Chapter 7

58.1K 911 87
                                    

Chapter 7

Hapon na ng magising ako mula sa pagkaka-idlip. Dahil na rin siguro sa mahabang biyahe kaya nakatulog ako sa pagod. Nakabukas ang bintana kaya naman malayang pumapasok ang pang-hapong hangin. I shivered and went outside of my room. Kumakalam na ang sikmura ko. I'm craving for pasta! Naglakad ako pababa sa may kusina at noon ko lang napansin na mag-isa lang ako rito sa bahay. Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas ng bahay para maglakad-lakad.

Kanina bago ako maka-idlip ay iniisip ko kung saan ko nga ba narinig ang pangalang Miguel Wenceslao. Familiar eh! Matalas ang memorya ko dahil matalino talaga akong babae. Beauty with brain na nga isama mo pa ang attitude. Package talaga! Minsan nakakasawa na nga maging maganda eh kasi karamihan sa mga lalaki gusto lang nila akong makuha bilang trophy. Sabi nga nila beauty is nothing without brain but sa kaso ko nasalo ko lahat 'yon.

Nanlalaki ang mga mata ko ng sumambulat sa akin ang topless na namang si Miguel. Seriously, wala ba siyang pambili ng shirt or sando man lang?! Inirapan ko lang siya at humalukipkip habang pinapanood siyang nagsisibak ng kahoy. Uso pa ba 'yon? Stop drooling Yvette! Pagalit ko sa sarili ko. Lintek namang biceps at triceps yan oh! Hulmadong hulmado parang ang sarap hawakan. Ugh! Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at nag-flip ng hair, defense mechanism ko 'yon lalo na pag natetense ako.

"I'm hungry." usal ko ng malingon siya sa akin. Unang tumama ang mga mata niya sa mga nakahantad kong legs sa kanya bago umakyat ang kanyang tingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang siya naman ay nag smirk.

"Oh? Edi magluto ka? That's not my problem anymore." tss. English speaking na probinsyano! Namaywang ako sa harap niya at hindi inalintana ang malagkit niyang titig sa mga hita ko. Hindi mo makukuha yan at wala na ulit makakakuha sa akin. Magkamatayan na.

"Bisita ako dito." mariin ko namang saad saka hindi ako marunong magluto 'no!

"Hindi ka bisita dito. Volunteer nurse ka diba? Tsk. Palibhasa laki sa yaman, pagsisilbihan pa ba kita? Kung gusto mong magtagal dito makisama ka. Mabuting maranasan mo paano maghirap." aba't! Sasagot pa sana ako pero iniwan na niya ako at pumasok na siya sa loob ng bahay. Anong problema 'non? Di ko naman sinabing pagsilbihan niya ko. Laki naman ng issue non sa buhay. Ba't naalipusta na ba siya dati?

Padabog akong pumasok sa loob ng bahay at naabutan siyang abala sa kusina. Sus! Di rin pala makakatiis. Pinagmasdan kong maigi ang malapad niyang likod. Damn! Napaka hot naman talaga ng lalaking 'to bagay na bagay sa kanya yung doraemon niyang apron. Haha. Prente akong umupo sa narra chair habang pinapanood siyang magluto. Tumatagaktak pa ang pawis niya lalo na sa may bandang abs. Jusko! Kanin na lang siguro ang kailangan ko at hindi na ang niluluto niya.

"Type mo ko 'no?" mabilis akong umayos ng upo ng inilapag niya ang pasta sa mesa at umupo sa may tapat ko. May mata ba sa likod 'to at alam palagi kung nakatingin ako sa kanya.

"Type mo rin ako 'no? Kanina ka pa titig ng titig sa legs ko." kung labanan lang din naman ng pagiging conceited ay wala ng makakatalo pa sa akin.

"Tsk. Ang laki kasi ng binti mo pang voleyball player." what the fuck?! Ang slim kaya ng legs ko! Sabi nga ni Nathalia parang kay Jessica ng Girls' Generation. Hindi naman pala marunong kumilatis ng maganda ang lalaking 'to.

"Kapal mo ha!" inagaw ko sa kanya ang hawak niyang fork at nagsimula ng kumain. Miguel Wenceslao? Saan nga kita narinig?

"Ayos ka lang?!" nang maalala ko kung saan ko narinig ang pangalan niya ay sakto namang nasamid ako kaya naman maagap niya akong inabutan ng tubig. Tatapikin niya sana ang likod ko ngunit agad ko 'yong hinawi. Ayoko ng hinahawakan ako ng lalaki bigla na lang kasi bumabalik yung masamang memories na yun.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon