Chapter 14

42.6K 813 48
                                    

Chapter 14

"Hi Migz!" masiglang bati ni Cathy ng maabutan niyang pababa sa may hagdan itong si Miguel. Pagkatapos niya akong i-date kahapon heto at si Cathy ang bubungad sa tanghali namin. Kasalukuyan siyang naghihiwa dahil ipaghahanda daw niya ng pagkain ang future husband niya, muntik ng kumawala ang eyeballs ko sa tindi ng irap na inihatid ko sa kanya.

Topless na naman si Miguel kaya naman napalunok ako at napaayos ng upo. Hindi naman ganoon kainit rito sa Batangas ngunit hindi ko alam sa kanya kung bakit madalas niyang ihantad ang maganda niyang katawan. Oo anim ang abs mo at malapad ang dibdib mo na para bang masarap hiligan. I crossed my legs at taas kilay ko siyang binati habang nakamasid siya sa maputi kong hita. Nawala ang mga panukso kong ngiti ng pumalatak siya at natatawa. What the hell? Imbes na pilyong ngiti ang asahan ko ay iyong nang-aasar pa niyang ngisi.

I just rolled my eyes on him at maarteng humalukipkip! Hindi ko tuloy sure kung may effect ba ang beauty ko sa kanya pero madalas ko naman siyang mahuli na nakatitig sa akin. Hindi pa kasi sabihin kung gusto niya ako, umaarte pa siyang hindi ako pinapansin. Gwapo problems! Haha.

May lahi sigurong epal itong si Cathy dahil nang mahuli niyang malagkit kaming nagtitigan ni Miguel ay bigla siyang tumili iyon pala ay nahiwa niya ang kanyang daliri. Sus! Bakit hindi mo pa pinutol yang daliri mo nang hindi naglilikot minsan sa dibdib ni Miguel.

"Ouch! Ang sakit Migz!" parang pusang lumalandi ang tono ni Cathy halatang nagpapansin lang. Kinuha ko ang first aid kit ni Miguel sa may sala at padabog na ibinagsak iyon sa lamesa.

"Sus malayo yan sa bituka." nagkibit-balikat lang ako ng samaan ako ng tingin ni Cathy at ako pa ang nainis sa suhestiyon ni Miguel.

"Tara sa center Cathy tuturukan kita ng Anti Tetanus para makasiguro." ugh! Gusto kong magdabog at pigilan sila pero ayokong mapahiya ano! Si Miguel ang huling makakaalam na may gusto ako sa kanya kaya naman mabigat ang loob kong pinanood sila na palabas ng bahay.

"Babalik din agad ako Yvette. Kumain ka na." imbes na sagutin siya ay nag-iwas na lang ako ng tingin dahil natatakot ako na baka sumalamin sa mga mata ko ang matinding selos na nararamdaman ko ngayon.

I hate him for being so kind and helpful. Lahat ng tao rito ay siya ang takbuhan kulang na lang ay siya na ang maging kapitan nitong Malabrigo. Good Samaritan of the year! Yan ang nakita kong isang award dito sa bahay niya. Haha. Likas na siguro siyang matulungin pero hayan at inaaabuso ng ilan lalo na yung mga babaeng gusto lang mapalapit sa kanya. Nakakainis sobra! Baka mamaya ay si Cathy pa ang mapaglihian ko sa sobrang inis sa pagmumukha niya.

At dahil iniwan nila ako rito sa bahay at nababagot na ako sa tahimik na buhay rito sa probinsya ay naisip kong gumala. Gusto kong puntahan iyong Lighthouse na madalas kong makita kapag nasamay baybayin ako, wala akong ideya kung paano makakapunta roon dahil hindi naman ako taga rito ngunit susubukan kong puntahang mag-isa 'yon. Mabilis akong nagbihis ng crop top, skater skirt at simpleng sandals para hindi ako abutin ng gabi.

Palabas na sana ako ng bumungad sa pinto ang isang magandang babae. Wait? Babae ba siya or transgender? Nagtaas siya ng kilay ng mapansin niyang hinead to foot ko siya kaya naman nahiya ako. Mas matanda siguro siya sa akin. Bata pa ang hitsura niya at talaga namang nakakababa ng self-confidence. Damn! Mas maganda pa sakin ang baklitang 'to! Babaeng-babae!

"Hi. Si Miguel?" laglag ang panga ko ng marinig ang mahinhin niyang boses. Gay siya pero mas mahinhin pa sakin! Ayoko na sa kanya!

The Virgin's First Night 8: Had No MercyWhere stories live. Discover now