Chapter 12

43.1K 791 48
                                    

Chapter 12

"Good morning!" mabilis nawala ang mga ngiti ni Cathy ng ako ang nagbukas ng pintuan. Tss. Kaaga-agang lumalandi. Kahit labag sa kalooban ko ay pinapasok ko siya loob ng bahay dahil paniguradong si Miguel ang pakay niya.

Ang lalaking iyon! After niyang sabihin ang suhestiyon niya ay hindi na muling inungkat iyon. Nakakahiya naman kung ako ang magsisimula ng topic dahil baka isipan niyang gusto ko ang bagay na 'yon. Ganoon ba kadali sa kanya panagutan ang dinadala ko? Ang gwapo niya kaya at talaga namang hinahabol ng mga kababaihan it's either may gusto siya sa akin or omg! Is he gay?!!

Sinundan ko si Cathy na feel at home masyado habang dumidiretso sa may kusina. Kung umakto ay akala mo hangin lang ako. Humalukipkip ako ng makita na parang masayang pamilya sila ni Miguel at Bubuy. Bahagya akong nakaramdam ng ngitngit sa puso nang makita ang mga ngiti ni Miguel at si Cathy naman ay sinusubuan si Bubuy ng dala nitong almusal. Hamak ganda ko naman dito kay Cathy ang lamang lang niya ay magaling siyang magluto.

"Yvette, halika na dito. Kakain na." taas noo akong naglakad patungo sa hapag kainan at umupo sa katapat na upuan ni Miguel habang katabi naman niya si Cathy na kandong si Bubuy. What an eyesore!

"Kumain ka na Yvette, masarap magluto si Cathy." kikiligin na sana ako sa mga sinabi ni Miguel kagabi, napuyat pa nga ako eh tapos may ganitong eksena?! Ang nakakainis pa harapan na siyang nilalandi ni Cathy ay para bang hindi niya 'yon napapansin. Hetong si Bubuy babatukan ko 'to eh!

"Ayoko wala akong gana" mataray kong tanggi kahit pa humahalimuyak na sa ilong ko iyong dalang pagkain ni Cathy. Baby, hindi mo dapat gusto yan! Luto ng karibal ko yan! Wala sa sariling hinimas ko ang impis kong puson. I should be mad at you baby pero hindi ka pa lumalabas ay mahal na ata kita.

"Bawal kang malipasan ng gutom. Tss" maawtoridad na sabi ni Miguel ngunit inirapan ko lang siya. If I know pinagseselos lang niya ako! Ang totoo niyan ay may gusto siya sa akin. Ramdam ko 'yon! Mas maganda, makinis at first class ang beauty ko kaysa kay Cathy, iyong ganda niya pang probinsya lang 'yon!

"Hayaan mo na siya Migz. Anyway, mag-swimming kaya tayo ni Bubuy? Gusto mo ba 'yon baby?" kinurot pa ni Cathy ang pisngi ni Bubuy at namumungay ang mga matang ngumiti kay Miguel. Migz?!! Pinaarte pa talaga ang pangalan ni Miguel! Kung hindi lang ako lihim na nagmamaganda rito.

Masamang-masama ang loob ko ng hindi nila ako ayain para sa swimming na 'yon! Imbyerna! Kung may sarili silang lakad ay gagawa din ako ng akin. Buti na lamang ay napaghandaan ko ang pagpunta rito sa Batangas. I brought my bikinis. Palalamunin ko ng buhangin yang si Cathy at aagos ang laway ni Miguel sa makikita niya. Mabuti pang sulitin ko na rin ang katawan ko habang hindi pa lumalaki ang tiyan ko at lumulobo ang katawan ko. Ngayon pa lamang ay pinoproblema ko na kung paanong diet ang gagawin ko pagkapanganak ko.

I'm going to keep the baby. Wala pa akong ideya kung paano 'to sasabihin sa parents ko lalo na sa daddy ko. Buong buhay ko ay protektado niya ako at alam kong siya ang pinaka masasaktan kapag nalaman niya ang sinapit ko. Para akong porselanang manika na inalagaan ng maigi ni daddy ngunit heto matutulad din pala ako sa ibang babae na iisa ang kinahantungan, ang maging single mom. Okay nga sana kung nabuntis lang ako ngunit ibang dagok pa kapag nalaman na na-rape ako. Gusto kong isalba ang sarili ko sa kahihiyan kaya pinag-isipan ko rin ang suhestiyon ni Muguel. Seryoso kaya siya? Kung oo ay papatulan ko iyon. Paniniwalain ko nalang ang parents ko na nabuntis ako ni Miguel ngunit wala kaming plano na magsama.

"Migz, kailangan ng ina ni Bubuy. Bakit ba hindi ka pa mag-asawa?" napairap na lang ako maulinigan ang paglalandi ni Cathy. Kakairita ha! Umakyat ako sandali sa kwarto dahil nagpalit ako ng bikini at tinabunan ko muna iyon ng denim shorst at muscle tee. Bahala silang maglandiang dalawa basta ako magliliwaliw muna sa labas. 

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon