Chapter Three

35.2K 417 8
                                    


Agnes’ POV


KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Parang kusa akong nagising ng ganoon kaaga para bumangon at magluto ng almusal namin ni Tristan. Marahil ganito talaga kapag may asawa ka na, kusang gagalaw ang katawan mo para gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang misis. Wala pa rin pasok sa trabaho niya si Tristan. Isang linggo pa siyang naka-leave sa kaniyang trabaho.

Pero bago sumabak sa pagluluto sa kusina ay naligo muna ako ng mabilis para naman presko ang aking pakiramdam. Ang isinuot ko ay isang over-sized na T-shirt at panty at bra lang ang aking panloob. Matapos iyon ay pumunta na ako sa kusina para tingnan kung ano ang pwede kong lulutin para sa almusal.

Ang sarap pala sa pakiramdam na may asawa ka na. Iyong feeling na hindi na ako mag-isa sa buhay. May katuwang na ako sa lahat ng bagay gaya ng mga problema at kung anu-ano pa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang pinakasalan ni Tristan sa dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Noong magkasintahan pa lang kasi kami ay ilang beses naming naging problema ang mga babaeng iyon. May times na nagseselos ako talaga at nakikipag-away. Pero pinakita naman sa akin ni Tristan na ako lang talaga ang mahal niya hanggang sa pakasalan na niya ako kahit tutol ang mga magulang niya.

Naiintindihan ko naman ang mga magulang ni Tristan kung bakit ayaw nila sa akin para sa anak nila. Hindi maganda ang nakaraan ko. Dati akong pokpok at ilang lalaki na ang dumaan sa aking katawan. Napakarumi ko nang iharap ako ni Tristan sa dambana. Kaya nga nagbago na talaga ako. Tinalikuran ko na ang ganoong trabaho at itinapon ko na ang mga ugaling nakuha ko sa bar. Katulad ng mahilig magmura at bastos magsalita at kumilos. Gusto kong maging karapat-dapat ako kay Tristan hanggang sa matanggap na ako ng mga taong nakapaligid sa kaniya lalo na ng mga magulang niya.

Binuksan ko ang ref. May itlog, bacon at ham doon. Inilabas ko ang tatlo dahil may nakita akong loaf bread sa cabinet. Iyon na lang muna siguro ang aming almusal habang hindi pa kami nakakapag-grocery.

Uunahin kong lutuin ang itlog. Kumuha ako ng tatlo at binasag iyon sa isang mangkok. Nilagyan ko ng asin at paminta. Binati ko iyon gamit ang tinidor. Sa may dining table ko iyon ginawa. Habang nagbabati ako ng itlog ay nagulat ako nang may biglang yumakap mula sa aking likuran. May mainit na hininga na tumatama sa aking batok. Itinali ko kasi pataas ang buhok ko para hindi maging sagabal sa aking pagluluto.

“Good morning, asawa ko…” Ang tila inaantok pa na boses ni Tristan ang narinig ko na aking ikinangiti. Ang sarap kasing pakinggan no’ng “asawa ko”. “Ang aga mo naman. Paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Akala ko, iniwan mo na ako.”

Natawa naman ako sa sinabi niya. “Para kang sira diyan! Bakit naman kita iiwan?” turan ko at ipinagpatuloy ko ang pagbabati ko ng itlog habang si Tristan ay nakayakap pa rin sa akin.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na may hawak ng tinidor. “Huwag iyan ang batihin mo…” pabulong niyang sabi. Kinuha niya ang tinidor na hawak ko at ipinatong iyon sa lamesa at pinihit niya ako paharap sa kaniya.

Nagtama ang mga mata namin ni Tristan. Boxers shorts lang pala ang suot niya at wala siyang pang-itaas. Kitang-kita ko ang katawan niyang tama lamang ang laki. May matipuno siyang dibdib pero wala siyang abs. Medyo may tiyan nga siya, e. Pero para sa akin ay mas lalo iyong nakadagdag sa appeal niya. Hindi rin naman ako mahilig sa mga lalaking bato-bato ang muscles sa katawan. Mas gusto ko iyong katulad ng kay Tristan na tama lang. Hay… Kahit magulo ang buhok niya ay napaka gwapo pa rin niya talaga!

Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinayaan kong dalhin niya iyon sa gusto niyang pagdalhan. “Ito na lang muna ang batihin mo…” Inilapat ni Tristan ang kamay ko sa ibabaw ng pagkalalaki niyang sobrang tigas. Handang-handa na iyon sa nagbabadyang laban.

ThreesomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon