Chapter 6

60.5K 915 58
                                    

Chapter 6

"OH MY GOSHHHHH!!!" I sigh. Tirik ang araw at kabababa ko lang sa tricycle na sinakyan ko kanina. Ang mahal naman pala ng pamasehe rito! Hindi ako pinayagang magdala ng kotse ni daddy aniya'y makibagay naman raw ako sa uri ng buhay na pupuntahan ko. I'm just wearing my white black sleeveless lace belt jumpsuit. Oh diba! Bakasyunita lang ang peg.

“PARADISE!!!” singhap ko pa at ninamnam ang panghapong araw at hangin.

Ibinaba ko ng kaunti ang suot kong wayfarer sunglasses at hinanap sa walang katapusang baybayin ang Barangay Health Center. To be fair ang ganda rito sa Brgy. Malabrigo Lobo, Batangas ha? Para lang akong magbabakasyon! Naisahan ko pa rin naman si daddy, pwede kong palabasin na nagtatrabaho ako ng maigi rito pero ang totoo nagpapakasarap lang ako.

Ang ganda ng dagat, kulay asul na parang repleksyon ng asul na kalangitan. Pino ang buhangin at sa di kalayuan ay ang lighthouse na hindi ko alam kung gumagana pa ba dahil na rin sa kalumaan nito. Sabi ni daddy ay third class municipality raw ang Lobo at nangangailangan ng nurse sa bawat healt center.

Sa hinagap ay hindi ko akalain na ipapatapon ako ni daddy! Well, at least kahit papaano ay naawa naman siya sa akin. Magpasalamat daw ako at hindi niya ako dinala sa Sitio Bacao sa may Fort Magsaysay kung saan naninirahan ang mga katutubong Ita. What the hell! Patitirahin niya ako sa bundok? Ano ako si Jane ng Tarzan? Buti naman ay may natitira pang mercy sa katawan si dad! Ugh!

"Hija, bagong salta ka ba dito?" woah? Nasaan na yung Ala eh pagkagaleng-galeng na punto nila? Anyway, kahit walang ganon ay halatang iba pa rin ang punto ng matandang lalaki na nasa harap ko.

Tinignan ko muna siya ng maigi bago sumagot. Naging paranoid na ako ngayon dahil na rin sa nangyari sa akin kaya naman kinikilatis ko muna ang bawat lalaking lalapit sa akin, lagi ring nakahanda ang pepper spray at scalpel ko sa bag. Bumili ako ng scalpel para sure, ooperahan ko siya ng dis oras kapag may gumawa na naman ng masama sa akin.

"Ako nga pala si Kapitan Inocencio. Turista ka ba dito hija?" gusto kong magpakawala ng hangin ngunit pinigilan ko 'yon. Kapitan naman pala! Agad kong inayos ang sarili ko at nakipag-kamay sa kanya.

"Ay! Ako po si Yvette Villena. Ako po yung pinadala ng Municipal Office dito sa Malabrigo. Tamang-tama po hinahanap ko kayo para sa courtesy call." bihira lang ako maging magalang na ganito. Hindi ako madalas gumamit ng "Po" at "Opo" let's just say na pakitang-tao ko lang yan.

"Ay naku! Ikaw pala yung nars! Halika hija, malamang ay pagod ka sa biyahe mo. Malayo rin ang Maynila rito." I just rolled my eyes. Nars? Haha. Itinikom ko na lamang ng mariin ang aking bibig upang hindi matawa.

We walked for about 15 minutes and voila! Sumalubong sa akin ang lumang-lumang health center. Jusko! Kung ako man ang pasyente ay hindi ako pupunta rito! Wala namang laman ang loob ng center at halatang nilimot na 'to ng gobyerno. Parang wala namang mabubuhay rito kapag may dinalang pasyente, kung mamamatay man dahil pa ata sa tetanus. Nakakaloka! Feeling ko nga maupo lang ako doon sa may silya ay magkaka-tetanus na ako.

Alam ko mapang-lait ako mapa-bagay man o sa tao. I'm just stating the fact! Sinungaling naman ako kapag hindi ko na-pinpoint ang pangit sayo or sa isang bagay, right? And kapag sinabi kong maganda ako it is true! Lolokohin ko pa ba ang sarili ko kung alam ko naman at alam ng mga taong nasa paligid ko na maganda talaga ako. Appreciative lang siguro ako sa mga magaganda just like me.

Mom's said na dapat maging humble ako. Fuck that humility! Mas naiinis pa nga ako sa mga taong humble dahil para sakin plastik sila. Sino ba namang tao ang tatanggi sa mga papuri? Huwag ng magpaka-ipokrita dahil lahat naman tayo nakikiliti at tumataas ang tingin sa sarili kapag napupuri. Bakit hindi na lang mag 'thank you'. I just remembered how much I hate those bitches.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon