Chapter 4

71.3K 1K 58
                                    

Chapter 4

Mataman kong pinagmamasdan si Nathalia habang umiinom siya ng alak. Wala akong balak na magpakalasing ngayon ngunit napapasabay ako sa tagay niya. Limang vodka, tatlong daiquiri at isang Jack Daniel's naman ang iniinom namin ngayon. Masakit na ang ulo ko at nahihilo na rin ako ng kaunti. Napipikit na ako ng biglang nagdabog si Nathalia at yumuko. She's already drunk!

"Naiinis ako kay mommy dahil insecure siya kay Tita Sheila pero ngayon alam ko na ang pakiramdam. Nakakabaliw! Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko Yvette. Baka gumising nalang ako isang araw wala na si Nathaniel." ngumiwi ako dahil sa tindi ng sakit ng ulo ko pero rumerehistro pa naman sa akin ang sentimyento ni Nathalia.

"Praning ka din e 'no! Saka iiwan ka pa ba ni Nathaniel? Asawa ka niya. Ewan ko ba sainyo ng nanay mo. Para kayong tanga eh." inis kong saad sa kanya habang hinihilot ang aking sentido. I groaned ng abutan niya pa ako ng isang baso ng alak. Naawa naman ako sa atay ko.

"Ewan ko ba. Ugh! Kung nakakamatay lang 'tong selos siguro nililibing na ako." umirap ako sa kawalan at ininom ang baso ng alak na nasa harap ko. Yan ang napapala ng naiinlove! Basta ako kahit walang lovelife at least maganda pa rin ako.

Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong alak ng may bumunggong lalaki kay Nathalia. She slapped him hard and cursed. Wow! Nag-smirk ako. Such a hypocrite. So heto ang totoong siya? A total bitch? Hahaha. Kung magsalita ay akala mo ibinaba ng langit ngunit bulok naman pala ang ugali. Nagmumura pa rin si Nathalia ng humarap sa akin at tinaasan lang niya ako ng kilay. Ah! Gets ko na. Nagbabait-baitan siya dahil gusto niyang makuha ang atensyon na mayroon si Janine. Natural na mabait si Janine at talaga namang gusto siya ng mga tao. Trying hard bitch naman 'tong si Nathalia.

"What are you looking at?" mataray na tanong sa akin ni Nathalia at umirap. Aba! Dapat pala nalalasing 'to para malaman ng lahat na may demonyita. Tss.

"Saan ka ba ginawa ng parents mo? Sa China? Ang fake mo eh!" maarte at sarcastic kong tanong kay Nathalia. Ayoko pa naman sa lahat ng tao yung mga plastic. Sa loob ang kulo!

May isa akong kaibigan noong highschool. Madalas siya sa simbahan at miyembro pa ng Bible Club ha? Siniraan niya ako sa mga kaibigan namin kaya pinag-tulungan nila akong lahat at iniwan. Aniya'y lagi ko daw siyang inaapi at nakakasuka daw ang ugali ko. Tangina lang! Siyempre sino bang paniniwalaan nila? Edi yung Santa Santita! Bakit naman daw nila ako paniniwalaan eh natural naman daw masama ang ugali ko at may capacity daw akong gawin 'yon.

Oo hindi ko rin nakita na may ganoon rin palang kapasidad ang hipokrita na 'yon. Naturingang taong simbahan pa man din. Hindi lahat ng nagsisimba ay mababait, yung iba mga pakitang tao lang. Sinaksak ako ng patalikod tangina! Tinuring mong kaibigan tapos habang nakatalikod tinitira ka na pala. Kahit maldita ako ay totoong tao naman ako. Haha. Pucha! Natatawa talaga ako kapag naaalala 'yon. Inapi ko raw siya. Kapal ng mukha! Nasaan na siya ngayon? Sino ba ang successful sa amin?

"Hindi ako Made in China 'no." ganting irap sa akin ni Nathalia. Aagawin ko na sana sa kanya yung bote ng Jack Daniels ngunit bigla niya iyong tinungga. Nagbuntong hininga na lang ako at sumabay na rin ng inom sa kanya.

"Tigilan mo na yang pagpapanggap mo. Live your life! Hindi pwedeng nasa anino ka lang ni Janine. Lumaban ka hindi yung nag-iinarte kang ganyan." mga lasing na nga ata kami dahil heto sabay kaming nagddrama.

"Nasasabi mo yan kasi matapang ka. Kaya mong lumaban. Hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Gustong gusto kong lumaban pero naiisip ko pa lang na mawawala sakin si Nathaniel nanghihina na ang mga tuhod ko." talagang hindi ko maintindihan. Okay lang maging tanga pero wag naman yung everyday diba? Saka sana kahit inlove ka matuto ka pa ring mag-isip. Kung nakakabobo naman pala ang mainlove ay hindi na ako susubok.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon