Chapter Twelve

24.9K 308 75
                                    

Monique’s POV

ANG lakas ng kabog ng puso ko habang titig na titig kami ni Tristan sa isa’t isa. Parang kaming magnet na ayaw magkahiwalay. Naaamoy ko rin ang mabangong hininga niya na may kasamang pitik ng beer. Nakakabaliw iyon para sa akin. Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam’s apple ni Tristan. Bumaba ang tingin niya sa lips ko. Bahagya kong ibinuka ang aking labi na para bang inaaanyayahan ang dila niya para pumasok.

“Tristan, I need to go…” anas ko.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay bumaba ang labi niya sa labi ko. Dampi lang noong una pero biglang naging marahas ang halik niya. Pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi naman ako nagpatalo. Naglaban ang mga dila namin. Sinakop niya ang bibig ko. At nang maghiwalay ang aming mga labi ay kapwa kami hinihingal.

Tila natauhan naman si Tristan at napasabunot ito sa sarili. “I-I’m sorry! Hindi ko sinasadya!” Kinakabahan nitong sabi.

“Don’t worry. Hindi ko sasabihin kay Agnes. Lasing lang tayo.” Kahit ako ay kinakabahan din pero medyo masaya. Ang sarap kasing humalik ni Tristan. Sobrang swerte talaga ni Agnes!

That moment ay parang nakalimutan ko na asawa ng kaibigan ko si Tristan.

“Thank you.” Natatarantang inalis niya ang seat belt.

Nang maalis na niya ay nagpaalam ako sa kaniya bago lumabas ng kotse. Pagkapasok ko sa aking apartment ay doon ako nagtitili sa sobrang kilig!

-----ooo-----



Agnes’ POV

SABADO ng araw na iyon at ang sabi ni Tristan ay pupunta kami sa binyag ng anak ng kaibigan nito na si Charlie. Nakilala ko na minsan si Charlie sa kasal namin. Bestfriend ito ni Tristan at magkatrabaho pa sila.

Matapos ang masayang pagbibinyag sa baby sa simbahan ay dumiretso kami sa bahay nina Charlie para sa isang salu-salo. Doon ay nakita ko sa mukha ni Tristan ang kasabikan niya na magkaroon ng anak. Lalo na ng lapitan kami ni Charlie at ng asawa nito sa table namin habang kami ay kumakain. Karga ng asawa ni Charlie ang baby.

“Okay lang ba kayo dito? Pasensiya na, pare, kung hindi ko kayo maasikaso. Ang dami kasing bisita!” pakli ni Charlie.

“Walang problema. Ang sasarap naman ng pagkain ninyo kaya nag-e-enjoy naman kami ng misis ko,” nakangiting sagot ni Tristan.

Misis ko. Ang sarap marinig iyon mula sa bibig ni Tristan. Parang ngayon lang ulit niya ako tinawag ng ganoon…

“Basta, kain lang kayo. Oo nga pala, bilisan niyo naman ni Agnes. Naunahan pa namin kayo, e!” biro ni Charlie. “Kailangan na makabuo na kayo para naman may kalaro na itong anak namin! O kung babae naman magiging anak ninyo, ipapaligaw namin dito sa lalaki ko!”

“Ano ka ba naman, Charlie? Ipinagkasundo mo na agad ang mga bata!” saway ng asawa ni Charlie dito.

“Joke lang naman! Pero hindi joke iyong sana ay makabuo na kayo!”

“Hayaan mo, pare. Malapit na. Malapit na malapit na…” At makahulugang tumingin si Tristan sa akin.

Tumayo siya at nag-request na kung pwede ay makarga nito ang anak ni Charlie. Pumayag naman ang mag-asawa. Aliw na aliw na nilaro ni Tristan ang baby habang buhat niya iyon. Kitang-kita ko ang saya niya habang hinahalik-halikan ang bata.

-----ooo-----

DAHIL sa gusto ni Tristan na makapagpahinga ng maaga ay umuwi na rin kami matapos naming kumain. Habang nasa biyahe kami pauwi ay biglang tumawag sa akin si Monique. Umiiyak na naman siya. Inatake na naman daw kasi ang kapatid niya sa puso at ngayon ay nasa ospital ito. Gusto nang isagawa ng doktor ang operasyon pero hindi pa rin kasi sapat ang perang hawak ni Monique.

ThreesomeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt