Chapter Thirty Seven

15.9K 271 67
                                    


Agnes’ POV

“WALA na kayong dapat na ipag-alala dahil ligtas naman ang baby. Stressed lang siya kaya dinugo. Pwede na siyang makauwi ngayon kapag nagising na siya. Basta dapat ay makapagpahinga siya ng maayos sa bahay. Okay? Excuse me. I have to go. Maiwan ko muna kayo,” ani ng doktor na siyang tumingin kay Monique nang dalhin ko siya sa ospital dahil dinugo siya.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang malaman kong ligtas ang baby. Oo, galit ako kay Monique pero hindi ko naman kayang idamay sa galit ko ang inosenteng bata na nasa sinapupunan niya. Isa pa, anak pa din naman iyon ni Tristan. May mga pagkakataon lang talaga na hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko at napapatulan ko si Monique kahit alam kong buntis siya.

Sa sinabi ng doktor sa akin ay nalaman ko na hindi naman pala dinugo si Monique dahil sa pagtulak ko sa kaniya. Iyon ay dahil sa stressed ito.

Pinuntahan ko na si Monique sa hospital room kung saan naroon siya. Natutulog pa rin siya at may nakakabit na dextrose sa kaniya. Pinagmasdan ko lang siya habang nakatayo sa gilid ng kama.

Minsan ay nanghihinayang ako sa pagkakaibigan namin noon. Alam ko naman na totoo siya sa akin dati. Nasira lang nang magpadala siya sa nararamdaman niya sa asawa ko at pag-aambisyon niya na mapalitan ako bilang asawa ng asawa ko. Lalo pang lumakas ang loob niya nang pumayag akong magtalik sila ni Tristan dahil sa kagustuhan ni Tristan na magkaroon ng sariling anak.

“Sayang, Monique. Sayang… Kung pwede ko nga lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko,” mahinang turan ko habang malungkot na nakatingin kay Monique.

Medyo nagulat ako sa pagbukas ng pinto. Paglingon ko ay nakita ko si Tristan na humahangos na lumapit kay Monique. Tinawagan ko kasi agad siya kanina habang papunta kami ni Monique sa ospital.

Tarantang-taranta si Tristan at hindi niya malaman kung ano ang gagawin. “Kumusta na siya? Ang bata?” tanong niya pero hindi siya tumitingin sa akin kundi kay Monique.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganoon. Iyon ay dahil sa anak niya.

“Okay lang ang bata sabi ng doktor. Stressed lang si Monique kaya siya dinugo pero…” Sandali akong natigilan. “Pero kanina kasi nag-away na naman kami ni Monique sa bahay at hindi ko napigilan ang sarili ko na maitulak siya. Tumama ang tiyan niya sa may washing machine tapos d-dinugo na siya.” Matapang na pag-amin ko kay Tristan.

“Ano?! Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na ikaw na ang umiwas sa kaniya para hindi mangyari ang mga ganito?!” bulyaw niya sa akin.

Tumango ako. “Sinubukan ko naman pero siya talaga itong lumalapit sa akin para magkaroon ng gulo, e. Sorry, Tristan. H-hindi ko naman sinasadya… Kahit ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may kung anong nangyari sa baby!” Sa sobrang inis ko na rin sa sarili ko ay napaiyak na lang ako.

Naiiling na nilapitan ako ni Tristan at niyakap niya ako. “Sorry kung nasigawan kita. Nag-aalala lang ako sa baby. Basta sa susunod, mas husayan mo pa ang pag-iwas mo kay Monique. Okay?” aniya na tinanguhan ko na lang.


-----ooo-----


BAGO kami umuwi ay ipina-ultrasound na rin namin si Monique at doon ay nalaman namin na wala naman talagang problema sa baby niya. Ganoon din ang tuwa ni Tristan nang malaman nitong lalaki pala ang kasarian ng magiging anak nila ni Monique. Sa pag-uwi namin ay walang imik si Monique. Nakakapanibago lang ang pagiging tahimik niya.

Pagdating sa bahay ay ako na lang ang nagluto ng aming hapunan. Hinayaan ko na lang din na magkakatabi kaming tatlo sa kama. Naging maayos naman ang tulog naming tatlo ng gabing iyon…


ThreesomeWhere stories live. Discover now