Chapter Twenty One

21.7K 260 55
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Monique’s POV

PAGKATAPOS kong mag-almusal ay pinuntahan ko na ang kapatid ko sa ospital. Nailipat na siya sa isang private room para ipagpatuloy ang kaniyang pag-recover mula sa operasyong isinagawa sa kaniya. May malay na siya nang dumating ako at nandoon ang tita ko na nagbabantay sa kapatid ko. Napakasaya ko dahil okay na naman pala siya. Kailangan lang niya ng pahinga. Binilhan ko siya ng isang basket na prutas at nangako ako sa kaniya na ipapasyal ko siya kapag kaya na ng katawan niya.

After kong dalawin sa ospital ang kapatid ko ay dumiretso naman ako sa bahay ni Candy. Ayoko munang umuwi sa bahay nina Agnes dahil naiimbyerna ako sa babaeng iyon!

Tinawagan ko si Candy dahil hindi ko pa alam kung saan siya nakatira. Tinext niya sa akin ang address at kaya ko namang puntahan. Nag-taxi na lang ako para hindi hassle. Pumasok ang taxi sa isang exclusive subdivision. Mukhang naka-jackpot nga talaga ang gaga! Pang-mayaman itong subdivision na ito, e.

Huminto na ang taxi at bumaba na ako pagkatapos kong magbayad. Hindi ganoon kalaki ang bahay ni Candy. Two-storey iyon. Pero malaki para sa isang tao. Siya lang naman ang nakatira doon, e.

Naglakad na ako papunta sa gate. Baka ko pindutin ang door bell ay sumilip muna ako sa loob at baka naman nasa labas lang si Candy. May nakita akong isang lalaki na nakatambay sa upuan sa harapan na malapit sa mini garden. Hawak nito ang cellphone nito at doon ito nakatutok kaya hindi niya ako napapansin.

“Pssst!” sitsit ko sa lalaki.

Nakuha ko naman ang atensiyon niya. Napatingin siya sa akin. Tumayo siya at nilapitan ako. In all fairness, gwapo siya. Maputi at maganda ang katawan. Kitang-kita iyon dahil sa naka-sando at shorts lang siya. Mukha siyang artista. Medyo mapanga at matangos ang ilong. May kalakihan ang mga mata na parang palaging nangungusap. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami o mas bata pa siya sa akin.

Sino naman kaya ito? Boylet ni Candy? Grabe talaga ang babaeng iyon.

“Bakit?” Medyo pangkanto siya magsalita.

“Si Candy? Friend niya ako.”

“Nasa loob siya. Saglit at tatawagin ko lang.”

Iniwan muna ako ng lalaki at pumasok sa loob. Makalipas ang ilang segundo ay lumabas na siya kasama si Candy. Bumalik iyong lalaki sa puwesto nito kanina. Pinagbuksan naman ako ni Candy ng gate at pinapasok niya ako. Pinaupo niya ako sa sofa sa salas. Malinis at maaliwalas ang loob ng bahay.

“May gusto ka bang inumin? Juice, coffee or water?” tanong ni Candy.

“Beer. Meron ka ba?”

“Ang aga naman ng beer!”

“E, sa iyon ang gusto ko. Nabubwisit kasi ako!” Naisip ko na naman kasi iyong ginawa ni Agnes kagabi kaya umasim nang husto ang mukha ko.

“Okay. Madali naman akong kausap,” ani Candy. Pumunta ito sa kusina at pagbalik nito ay may dala na itong dalawang bote ng beer. Inabot niya sa akin ang isa. Bukas na iyon kaya tumungga agad ako. Umupo si Candy sa harapan ko. “Ano bang nangyari at parang ang aga-aga ay bad trip ka na? 'Di iyan nakakaganda, bessy! Tandaan mo, dapat ay beautiful ka palagi para maakit mo si Tristan!”

ThreesomeWhere stories live. Discover now