Chapter 2

84.3K 1.1K 38
                                    

Chapter 2

Nawala agad sa isip ko 'yong lalaki sa may hotel ng kumain kami ng lunch ni Ivan. Tss. Akala ko pa naman iinom na kami yun pala ay papakainin lang niya ako. Tawa lang siya ng tawa ng sumimangot ako dahil sa disappointment. He laugh so hard and throw his head like a crazy man. God knows I fell inlove with him like 999999x more.

Mataray ako, prangka at makalas ang trip but deep inside maalaga ako. Oh diba! Ayokong nakakawawa ang taong mahalaga sa akin. Kung hindi nila kayang depensahan ang sarili nila ay ako ang gagawa noon. Ivan deserves to be happy. He's a good man! Nagkamali nga siya ngunit pinagsisihan na niya 'yon. Sana nga lang ay hindi na sila magkita pa ni Janine lalo pa't pupunta si Ivan sa Baguio. Ayoko ng masaktan pa siya. That's enough! Hindi ko na makakapagtimpi pa kapag nasaktan ulit siya.

"What's with the face Yvette? Hindi bagay sayo." umirap ako at padabog na uminom sa champagne ko. Ugh! Bakit nga ba champagne ang kinuha ko? Pangalan nga din pala ni Janine ang Champagne. Fool me. I winced ng ibinaba ko ang aking alak dahil nainis ako sa katangahan ko.

"Masama bang magpa-cute?" mataray kong tanong sa kanya habang si Ivan naman ay kinagat lang ang labi niya para hindi siya tuluyang matawa. Seriously? Ano bang nakakatawa sa akin? Walang epekto ang pagtataray ko sa kanya habang yung iba naman ilag sa akin.

"Ang taray kasi ng mukha mo. Stop raising your eyebrow. I bet puro kontrabida roles ang mapupunta sayo kapag nag-artista ka." salamat Ivan ah! Tss. Hndi ko mapigilan eh. Kusa nalang talagang umaangat ang kilay ko kapag may stupid or eyesore sa harapan ko.

"Sasama ako sa Baguio ah?" change topic ko. Sasama ako kahit anong mangyari! Kahit harangan niya ako ng abs niya ay sasama ako! Kung makikita rin naman niya si Janine ay dapat naroon ako. I need to protect him. Sasaktan na naman siya ng babaeng 'yon.

Akala ni Janine ay lagi nalang siya ang kawawa. Siya nalang palagi! Porke't mabait siya at mahinhin? Ha? Siya lang ba ang pwedeng mag-drama?! Palibhasa mahina siya. Nagpapa-awa lang siya para sa kanya ang simpatiya. Kaya lagi akong napagkakamalang masama at kontrabida. But the truth is kaya ko lang protektahan ang sarili ko. Kaya kong ipaglaban kung ano ang tama at kung ano ang mali.

"Drop that! Hindi ka sasama Yvette. Trabaho ang ipupunta ko doon at hindi bakasyon." seryoso at maawtoridad ang tono ni Ivan. Bakit hindi niya pa kasi seryosohin ang mayroon sa amin? Wait! Ano nga ba kami? Ayokong maging assumera dahil hindi ako ang ganoong tipo. I like him! I really like him! Sa isang maganda, talented, matalino at smexy nurse na katulad ko ay dapat matuwa pa siya. Aba maraming nagkakandarapa sa kagandahan ko 'no! Ilang doctor na ang ngumanga sa kasexyhan ko tapos siya flat affect lang?!

"Stop being an asshole Ivan! Sasama ako!" determinado kong sagot. Gosh! As if namang ayaw niya ng company ko 'no. Aminin niya o hindi ako lang ang naging kaibigan niya noong naghiwalay sila ni Janine. Nagalit sa kanya si Tita Jackie pati ang kakambal niya. Ayaw din naman nila sa akin kaya mabuting kami nalang ang magsama ni Ivan.

Akala ba nila ay cool lang sa akin na 97% ng sangkatauhan ay ayaw sa akin? Hindi kaya masaya 'yon! This is me. Hindi ako magbabago dahil lang gusto ko ang company nila. Sarili ko lang ang lolokohin ko. Haha. Naalala ko si Nathalia. That doble cara bitch! Akala ba niya'y hindi ko alam ang paninira niya kay Janine? Tss. Pasalamat siya at hindi ko siya sinita.

"No! You're not coming with me Yvette." hindi na nagbibiro ang rekaksyon ni Ivan at alam kong mamaya ay magagalit na siya. Ako pa? Sa magulang ko nga hindi ako nakikinig sa kanya pa kaya?

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon