

Naging sobrang tahimik.

Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now