Chapter Eighteen

22.8K 261 105
                                    

MOST GIGIL COMMENT (BEST COMMENT)

MOST GIGIL COMMENT (BEST COMMENT)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






Tristan’s POV

KINABAHAN ako nang mapansin ni Agnes ang chikinini sa leeg ni Monique. Nanlalamig ako pero pinagpapawisan ako ng malapot. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi na ako makapag-concentrate sa pagkain. Wala naman akong balak na lagyan ng kiss mark si Monique, e. Pero dahil sa epekto ng alak at inis ko dahil sa mga pinagsasabi niya ay nanggigil ako nang husto at nalagyan ko siya ng ganoon.

Ito namang si Monique, binigyan ko na nga ng pera na pambili ng concealer pero hindi naman yata bumili. Parang sinasadya niya talaga na makita ni Agnes ang mga kiss mark niya.

Pasimple kong tiningnan ng masama si Monique. Hawak niya pa rin ang leeg at hindi niya maapuhap kung ano ang isasagot kay Agnes.

“Monique?” untag ni Agnes dito.

Hindi na ako mapakali sa loob pero pinilit ko pa ring magpaka-kaswal. Nagpatuloy lang ako sa pagkain na parang walang pakialam sa pinag-uusapan nilang dalawa.

“Ano lang ito… Kagat ng mga langgam. Tama. Iyon nga,” sa wakas ay sagot ni Monique. Sana lang ay mapaniwala nito ang asawa ko.

“Malalaking langgam ba ang kumagat sa iyo? Grabe kasi ang pantal. Ang lalaki din!”

Nasamid ako sa sinabing iyon ni Agnes. Napakuha tuloy ako ng tubig sabay inom.

“Oo. Nang nag-eempake kasi ako, may mga langgam pala doon sa higaan ko. Hindi ko napansin na gumapang na sa akin at pinagkakagat na ako.”

“Makati ba?” tanong pa ni Agnes.

“Yes. Medyo makati…”

Tumayo si Agnes. “Kukuha lang ako ng pangtanggal ng kati. Saglit lang,” aniya at naglakad siya papasok sa aming kwarto.

Nagkatinginan kami ni Monique at parang wala lang sa kaniya ang lahat. Nakukuha pa niya akong ngitian kahit muntik na kaming mabuko ng asawa ko. Mabilis din naman kaming nag-iwas ng tingin sa isa’t isa nang bumalik na si Agnes. Kay Monique ito lumapit. May dala siyang ointment. Hindi ako sigurado.

“Lagyan natin nito para mawala ang kati mo,” sabi ni Agnes.

“Ano iyan?” tanong ni Monique.

“Ointment lang ito.” Binuksan na nito ang ointment at nilagyan nito isa-isa ang kiss mark sa leeg ni Monique. “Kung hindi mo sinabing kagat iyan ng langgam, iisipin kong kiss mark iyan.” Tawa pa ni Agnes.

“H-hindi naman. Saka bakit naman ako magkakaroon ng chikinini?”

“Oo nga, e. Kung chikinini man iyan, hindi naman siguro ang asawa ko ang may gawa niyan kasi nang umalis ka dito noong isang gabi ay wala naman iyan. 'Ayan, okay na. Sana hindi ka katihin kasi nilagyan ko na ng ointment,” ani Agnes at bumalik na siya sa pagkakaupo para kumain.

ThreesomeWhere stories live. Discover now