Chapter 22

39K 756 43
                                    

Chapter 22

Yvette's POV

Sometimes I wish to have an amnesia so that I could forget everything that happened to my life, my problems and my frustrations. I think that would be great but I am here, stuck sa realidad na kahit kailan hindi ko matatakasan ang nangyari, ang bangungot na iyon.

Iniyakap ko sa akin ang telang hawak ko at nanghihinang umupo sa may silya upang magsilbing sandalan ko dahil mukhang bibigay na ang mga tuhod ko sa labis na panlalambot niya. Marahas akong umiling at kasabay niyon ang pagtakas ng mga luha sa mga mata ko. I choked as I was trying to suppress my tears but instead I cried painfully and harder. It's impossible. Hindi maaari iyon, hanggang sa huling porsyento ng paniniwala ko kay Miguel ay ilalaan ko sa kanya. Hindi magagawa ni Miguel iyon dahil kung oo ay hindi niya ako matitignan ng diretso sa aking mga mata.

I stood up and went to where Miguel left his bag. I am just so thankful that I didn't stumble on my feet because I can feel that my joints went into jelly-O. Patuloy pa rin ang malayang pagdaloy ng aking mga luha habang kuyom ang mga kamay na inilapit iyon sa kanyang mga gamit, may bahagi ng utak ko ang nananalangin na sana ay mali ang lahat ng iyon at tanging kapraningan lamang ang umiiral. He can't do that to me. I have my faith on him.

Bawat kalamnan ko yata ay nanginginig sa hindi ko malamang dahilan. Galit, takot o pangamba ang namamayani sa akin habang lihim pa ring nagdarasal. Pinaniwalaan at pinanghawakan ko ang lahat ng sinabi niya I even surrenderd myself, trust, faith and love on him. Wala na akong itinira sa akin at kung sasaktan man niya ako ay sana hindi sa paraan ng pagtataksil o pagsisinungaling. You can hurt me in every aspect you want but not by betrayal because it will kill me. Huwag naman sa lalaking minahal ko ng totoo.

Binuksan ko ang maliit lamang niyang bag na naglalaman ng wallet, pabango at ilang damit. Warren, iyon ang pangalan ng lalaking gumahasa sa akin. Hanggang sa huli ay buo pa rin ang tiyansa ko na hindi iyon si Miguel, mabait si Miguel and he's a real gentleman. I'm just being paranoid that's all. Upang mapanatag na rin ang loob at isip ko ay kinuha ko ang wallet niya at sa pagbuklat ko niyon ay ilang ID ang nakaipit roon gayon din ang credit and debit cards nito. I picked his PRC license and read his name slowly, I read it twice or thrice just to make it sure and then I dropped his wallet because of sudden pang of astonishement and fury.

"Miguel Warren V. Wenceslao." mahina kong usal habang sapo ang aking dibdib. Naninikip iyon hindi dahil sa may sakit ako sa puso kundi dahil sa matinding kirot niyon na hindi ko alam kung saan nagmumula. I cried harder and louder. I even screamed his name and cursed him. Wala na akong pakialam kung mayroon mang makarinig sa akin at sumugod sa silid na ito.

"HAYOP KA!!" sigaw ko at tuluyan nang napaluhod sa may sahig habang paulit-ulit na hinahampas iyon. Wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko kumpara sa namumula at nagdudugo ko ng mga kamay dahil sa patuloy na paghampas. Kinuha ko ang vase mula sa coffee table at binasag iyon na para bang si Miguel mismo iyon. Nanghihina akong napaupo at walang magawa kundi ang umiyak na lamang. I feel so betrayed. Para akong niloko ng langit sa lahat ng pinaniwalaan ko.

I hugged myself and cried even more. Nanlalamig ang buong sistema ko. I just don't know what I'm feeling right now. I always kept myself distant from people. I put this impenetrable wall to protect myself from getting hurt but kahit yata ako ay walang kawala. I put my guard down, hinayaan ko siyang makapasok sa puso ko, ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako ngunit sa huli ako pala itong tanga. Pinagtatawanan niya siguro ako, ang babaeng sapilitan niyang inangkin noon ay heto iyon pa ang nagmamakaawang angkinin niya at mahalin ngayon. Hindi ko alam kung magpupuyos ba ako sa galit o pagtatawanan ang sarili ko. Si Yvette Anne C. Villena ay naisahan at nalamangan ng isang walang kwenta at kriminal na lalaki.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon