Chapter Nineteen

22.5K 266 52
                                    


Monique’s POV

“TALAGA po, doc? Naku, thank you po talaga! Thank you! Bukas na bukas din ay pupunta ako diyan sa ospital. Opo. Salamat po. Bye!”

Pagkatapos kong maligo ay tumawag iyong doktor ng kapatid ako. Ang sabi niya ay naging matagumpay ang operasyon ni Mon-mon. Nasa recovery room na raw ito ngayon at nagpapagaling na. Salamat naman sa Diyos!

Sa ngayon ay nasa kwarto na ako nina Agnes at Tristan habang silang dalawa naman ay nasa labas. Naliligo na rin yata si Tristan. Si Agnes, hindi ko alam. Isinantabi ko muna ang sayang nararamdaman ko sa successful na operasyon ni Mon-mon. Mag-co-concentrate muna ako gagawin namin mamaya ni Tristan.

Ang gusto kong mangyari mamaya ay pagselosin si Agnes. Oo, alam kong magseselos talaga siya pero gusto ko 'yong selos na sagad. 'Yong todo. 'Yong pwedeng ikabaliw niya! At para ma-achieve ko talaga ang goal kong iyon ay kailangan kong magpaganda pa lalo. Maganda na ako, alam ko pero alam kong may igaganda pa ako.

Naliligo pa naman si Tristan. Kakalabas lang niya ng kwarto kaya medyo matagal pa siya bago pumunta dito. May time pa ako para magpaganda.

Sa ngayon ay suot ko na iyong sexy na pantulog na meron ako. Kinuha ko ang make-up kit ko sa aking mga gamit at humarap sa salamin. Isang kulay pulang lipstick ang kinuha ko at habang naglalagay ako niyon sa aking labi ay isang alaala ang hindi ko napigilang balikan dahil sa bagay na iyon…


-----ooo-----


BAGO ako lumabas ng bahay ay naglagay ako ng pulang lipstick. Gandang-ganda kasi ako sa sarili ko kapag naglalagay ako niyon. Papasok na kasi ako sa trabaho ko sa isang hotel bilang singer. Hindi ko na natapos ang college dahil hindi na rin naman kaya ng mga magulang ko na walang trabaho. Kaya kahit gusto ko pang mag-aral ay mas pinili kong magtrabaho na lang para kumita ng pera. Lalo na’t buntis ngayon ang nanay ko.

Paglabas ko ng barung-barong kung saan ako nakatira kasama ang nanay at tatay ko ay napansin ko agad ang tinginan ng mga tsismosa naming mga kapitbahay.

“Tingnan mo 'yang si Monique. Putok na putok ang make up tapos gabi pumapasok sa trabaho,” bulong ng isang matabang babae na si Aling Tonya. Kausap nito sa tabi ng bahay namin ang palagi nitong katsismisan na si Aling Perla na katulad nitong mataba.

“Baka naman sa call center nagtatrabaho!” ani Aling Perla.

“'Ku! Call center? Malaki kaya ang kita doon. Dapat wala na sila dito kung sa call center iyan nagtatrabaho. Ang sabihin mo, pokpok iyang si Monique!”

Hindi ko na lang sila pinansin. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi totoo ang mga sinasabi nila. Singer ako sa isang hotel hindi isang pokpok. Marangal ang trabaho ko hindi katulad nila na tambay na nga ay mga tsismosa pa!

Isa pa, ayokong magkaroon ng negative vibes ngayong gabi. Pagkatapos kasi ng work ko ay magkikita kami ng boyfriend ko-- si Dave. Five years ang tanda niya sa akin pero wala akong pakialam. Gwapo si Dave. Mayaman at negosyante. Mahal ko si Dave at mahal niya din ako. Hindi naman magtatagal ng one year ang relasyon namin kung hindi, 'di ba? Alam ko naman kasi kung bakit siya makikipagkita sa akin mamaya. First year anniversary kasi namin ngayon. Ti-next lang niya ako kanina na magkita daw kami sa isang restaurant. Pumili siya ng isang resto na pang-sosyal talaga kaya may baon akong magandang dress para naman bumagay ako sa lugar na iyon.

Isang set lang ako kumanta at nagpaalam na ako sa boss namin. Nine pa lang ng gabi ay tapos na ang trabaho ko. Agad akong pumunta sa isang restroom sa hotel at doon ay nagpalit ako ng damit. Nag-retouch ako ng make up at siyempre hindi ko nakalimutan ang red lipstick.

ThreesomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon