Chapter Eight

24.3K 289 17
                                    

Agnes’ POV

PAREHAS na kaming nakahiga ni Tristan sa aming kama ng gabing iyon. Nakatingin kami sa kisame at walang imikan. Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong gising pa siya. Nakapatong ang braso niya sa noo.

Simula nang malaman naming hindi na ako magkakaroon ng anak ay naging ganito na palagi ang eksena namin bago matulog. Kung dati, bago kami matulog ay nagkukwentuhan muna kami kung ano ba ang mga nangyari sa amin sa maghapon, ngayon ay hindi na. Tila ba ayaw na niya akong makausap. Ayaw na niyang alamin kung kumusta ba ako sa buong maghapon na hindi kami nagkita. Palagi din siyang nakayakap sa akin kapag matutulog na kami pero ngayon kahit ang hawakan man lang ay hindi na niya ginagawa.

Labis akong nasasaktan sa nangyayari sa amin ni Tristan. Alam kong hindi ko naman ginusto na hindi na ako magkakaroon ng anak pero alam ko rin naman na kasalanan ko dahil sa ilang beses din naman akong nagpalaglag noon ng sanggol. Kaya naiintindihan ko si Tristan kung bakit malamig ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Alam niyang may kasalanan ako kung bakit hindi na kami magkakaanak.

Nakaka-miss iyong magkayakap kami hanggang sa makatulog. Ano kaya kung subukan kong mag-reach out sa kaniya?

Tumagilid ako paharap kay Tristan pero bigla naman siyang tumalikod sa akin. Parang may tumusok na libo-libong karayon sa puso ko sa ginawa niya. Pinaramdam sa akin ni Tristan na galit talaga siya sa akin sa pagtalikod niyang iyon.

Umangat ang kamay ko para hawakan siya sa likod pero nag-alinlangan ako. Sa huli ay binawi ko na lang din iyon. Hindi ko napigilan ang lumuha. Tahimik akong umiyak dahil sa nasasaktan ako.


-----ooo-----


“SERYOSO?! Hindi nagustuhan ni Tristan 'yong cute na cute na aso na binili mo?” Napalakas ang pagkakasabi niyon ni Maonique habang kumakain kami sa isang fast food restaurant ng tanghali na iyon. Sinabi ko kasi sa kaniya iyong nangyari noong nakaraang gabi nang umuwi si Tristan at nakita nito si Tres.

Malungkot akong tumango. “Oo, e. Ang gusto daw niya ay tunay na anak na galing sa dugo at laman niya. Bumili na nga lang ako ng kulungan para sa labas na lang ng bahay si Tres. Ayaw kasi ni Tristan sa aso…”

“My God! Ang hirap naman palang i-please ng asawa mo!”

“Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko, Monique. Minsan, naiisip ko na lang na hiwalayan na si Tristan kasi alam kong hindi ko siya mapapasaya. Hindi ko naman kasi siya mabibigyan ng anak.”

“Ay, iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Asawa ka niya kaya dapat lang na unawain niya ang kalagayan ng matris mo. Masyado naman kasing makasarili iyang si Tristan! E, sa hindi ka nga magkakaanak!”

“Monique!”

“Totoo lang ang sinasabi ko, Agnes. Huwag kang magprotesta diyan.”

Hindi na lang ako nagsalita. Tinapos ko na lang ang aking pagkain dahil kailangan ko pang umuwi ng bahay upang pakainin iyong asong binili ko.


-----ooo-----


MABILIS na lumipas ang ilang buwan. Mag-iisang taon na kaming kasal ni Tristan at hindi na talaga kami nagkaroon ng anak kahit minsan naman ay nagtatalik kami. Hanggang ngayon ay malamig pa rin siya sa akin. Nasanay na akong ganoon siya pero nasasaktan pa rin ako. Sobrang nami-miss ko lang iyong dating pakikitungo niya sa akin.

Nagpatuloy pa rin ang pagiging magkaibigan namin ni Monique. Mas naging close na kami ngayon. Si Lulu naman ay lumipat na ng ibang bahay kaya nalayo na siya sa akin. Minsan na lang kami magkita ng kaibigan kong iyon kaya madalas ay si Monique ang kasama ko.

ThreesomeWhere stories live. Discover now