Chapter Forty

30.2K 596 184
                                    

Agnes' POV

HINDI naging madali para sa amin ni Tristan para maitakas sa ospital ang baby nila ni Monique. Mabuti na lang at isa sa mga nurse na nagtatrabaho doon ay kaklase dati ni Tristan noong high school. Kinausap niya ito at binigyan niya ito ng pera para matulungan kaming ilabas ang baby. Ganoon na lang ang kaba ko ng araw na iyon dahil sa takot ko na baka mahuli kami. Pero mabait pa rin ang Diyos dahil hinayaan niya kaming maitakas ang baby. Agad kaming umuwi ni Tristan sa bahay at gumayak na kami agad. Ang mga importanteng gamit lang ang dinala namin dahil nangangamba kami na baka mapansin na ni Monique na wala na ang anak niya.

Pumunta agad kami sa bahay ni Lulu at kinausap siya na kung pwede ay sa bahay muna niya kami magtago hanggang sa humupa ang lahat. Pumayag naman agad si Lulu.

Hanggang sa dumating na ang araw ng panganganak ko. Ganoon na lang ang takot ko dahil baka kung ano ang mangyari sa anak ko. Aaminin ko na puro negatibong bagay ang naiisip ko habang nanganganak ako pero salamat ulit sa Diyos dahil normal na lumabas ang anak namin ni Tristan. Biniyayaan lang naman kami ng isa pang anak na lalaki! Kaya naman dalawa na agad ang lalaki naming anak.

Hindi ko kayang ipaliwanag ang saya ko nang malagpasan ko ang pagbubuntis ko sa anak namin ni Tristan. Hindi ko akalain na makakaya ng matris ko na dalhin ang anak namin. Isa talagang miracle ang nangyaring iyon. Talagang hindi kami binigo ng Diyos sa pagdarasal namin sa Kaniya. Tunay na makapangyarihan ang panalangin basta isasapuso mo lang at malakas ang pananampalatay mo sa Diyos!

Anim na buwan na ang nakakalipas simula nang umalis kami sa bahay namin para pagtaguan si Monique t maiwasan kung ano man ang plinaplano niyang masama sa pamilya namin. Kahit papaano ay nawala na ang pangamba sa puso ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami ginugulo ni Monique. Lumipat na rin si Tristan ng kumpanyang pinagtatrabahuhan para hindi na siya makita pa ni Monique sa dati niyang trabaho.

Sa ngayon ay anim na buwan na ang baby nina Tristan at Monique na ngayon ay mahal na mahal ko na rin at talagang itinuturing ko na rin na anak ko. Pinangalanan namin siyang Alexander. Habang ang dalawang buwan na anak namin ni Tristan ay si Christian naman.

Mahirap mag-alaga ng dalawang sanggol pero very fulfilling! Damang-dama ko ang pagiging ina ko sa kanilang dalawa. Palagi namang nakasuporta sa akin ang asawa ko at tinutulungan din ako ng bestfriend ko na si Lulu.

Kakatapos ko lang mapatulog ng umagang iyon sina Alexander at Christian. Magkatabi sila sa iisang crib. Nang paglabas ko sa kwartong ginagamit namin ay siya ring paglabas ni Lulu sa kwarto niya. Napansin kong bihis na bihis siya at naka-make up pa.

"O, sa'an ang lakad mo?" tanong ko sa kaniya.

"Wala. May imi-meet lang akong guy. Nakilala ko siya sa Tinder. You know, swipe left and swipe right!" Iminuwestra pa niya sa akin ang sinabi niyang swipe left and swipe right.

"Hoy! Seryoso ba iyan? Baka malaman ni James na nakikipagkita ka sa ibang lalaki!"

Sumimangot siya sabay halukipkip. "E, kasi naman, e. Palagi na lang siyang busy. Biruin mo, almost one month na siyang hindi umuuwi dito sa Pilipinas. Feeling ko nga may iba nang babae iyon sa Australia!"

"Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay magloloko ka na dito. Baka busy lang 'yong tao. Ikaw naman..."

"Hindi naman ako nagloloko, bes! OA naman ng word na nagloloko. I'm just having fun. Nothing serious. Gusto ko lang maka-meet ng new friends. Ano ka ba? Si James pa rin naman ang mahal ko, e."

"Hay naku, bes, bahala ka na nga. Mag-iingat ka na lang!"

"Oo naman, 'no. Sige na. I have to go na. Bye!"

ThreesomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon