Chapter Thirty Eight

16.3K 284 63
                                    


Agnes’ POV

BINUKSAN na ni Ralph ang pinto ng kotse niya pero bigla akong nagkaroon ng pag-aalinlangan na pumasok. Hindi pa man ako sigurado kung magkasabwat nga sila ni Monique pero paano kung tama ang hinala namin ni Lulu. Maling sumama ako sa kaniya tapos kaming dalawa lang. Sa sobrang kadesperadahan ni Monique na mawala ako sa buhay ni Tristan ay hindi ko na alam kung ano ba ang kaya niyang gawin.

“Pasok ka na? Something’s wrong?” kunot-noo niyang untag sa akin.

Napatingin ako kay Ralph. “Ah, ano kasi… may kailangan pala akong tawagan, Ralph. I’m sorry pero I have to go,” sabi ko.

“Pero, Agnes--”

“Bye, Ralph!” At tuluyan na akong lumayo sa kaniya. Malalaki ang mga hakbang ko dahil panay ang tawag niya sa pangalan ko. Nagkunwari na lang akong hindi siya naririnig.

Wala naman akong ibang pupuntahan kundi sa kotse ni Tristan. Doon na lang ako nanatili. Nang nandoon na ako ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Ipinilig ko ang ulo ko. Aaminin ko, kanina ay masyado akong naging mapusok na malaman kung magkasabwat nga ba sina Ralph at Monique. Dumating na ako sa punto na sasama pa talaga ako kay Ralph kahit mag-isa lang ako sa kotse niya. Paano kung magkasabwat nga sila? Baka kung ano ang gawin ni Ralph sa akin kapag nagkatoon. Oo, masama ang mag-isip ng masama sa kapwa mo pero hindi rin naman masama na isipin ang sariling kaligtasan.


-----ooo-----









Monique’s POV

NAGTAGUMPAY ako sa plinano kong ako ang maka-partner ni Tristan sa anniversary party ng company nila. Wala na silang nagawa ni Agnes nang takutin ko sila na mag-eeskandalo ako kapag hindi nila ako pinagbigyan. Akala ko ba matapang na sila? E, kayang-kaya ko pa naman silang pasunurin.

Ngayong gabi ko na rin pinaplano na alisin si Agnes sa lanadas ko. Inutusan ko kasi si Lawrence na kapag nakita niya si Agnes ngayong gabi ay gawin niya ang lahat para sumama ito sa kaniya. Pagkatapos ay ipainom niya dito iyong sleeping pills na ibinigay ko sa kaniya. Dadalhin niya ito sa isang hotel kapag wala na itong malay at doon ay dapat galawin niya ito. Tapos dadalhin ko sa hotel na iyon si Tristan. Paniguradong isusumpa ni Tristan si Agnes dahil aakalain nitong may ibang lalaki talaga ang asawa niya. Eeksena na ako after that. Ako ang magiging shoulder to cry on niya hanggang sa madevelop na siya sa akin. Madali ko naman sigurong magagawa iyon dahil dinadala ko ang anak namin. Maiisip siguro ni Tristan na mas mabutin ako na lang ang maging asawa niya.

Hay! Hindi na ako makapaghintay na mangyari ang lahat ng iyon. Advance kasi akong mag-isip!

Pero ang akala ko ay mag-e-enjoy ako sa party na ito. Hindi naman pala! Kanina pa kami nakaupo ni Tristan at hindi man lang niya ako kinakausap. Ako na nga ang nagre-reach out sa kaniya pero kahit anong gawin ko ay hindi niya ako kinikibo. Inaya ko siyang sumayaw pero ayaw naman niya.

Oo nga pala, sa mga sandaling ito ay magkasama na siguro sina Lawrence at Agnes. Kailangan ko nang humingi ng update kay Lawrence.

“Excuse lang, ha. Punta lang ako ng restroom,” paalam ko kay Tristan. Alam ko naman na hindi siya iimik kaya tumayo na agad ako at hinanap ang restroom na nakita ko naman agad.

Pumasok ako sa isang cubicle at tinawagan ko si Lawrence. Sumagot naman agad siya. “Ano na, Lawrence? Any update?”

“Negative! Hindi siya sumama sa akin, e. Hindi ko na alam kung nasaan siya. Abort mission muna tayo. Uuwi na ako.”

“What?! Ang hina mo naman!”

“Sa tingin ko kasi ay nagdududa na siya, e.”

“Paanong nagdududa? Tatanga-tanga 'yon. Isa pa, magaling naman tayong magtago kaya hindi makakahalata ang gaga na iyon. Hanapin mo siya at pilitin mong sumama sa iyo.”

ThreesomeWhere stories live. Discover now