Chapter Twenty Four

17.6K 320 92
                                    


Agnes’ POV

NANINGKIT ang mga mata ko sa mga sinabi ni Monique. Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya pero hindi, e. Seryoso siya, alam ko. At talagang proud pa siya sa mga sinasabi niya na parang siya ang tama.

“Hindi mo naman kasi mabigyan ng anak ang asawa mo kaya ako na lang ang papalit sa iyo!” mataray pa niyang sabi.

Mabilis na kumulo ang dugo ko sa sinabi niyang iyon. Lumipad ang kamay ko at tumama iyon sa pisngi niya. Tigalgal si Monique sa pagsampal ko sa kaniya. “Hayop ka! Hindi ko alam na nagpatuloy pala ako ng ahas sa bahay ko! Hinding-hindi mo maaagaw sa akin si Tristan! Kaibigan mo ako, Monique! Hindi mo dapat ito ginagawa sa akin!” gigil kong sabi sa kaniya na may kasama pang pagduro. Bumilis ang tibok ng puso ko sa labis na tensiyon na nararamdaman ko.

Itinuring ko siyang kaibigan at parang kapatid pa nga. Tapos ganito pa ang igaganti niya sa akin? Anong klase siyang kaibigan? Itinuring ba niya talaga akong kaibigan o nagbabalat-kayo lang siya.

Bumaba na siya sa hospital bed at tumayo sa harapan ko. “FYI, hindi ko na kailangang agawin sa iyo si Tristan dahil matagal ko na siyang naagaw. Matagal na kaming may relasyon ng asawa mo, Agnes. Hindi mo lang napapansin kasi tatanga-tanga ka!” aniya sabay ngisi.

Tumiim ang bagang ko. Gusto ko siyang pagsasampalin pa hanggang sa mabura ang mukha niya pero pinigilan ko ang aking sarili.

Mariin akong umiling. “Hindi ako naniniwala sa iyo. Sinungaling ka kaya paano ako maniniwala sa iyo? Gumagawa ka lang ng kwento para magkahiwalay kami ni Tristan. Hindi ka magtatagumpay, tandaan mo 'yan!” pigil ang galit na sabi ko.

“Ganoon ba? Ebidensiya, you want? Sandali lang, ha…” Nang-aasar pa siyang ngumiti. May pinindot siya sa cellphone niya at ibinigay niya iyon sa akin. “'Ayan, panoorin mo para naman matauhan ka na ako na talaga ang gusto ng asawa mo!”

Inabot ko naman ang cellphone niya at isang video ang nakita ko doon. Pinanood ko iyon at halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa laman ng naturang video. Video iyon ng pagtatalik nina Monique at Tristan. Sa hitsura ng kwarto ay alam kong isa iyong motel. Mas lalong nanginig ang buong katawan ko. Parang mawawalan na ako ng malay ng sandaling iyon.

“O ano? Hindi ka na diyan makapagsalita? Nangyari lang naman iyan after ng first na nag-sex kami ni Tristan. Nabitin kasi kami kaya itinuloy na lang namin sa labas. Iyong malayo sa’yo kasi nakakailang ka! Nakita mo naman sa video kung gaano ako paligayahin ni Tristan. And FYI lang ulit, hindi lang isang beses iyan nangyari.”

“Ilang beses?” Nanginginig na ako sa galit.

“Maraming beses! As in, unli pops!” pagmamalaki pa ni Monique. “'Di ba, hindi mo alam na nagmo-motel kami ni Tristan? E, kasi naman, hindi kami makapag-performance level sa bahay kaya sa motel na lang. At iyong pantal na nakita mo sa akin na nilagyan mo pa ng ointment? Hindi iyon pantal. Chikinini iyon na si Tristan ang-- Ahhh!!!” Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Monique at isinampal ko na sa mukha niya ang malapad niyang cellphone. “Gaga ka! Ang sakit!” hiyaw pa niya habang hawak ang mukha.

“Unli pops? Unli sampal, gusto mo?!”

Sinabunutan ko si Monique gamit ang isa kong kamay. Habang ang isa ay ginamit ko para pagsasampalin siya. Nabigla yata siya sa mga ikinilos ko kaya hindi na niya nagawa pang gumanti. Bawat sampal na pinapatama ko sa makapal niyang mukha ay nilalakasan ko talaga! Doon ko ibinuhos lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon!

“Tumawag kayo ng guard!!!” sigaw ng babaeng nurse na naroon.

“Hayop ka! Bitiwan mo ako!” sigaw ni Monique na hindi magawang makapalag sa akin.

ThreesomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon