Chapter Twenty Seven

17.3K 355 76
                                    

Monique’s POV

SABADO ng araw na iyon at kaninang umaga pa ako hindi mapakali. Parang feeling ko, may hindi magandang mangyayari. Kasama ko sa bahay si Tristan pero nasa kwarto siya at may tinatapos na trabaho. Lagi na lang siyang ganoon. Nagte-take home ng trabaho! Parang hindi ko naman alam na kaya niya ginagawa iyo ay para makaiwas. Kasama ko nga siya sa bahay pero parang mag-isa lang naman ako. Lahat naman ay ginagawa ko. Ipinagluluto ko pa siya ng masasarap na pagkain pero hindi naman niya iyon naa-appreciate! Kung hindi ko lang talaga siya mahal, matagal ko na siyang iniwan.

Pero okay lang, dala-dala ko naman ang anak niya at wala siyang choice kundi ang pakisamahan ako. Takot din naman siya na ilaglag ko ang anak niya, e. Excited na ako sa paglabas ng baby namin ni Tristan. Siyempre, mas malakas na ang kapit ko sa kaniya kapag lumabas na ito. Baka nga mahulog na rin siya sa akin kapag nagkaroon na kami ng anak.

Salamat na lang talaga at kusa nang umalis sa buhay namin si Agnes. Isang buwan na ang nakakalipas at hindi na talaga siya nagpaamdam. Wala kaming alam kung nasaan siya ngayon at kung ano na ang nangyari sa kaniya. Baka patay na ang gaga! Sana nga para forever na kami ni Tristan.

Kanina pa ako nanonood ng TV at medyo bored na ako. Kinuha ko ang cellphone ko at naisipan kong mag-Facebook. Browse lang ako nang browse sa news feed hanggang sa dumako ako sa list ng friends ko. Naghahanap kasi ako ng pwedeng kachat. Nadaanan ng mata ko ang account ni Agnes. Friends nga pala kami sa Facebook.

Isang ideya ang naisip ko na nagpangiti sa akin. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Pinuntahan ko si Tristan sa kwarto at naabutan ko siyang tutok na tutok sa kaniyang laptop. Nilapitan ko siya at idinikit ko ang pisngi ko sa pisngi ko. Mabilis kong itinapat ang cellphone sa amin sabay picture!

“Thank you!” sabi ko.

“Ano 'yon? Para saan naman iyon?” Halatang iritadong tanong niya.

“Wala lang. Wala pa kasi tayong picture together. Naisipan ko lang na dapat meron tayo no’n. Sige, work ka na ulit diyan!” Nag-flying kiss ako sa kaniya sabay kindat at saka ako lumabas ng kwarto.

Bumalik ako sa salas at doon ay in-upload ko ang picture naming dalawa ni Tristan na nilagyan ko pa ng caption na alam kong kapag nabasa ni Agnes ay mamatay siya sa inggit dahil iisipin niya na masaya na kami ng asawa niya. Gusto kong isipin niya na masaya na kami ni Tristan kaya wala na siyang dahilan para bumalik pa.

Ang tanga-tanga naman kasi niya. Iniwan niya talaga sa akin si Tristan. Pero thank you na rin kasi tanga siya. Kung hindi ay hindi ko masosolo si Tristan ngayon. At sana huwag na siyang bumalik!

-----ooo-----

LUMIPAS ang maghapon nang hindi man lang kami nag-uusap ni Tristan. Pasalamat siya at hindi ako tinotopak ngayon. Kung hindi, ipapanakot ko na naman na ipapalaglag ko ang baby namin para pilitin siya sa isang bagay na gawin niya. Sapat nang alam niya ang gagawin ko kapag iniwan niya ako.

Nagluluto na ako ng hapunan namin. Wala na pala kaming stock ng pagkain dahil simula ng umalis si Agnes ay hindi pa ako nakakapamalengke. Ang nakita ko lang na pwedeng ulamin doon ay iyong tuyong isda. Tinanong ko si Tristan kung gusto niyang bumili na lang kami sa labas or mas better na kumain na lang kami sa labas pero ang sabi niya ay lutuin ko na lang iyong tuyo. Bukas daw ay maggo-grocery kami. Kinilig naman ako doon. For the first time ay mararanasan kong mag-grocery ng kasama si Tristan! Parang mag-asawa na rin kami, 'no?

Pero dapat lang na masanay na ako sa ganoon dahil sooner ay ako na talaga ang papalit sa puwesto ni Agnes sa puso ni Tristan. Wala namang choice si Tristan kundi ang mahalin ako lalo na’t magkakaroon na kami ng anak.

ThreesomeWhere stories live. Discover now