Part 8

2.7K 122 6
                                    

MULA sa pagtitig kay JD na busy sa pagsipsip ng gatas, napalingon si Lenlen sa pinto nang bumukas iyon. Nasa sofa sila ng alaga. Nakahilig siya sa mga throw pillows, karga niya si JD na dumedede.

Sir JC...

Sa isip na lang nasabi iyon ni Lenlen. Pumasok ang kanyang boss na parang hindi nagtrabaho ng half day. Fresh na fresh pa rin. Ang hirap lang pigilan ng sarili na hindi tumitig. Makapigil-hininga talaga ang kaguwapuhan nito!

"Hap dey ka, Ser?" si Ate Shaleng na naglalaba sa banyo. Sa kanilang dalawa, ito ang mas matanong. Minsan nga, nagiging pakialamera na. Makakahalata lang na napapasobra na ang tanong kapag nag-react na si Sir JC. Saka lang hihinto sa pag-uusisa.

Hindi umuuwi ng lunchtime si Sir JC. Kapag umuwi, ibig sabihin ay hindi na babalik sa office ng hapon. Ang alam ni Lenlen, base sa chika ni Ate Shaleng, ang kompanya ni Sir JC ay dealer ng mga imported wallpapers, local and imported carpets, plastic curtains at iba pang industrial products. Maliit lang daw ang kompanya. Wala yatang fifteen ang regular employees. Hindi na siya gaanong nagtanong at baka kung ano pa ang isipin ni Ate Shaleng. Advance pa naman masyado mag-isip. Nagtanong lang siya noong minsan tungkol kay MD Greech, inisip na agad na crush niya kaya interesado siya. Baka daw ang model-actor ang dahilan kaya panay ang lipat niya sa kabilang unit. Naloka si Lenlen sa bilis mag-isip ni Ate Shaleng ng maling hinala.

"Yes, Shaleng. Why?" sagot ni Sir JC, naghubad ng sapatos at nagsuot ng tsinelas galing sa shoe rack malapit sa pinto.

"Wala naman, Ser," sabi ni Ate Shaleng. "Coryos lang. 'Di pa kasi oras ng uwian. Iinitin ko ba ang puds, Ser?"

"Hindi na. Kumain na ako," at dumiretso na ito sa sala. "Hi, baby," inilapag nito sa single sofa ang bitbit na mga gamit. Tumigil sa pagsipsip ng gatas si JD at hinanap ang boses. Napangiti si Lenlen nang ngumiti ito pagkakita sa ama. Narinig na naman niya ang pag-usal ni JD ng 'Dada'.

Umupo si Sir JC sa tabi ni Lenlen at hinalikan sa noo si JD. Niyakap na naman siya ng bango nito. At hayun, nagdikit na naman ang mga balikat at braso nila. Muntik na siyang mapatikhim. Nag-react na naman ang heartbeat niya. Salamat na lang at nakakayanan niyang magpanggap na walang anuman ang mga ganoong scene. Inililipat na lang ni Lenlen ang focus kay JD para i-distract ang sarili.

"Kumain na kayo?" baling sa kanya ni Sir JC pagkatapos ng ilang segundong pagtitig kay JD.

Tango lang ang sagot ni Lenlen. Kay JD rin nakatutok ang kanyang tingin. Inakala pa ng dalaga na agad aalis sa sala si Sir JC, na maiiwan sila ni JD at matatahimik na uli ang mundo niya-mali si Lenlen. Nanatili sa tabi niya si Sir JC. Inilagay pa nito sa backrest sa likod niya ang braso na parang nag-relax. Tuloy lang si Lenlen sa panonood kay JD. Pero mayamaya ay na-distract siya-nag-lean forward ba naman si Sir JC para malapitang titigan ang anak, hinawakan pa nito ang baby bottle. Ang resulta, halos yakap na siya!

"Len?"

Napalunok si Lenlen. Bakit tunog sexy bigla ang pangalan niya? O baka ang boses nito ang sexy? Gusto niyang kurutin ang sarili. Kung ano ano na ang naiisip niya dahil lang sa sobrang lapit nila.

"Po?" mas safe magsalita kaysa bumaling rito. Lalo siyang madi-distract kung magtatama ang mga mata nila.

"Aalis tayo," sabi nito. "Prepare JD's things. Bihisan mo siya agad pagkatapos niyan. Maghanda ka rin ng gamit good for one night."

"Okay, Sir."

"Shaleng, ikaw na'ng bahala pagkaalis namin. Walang iiwang naka-plug at i-double check kung naka-lock ang pinto bago iwan.

"Opo, Ser."

Saka lang umalis si Sir JC sa tabi niya. Binitbit ang mga gamit at dumiretso na sa sariling kuwarto.

Pagkatapos niyang bihisan si JD at ihanda ang mga gamit nila, sa sala na sila naghintay kay Sir JC. Paglabas nito ng kuwarto, kinuha sa kanya si JD at inutusan siyang magpalit ng damit. Naka-yaya uniform siya. Bawal ang yaya uniform sa pupuntahan nila? Nagtaka man, sumunod na lang si Lenlen.

Five minutes later, nasa biyahe na sila. Halos isang oras din ang biyahe nila. Naipit kasi sila sa trapik sa EDSA. Nagtaka man, hindi na nagtanong si Lenlen kung bakit sa parking ng kilalang hotel sila pumasok. Naisip niyang baka mag-aattend ng sosyal na event si Sir JC. Tahimik lang siyang nakasunod rito, karga niya si JD. Si Sir JC naman ang may bitbit sa mga gamit nilang tatlo.

Hotel room na pang-couple ang kama pala ang final stop nila!

Gustong magtanong ni Lenlen pero nagbago ang isip. Kasama ni Sir JC si JD kaya malamang naroon siya para alagaan ang baby. Alangan namang isinama siya nito para mag-honeymoon sila!

Medyo naloka siya. Parang masayang mag-feeling bride na nasa honeymoon sa ganoon ka-sosyal na hotel room.



Len's Love (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now