Chapter 13

46.5K 849 48
                                    

Chapter 13

I held my breath. nanginig ang bawat hibla ng sistema ko habang pinapanood ang malawak na ngisi niya. Hawak niya ang matalim at bagong hasa na itak. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang walang halos tao dahil malayo na itong malayo mula sa village at cottages. Damn! I swallowed an imaginary lump and I was about to scream ng humalakhak siya at inilabas ang dalawang buko mula sa isa pa niyang kamay. Fuck! Para akong nauupos na kandilang napaupo sa may buhangin at tensed na tumawa. He got me there! Masyado na ata akong praning, pakiramdam ko ay palaging may gagawa ng masama sa akin. I overthink again.

"You should have seen your face Yvette! Hahaha. I brought us some refreshments." napalunok ako ng buong lakas niyang tinaga ang dalawang buko at binuksan ang niyog niyon at iniabot sa akin. Ang buong akala ko ay sa laman ko mapupukol ang itak na 'yon. Nangilabot ako sa isiping iyon. That's morbid!

"Hindi magandang biro 'yon ha! Muntik na akong maihi sa takot." pinilit kong itago ang tensyon sa boses ko at umarte ng normal. Wala naman akong dapat ikatakot ngunit hindi ko talaga magawa maging komportable sa tabi niya hindi katulad kapag kasama ko si Miguel na housemate ko.

"Bakit ka naman kasi matatakot sa akin? Haha. Harmless ako." muli siyang ngumisi sa akin at sa muling pagkakataon ay kinalibutan ako.

"Ahmm, pwede balik na tayo?" alanganin kong tanong sa kanya. I need to be out of here. Hindi ko na talaga kaya 'tong nararamdaman ko, kumakabog ang dibdib ko at kinukutuban ako. Kung hindi lang ako naiinis kanina'y hindi naman sasama kung kanino. I'm so stupied! Ang hirap sa akin ay madali akong magtiwala sa tao.

Ako yung tipo ng tao na mahirap mahuli ang loob ngunit kapag nagtiwala ako sa'yo ay kampante ako. I will never judge your loyalty kaya madalas din siguro akong lokohin ng mga tao dahil doon. Iyon ang pinakamasakit sa lahat, nagtiwala ka ngunit lolokohin ka lang pala. Bakit ba hindi matutunan ng ibang tao na pahalagahan ang TIWALA ng isang tao, iyon ang pinakamahirap makuha ngunit iyon pa ang sinasayang nila. Napapailing na lamang ako sa mga taong nanakit sa akin noon.

Nang matapos naming mag-kwentuhan ni Miguel the stalker ay hinatid na niya ako pabalik sa bahay at literal na kumabog ang dibdib ko ng makita si Doc Miguel na nakatayo sa terrace ng kanyang bahay, inip na naghihintay sa akin. Lihim akong napangiti dahil kung umasta siya ay parang si daddy. Pwede bang mainlove agad sa taong kakakilala mo pa lamang? Despite of his looks ay alam kong malaki ang potensyal na mahulog ako sa kanya. He is so mysterious na kahit titigan ko siya sa mga mata ay hindi ko pa rin mahulaan kung ano ang iniisip niya.

Ngayon pa lamang ako naging interesadi ng ganito sa isang lalaki at aaminin kong unang araw pa lamang naming nagkasama ay napukaw na niya ang atensyon ko. God knows how much I love his company kahit pa kung minsan ay daig niya ang babaeng nagmemenopause. Kumunot ang noo ko ng matalim silang nagtitigan ng kasama ko. Magkakilala ba sila?

"May pasok ka pa bukas ah?" asik ni Doc at inismiran ako. Daig pa ako! Ako ang naglilihi ngunit siya pa ang may ganang magsungit.

"Paki mo ba? Ikaw nga nakikipag-date eh. Pasok na ko." tinalikuran ko na siya pipihitin ko na sana ang doorknob ng magsalita siya.

"I'm glad that you're safe" tatanungin ko na sana siya kung bakit ngunit naglakad na siya patungo sa may baybayin kaya naman nagkibit-balikat na lamang ako. Safe naman ako sa lugar na'to dahil aaminin ko na kahit salat sila sa buhay ay magaling naman silang makisama.

I will always be safe dahil alam kong may Miguel na poprotekta sa akin. Bakit may ganoon akong pakiramdam? Feeling ko si Miguel ang sandigan ko sa lahat ng gulong mayroon ang buhay ko. Suddenly, I miss my bestfriend. Si Ivan ang madalas kong takbuhan kahit na madalas lang niyang tawanan ang problema ko, hindi na ngayon mangyayari 'yon dahil may sarili na siyang pamilya at sa balita ko sa kanya ay ikakasal na sila ni Janine.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon