Chapter Twenty Three

18.6K 274 82
                                    


Agnes’ POV

MAY pagtatakang napatingin ako kay Monique habang hindi maganda ang tingin sa akin ni Tristan. “Monique, a-ano bang sinasabi mo? Anong naglilinis? Ako ang naglinis diyan sa kwarto--”

Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil biglang nawalan ng malay si Monique. Bumagsak siya sa sahig kaya labis kaming nataranta ni Tristan.

“Monique!” Magkasabay na sigaw namin.

Mabilis na nilapitan ni Tristan si Monique habang ako ay kinakabahan at magkasalikop ang mga kamay. Binuhat ni Tristan si Monique at tumakbo siya palabas. Sumunod ako sa kanila.

“Buksan mo ang pinto ng kotse! Dadalhin natin siya sa ospital!” sigaw na utos ni Tristan sa akin.

Sinunod ko agad ang sinabi ng asawa ko. Binuksan ko ang pinto sa likod ng kotse at doon niya isinakay si Monique. Sumama na rin ako para may mag-alalakay Monique sa likod. Mabilis na pinaandar ni Tristan ang sasakyan hanggang sa makarating na kami sa ospital. May mga nurse naman na umasikaso sa akin at dinala agad si Monique sa emergency room.

Hindi mapakali si Tristan habang nasa labas kami ng emergency room. Kita ko sa mukha niya ang takot at pag-aalala. Panay ang lakad niya at kagat ang mga daliri sa kamay. Hindi siya mapirmi sa isang puwesto. Ako naman ay natatakot din sa pagkahimatay na iyon ni Monique. Hindi lang para sa kaniya kundi para na rin sa baby sa sinapupunan niya.

Nilapitan ko si Tristan. “Huminahon ka, Tristan… W-wala naman sigurong masamang nangyari kay Monique,” sabi ko. Hahawakan ko sana siya sa braso per pumiksi siya.

“Agnes, naman! Alam mo naman na buntis si Monique pero pinapagawa mo pa rin sa bahay! Kapag may masamang nangyari sa baby ko, hindi ko na alam ang gagawin ko!” Halos sabunutan na nito ang sarili sa sobrang inis.

“Tristan, hindi ko naman--”

Biglang lumabas ang babaeng doktor mula sa emergency room. “Kayo ba ang kasama no’ng babaeng walang malay?” anito.

“A-ako nga po, dok! Kumusta po siya? Iyong baby? Buntis po siya, dok. Kumusta ang baby?” Natatarantang wika ni Tristan.

“Okay naman siya. Wala naman kaming nakitang problema sa misis mo. Napagod lang siguro siya kaya siya nawalan ng malay. Actually, may malay na siya ngayon. Bigla na lang siyang nagising. Okay na ang misis mo at ang baby ninyo. Wala ka nang dapat pang ipag-alala. Mas mainam din na pakainin mo siya ng mga healthy foods lalo na ng gulay at prutas.” Nakangiting turan ng doktor.

“Pwede ko na po ba siyang puntahan?”

“Sure. Pwedeng-pwede.”

Pagkasabi niyon ng doktor ay agad na pinuntahan ni Tristan si Monique. Hindi muna ako sumunod. Nakatulala lang ako. Medyo nasaktan ako nang mapagkamalan ng doktor na asawa ni Tristan si Monique tapos hindi man lang iyon itinanggi ni Tristan.

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod kay Tristan. Naabutan ko siyang nakahawak sa tiyan ni Monique. Nakaupo si Monique sa gilid ng bed. Marahan akong lumapit sa kanila. Si Monique ang unang nakakita sa akin. Nangingiti siya na hindi ko mawari. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit siya nagsinungaling kay Tristan. Ako tuloy ang nasisisi sa pagkahimatay niya. Wala nga siyang ginawa maghapon sa bahay kundi ang manood ng TV. Hindi ko siya pinapagawa ng gawaing bahay dahil buntis siya.

Pero baka gawa lang din iyon na buntis siya. Iritado siya kaya niya siguro iyon nagawa. Sige, papalampasin ko ang pagsisinungaling niya at baka ma-stress pa siya kapag sinabi ko kay Tristan ang totoo. Aakuin ko muna ang galit ni Tristan dahil sa maling akala. Sana naman ay huwag na niya iyong ulitin at baka kami naman ang mag-away ng asawa ko dahil sa kaniya.

ThreesomeWhere stories live. Discover now