Chapter Five

27.8K 326 22
                                    

Agnes’ POV


ISANG umaga ng Sabado ay napagkasunduan namin ni Tristan na manood ng sine dahil wala siyang pasok kapag weekend. Bonding na rin naman at date. Nauna na siyang maligo sa akin at pagkatapos niya ay ako naman ang pumasok sa banyo. Hinubad ko na ang lahat ng damit ko at itinapat ang sarili sa shower. Binuksan ko iyon at hinayaan kong mabasa ang buong katawan. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang patingin ko sa ibaba ay may kulay pulang likido na sumasama sa tubig!

Agad akong kinabahan. Parang may nararamdaman kasi akong mainit-init na likido na lumalabas sa aking pagkababae. Nanginginig na tiningnan ko ang aking pagkababae at para akong mahihimatay nang makita ko na may dugong lumalabas doon.

“T-tristan…” tawag ko sa aking asawa. Pati boses ko ay nanginginig at kulang sa lakas. Inulit ko ang pagtawag kay Tristan dahil tila hindi niya yata iyon narinig. Pilit ko na lang nilakasan ang aking pagsasalita.

Narinig ko ang humahangos na yabag ng paa ni Tristan. Bumukas ang pinto ng banyo at nakita ko ang gulat sa mukha ni Tristan nang makita niya ako.

“Agnes!” Nag-aalalang bulalas niya at mabilis iyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat. “A-anong nangyari? Nadulas ka ba?” puno ng pag-aalalang tanong ni Tristan.

Umiling ako kasabay ng pagpatak ng aking luha. “H-hindi ko rin alam. B-bigla na lang akong dinugo…” Napahawak ako sa kaniyang braso. “Tristan, iyong baby natin… B-baka--”

“Hindi! Okay lang si baby!” Natatarantang kinuha niya ang towel at binalot niya ako gamit iyon. Pinangko niya ako at inilabas ng banyo. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa aming kwarto. “Pupunta tayo ng ospital. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, ha. Okay lang ang baby natin. Okay?”

Kahit may pagdududa ako na ayos lang ang baby namin ay tumango na lang ako sa kaniya. Kinakabahan talaga ako. Alam kong may hindi magandang nangyari sa magiging anak namin ni Tristan.


-----ooo-----


“FULLY damaged na ang uterus mo. Mahina na ito at hindi na nito kayang magdala ng sanggol. Yes, maaaring mabuntis ka pero katulad ng nangyari sa iyo ngayon ay palagi ka lang makakaranas ng miscarriage. Malalaglag lang palagi ang bata. Ang tanging maibibigay ko na lang sa iyo ay mga vitamins para mas maging malusog ka. I am sorry…”

Nakauwi na kami ni Tristan mula sa hospital pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga sinabi sa akin ng doktor na tumingin sa akin. Nalaglag ang bata sa aking sinapupunan dahil hindi na kaya ng aking uterus na magdala ng sanggol.

Kanina nang malaman ko ang kondisyon ng aking uterus ay bumalik sa aking isip lahat ng ginawa ko noong pagpapalaglag ng sanggol. Alam kong sinisingil na ako ng Diyos sa mga kasalanang ginawa ko noon. Ngayong gusto ko nang magkaroon ng anak ay saka naman ako nawalan ng kakayahan na magka-anak. Pero noong mga panahon na kaya ko pa ay ipinapalaglag ko naman.

Magkatabi lang kaming nakaupo ni Tristan sa sofa. Tahimik akong lumuluha habang siya ay nakatulala at kanina pa hindi umiimik. Pag-alis namin sa ospital hanggang ngayon ay ganoon siya. Alam ko naman kung bakit. Nag-expect siya na magkakaroon na kami ng anak dahil pangarap niya talaga iyon pero hindi pa pala. At kahit kailan ay hindi ko na siya mabibigyan ng anak.

“K-kasalanan ko ito. Ako ang dapat sisihin sa lahat. Sinisingil na ako ngayon sa mga pagpapalaglag na ginawa ko noon…” Puno ng lungkot na sabi ko. Hindi naman lingid kay Tristan ang aking nakaraan. Alam niya ang lahat sa akin at tinanggap niya iyon. Kaya nga pinakasalan niya ako.

Isang malalim na buntunghininga lang ang sinagot ni Tristan. Tumayo na siya at akmang aalis.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya.

ThreesomeOnde histórias criam vida. Descubra agora