Chapter Twenty Six

17.9K 331 69
                                    

Agnes’ POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agnes’ POV

SERYOSO kong inilalagay sa isang magandang box ang mga chocolate cookie na malalamig na. Pagkatapos ko iyong mailagay ay isinasara ko iyon at nilalagyan ng kulay pulang ribbon. Ito ang negosyo ni Lulu. Gumawa siya ng online shop kung saan nagtitinda siya ng mga cookies. Naiinip daw kasi siya dati kaya nag-aral siya ng baking at itinayo na niya ang negosyong ito na pinangalanan niyang “Cookie Ni Lulu”. May tagline itong “Oven-fresh at masarap!”. Wala namang problema sa boyfriend ni Lulu ang pagtira ko dito. Natuwa pa nga si James dahil may kasama na daw si Lulu kapag wala ito.

Isang buwan na ako dito sa bahay ni Lulu at dalawang buwan na rin akong wala sa buhay nina Tristan at Monique. Wala na akong balita sa kanila. Noong una ay tinatawagan ako ni Tristan pero hindi ko sinasagot. Nagpalit na lang ako ng number ko para hindi na niya ako ma-contact pa.

Upang hindi ko masyadong maisip ang problema ko ay tumulong na lang ako sa negosyo ni Lulu. Binibigyan naman niya ako ng porsiyento sa mga kinikita niya. Ako ang taga-ayos ng mga cookies sa lalagyan nito. Minsan ay tinuturuan din niya akong mag-bake para daw kapag okay na ako ay magawa ko rin iyong negosyo katulad ng ginagawa niya.

Very supportive sa akin si Lulu. Hinahayaan niya lang ako kapag minsan ay umiiyak ako. Pero palagi niya akong sinasabihan na ipaglaban ang karapatan ko kay Tristan lalo na’t alam niyang mahal ko pa rin ang aking asawa.

“Hoy, tama na 'yan. Magmeryenda muna tayo.” Inilapag ni Lulu ang niluto niyang turon sa harapan ko. “Sandali, kuha lang ako ng juice!” Umalis ulit ito at pagbalik ay may dala na itong isang pitsel ng mango juice at dalawang baso.

Itinabi ko muna ang mga cookies at box at sinaluhan si Lulu sa pagkain ng turon.

“Pwede mo rin itong ibenta, ha…” sambit ko matapos kong tikman ang turon. “Masarap. May langka at ube pa! Dagdagan mo na kaya ang negosyo mo. Turon Ni Lulu naman ang pangalan!” Natawa kaming parehas sa sinabi kong iyon.

“At paano ko naman ito ibebenta? Ilalagay ko sa bilao at magsisisigaw ako sa labas ng “turon”?! Ang init, 'no! Ikaw na lang kaya. Parang mas kaya mo 'yon!”

“Okay lang. Basta naka-gown ako tapos hanggang kili-kili ang slit, ha!”

Mas lalo kaming nagkatawanan sa pagbibiruan namin na iyon.

“'Ayan. Tumatawa na siya, o. Na-miss ko iyang tawang iyan, bes. Sana dalas-dalasan mo iyan. Hindi iyong umiiyak ka na lang bigla. Kung hindi lang kita kaibigan at hindi ko alam ang pinagdadaanan mo, iisipin kong luka-luka ka, e!”

“Ay, grabe ka naman!” pakli ko sabay kagat sa turon.

Totoo din naman kasi ang sinabi ni Lulu. May mga pagkakataon na kapag mag-isa ako ay naiisip ko sina Tristan at Monique. Kung ano na ba ang ginagawa nila. Malamang ay masaya na sila kasi malaya na sila ngayong wala na ako sa bahay. At kapag naiisip ko ang mga ganoong bagay ay hindi pwedeng hindi ako iiyak. Nahuhuli ako minsan ni Lulu. Imbes na patahanin niya ako ay pinapagalitan pa niya ako. Ang tanga ko daw kasi para hayaan si Tristan sa kabit nito. Dapat daw ay lumalaban ako at hindi nagtatago.

ThreesomeWhere stories live. Discover now