Chapter Six

25.6K 312 13
                                    

Agnes’ POV


HINDI ko alam pero naging magaan agad ang loob ko kay Monique. Hindi dahil lang sa tinulungan niya ako pero gusto ko ang personality niya. Masiyahin at parang napaka positibo niya sa buhay. Nang tulungan niya akong dalhin ang mga pinamili ko sa food court sa second floor ng mall ay nilibre ko siya ng mango shake. Token of appreciation na rin iyon sa pagtulong niya sa akin.

Ang plano ko na tawagan si Lulu para may makausap ako ay hindi ko na nagawa dahil si Monique na ang naging kausap ko. Nalaman ko na ulilang lubos na siya at nangungupahan siya sa isang maliit na apartment malapit lang sa mall. Wala siyang asawa o nobyo. Sagabal lang daw iyon sa buhay. Mas bata siya sa akin ng isang taon at may isa siyang kapatid na sampung taon lang. Nasa pangangalaga ito ng kaniyang tiyahin na walang asawa. Nagtatrabaho siya bilang singer sa isang hotel. Kaya lang hindi naman daw gabi-gabi siyang kumakanta doon kaya hindi ganoon kalaki ang kaniyang kinikita. Sapat lang daw ang suweldo niya para sa buwan-buwan niyang bayarin at sa kapatid niya. Kaya naman humahanga ako kay Monique dahil nagagawa pa rin niyang lumaban sa buhay kahit na mag-isa lang niya iyong ginagawa.

Noong una ay mga ganoon bagay lamang ang aming pinag-uusapan. Nang tumagal at naging kampante na kami sa isa’t isa ay mas lumalim pa ang aming pag-uusap ni Monique. Napunta na iyon sa akin at sa kasalukuyang problema namin ni Tristan.

“'Di ba, dapat mas mahalin ka nga ngayon ng asawa mo dahil sa kondisyon mo?” ani Monique matapos kong ikwento sa kaniya ang pinagdadaanan naming mag-asawa. Pero hindi ko sinabi sa kaniya ang aking nakaraan. Magaan man ang pakiramdam ko sa kaniya, hindi naman ibig sabihin iyon ay sasabihin ko na sa kaniya ang lahat. Kailangan ko pa rin na magtira.

“Mag-isang anak lang kasi si Tristan at gusto niya na magkaroon kami ng malaking pamilya kaya naiintindihan ko kung bakit parang nanlamig siya sa akin ngayon.” Malungkot kong sabi. “Siguro naman ngayon lang siya ganoon.”

“Hay naku! Ganiyan naman ang mga lalaki. Kapag hindi nakuha ang gusto sa iyo, biglang magbabago! Kilala ko na ang mga iyan!”

“Kung makapagsalita ka, parang ang daming lalaking dumaan sa buhay mo, a.”

Sumipsip muna sa mango shake si Monique bago sumagot. Pangalawang baso na namin iyon. “Hindi naman. Hmm… Apat lang naman ang naging boyfriend ko ever since. Ikaw ba, Agnes? Ilan ang naging jowa mo bago mo nakilala si Tristan?”

Sandali akong natigilan sa tanong niyang iyon. Paano ko ba sasagutin ang tanong ni Monique? “W-wala. First boyfriend ko si Tristan.” Pagsisinungaling ko. Kung alam lang niya, marami nang lalaki ang dumaan sa akin bago ang aking asawa.

“Wow! Bongga naman! Edi, virgin ka pala nang makuha ka ni Tristan? Ang swerte naman niya sa iyo. Ang linis mo nang makuha ka niya!” Wala itong pakialam sa mga sinasabi nito kahit na may ibang nakakarinig.

Isang nangingiming ngiti na lang ang isinagot ko kay Monique. Napatingin ako sa aking cellphone para tingnan kung anong oras na. “Seven na pala. Napasarap ang kwentuhan natin. Kailangan ko nang umuwi, Monique,” sabi ko.

“Ay ganoon ba? Sige. Hatid na kita sa may sakayan. Saan ka ba sasakay?”

“Sa jeep. Sa likod lang iyon ng mall.”

“Okay. Ako na ang magdadala nitong isa mong kahon,” aniya. Pagtayo ko ay bigla niyang kinuha ang cellphone sa aking kamay. Nagtaka ako dahil para may tina-type siya. Ibinalik din naman niya agad iyon sa akin. “Si-nave ko ang number ko. Text ka lang or tawag kapag kailangan mo ng kausap.”

Nakatulala lang ako sa kaniya at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

Biglang tumawa si Monique at tinapik ako sa braso. “Hoy! Baka iniisip mo na tibo ako, ha. Hindi. Mas babae pa ako sa iyo!” Patuloy ito sa pagtawa. “Ang gaan kasi ng pakiramdam ko sa iyo, to be honest. Tapos parang nakita ko pa sa iyo 'yong sister na matagal ko nang gustong magkaroon. Kaya lang wala na naman ang parents ko kaya imposibleng magkaroon pa ako ng kapatid na babae.” Paliwanag ni Monique.

ThreesomeWhere stories live. Discover now