Chapter 3

4.2K 173 4
                                    

Sa huling round walang mintis na nabull's eye ni Cassandra ang target isang milya ang layo sa limang arrow na pinakawalan niya lahat iyun ay iisang spot ang tinamaan.

Napangisi siya pagkaraan niya pakawalan ang huling palaso at walang duda na siya ang panalo.

"Good job,Cass!" si Toni.

Napailing na lang siya. Mula ng makasama niya ito may mas malala pa pala sa pagkachildish sa kanyang ama at mukha dito nahawa ang huli.

Full support ito sa tuwing may laban siya.

"Siguradong proud na proud na naman sayo ang parents mo," ani ni Toni habang kinukuha nito sa kanya ang mga nakakabit sa braso niya.

"Oo naman..mana ako sa kanila eh," proud niyang saad sabay ngisi niya rito.

Agad naman itong tumango. "Magpapavictory ulit ako bukas para sa panalo mo ngayon," anito at mas mukha pa itong excited kaysa sa kanya.

Spoiled siya nito sa tuwing nanalo siya lagi ito nagpaparty para sa kanya. Well,hindi na siya magtaka dahil mapasahanggan ngayon binata pa rin ito.

"Okay,ikaw bahala," aniya ng matanggal ang lahat na nakakabit sa braso niya.

"Ikaw na mag-uwi ng mga yan sa condo," aniya sa bossy na tono.

Well,balewala naman na rito ang ganun niyang atityud.

"Saan ka pupunta?"usisa nito.

"Mamamasyal lang ulit sa park," aniya.

"Kakain ka na naman ng ihaw-ihaw?" anito.

Napangiti siya at tumango. Naging paborito na niya yun mula ng matikman niya ng minsan ayain siya ng mga kabataan na tinuturuan niya sa martial arts at pinaunlakan naman niya dahil iyun ang unang beses na magkakahalubilo siya sa mga tao.

"Yes," aniya.

"Kapag sumakit na naman ang tyan mo ha," anito.

"Hindi na,sumobra lang ako ng kain nun kaya sumakit ang tyan ko,okay na? Alis na ko," aniya sabay bitbit sa backpack niya.

"Umuwi ka ng maaga ha!" pahabol nito.

Isang kumpas lang ng pagkaway ang tinugon niya na hindi ito nililingon.

Agad na sumalubong sa kanya ang hangin-panggabi. Polluted man dahil sa usok ng mga sasakyan ang importante may nalalanghap syang hangin para mabuhay.

Agad na pinag-ihaw siya ni Aling Lora,ang matandang babae na nagtitinda ng ihaw-ihaw sa gilid ng park na malapit sa may pabilog na fountain.

Tuwang-tuwa ito ng binigyan niya ito ng samu't-saring grocery. Sa tuwing nanalo siya o minsan kahit walang rason binibigyan niya ito. Magaan kasi ang loob niya sa matanda. Sa kabila kasi ng katandaan nito nagtatrabaho pa rin ito para sa mga anak at apo.

Hindi siya umalis agad hanggang sa magligpit na ito at tulungan ito sinundo naman ito ng anak nitong lalaki na isang pedicab driver.

"Salamat,Ma'am,sa grocery!" saad ng anak ni Aling Lora.

Tinanguan lang niya ito at hinintay na makaalis ang mga ito. Madalang na ang tao sa paligid kaya nagpasya na siyang umuwi. Lalakarin lang niya ang pauwi sa condo unit niya na isang oras ang layo mula sa park.

Wala siyang takot na maglakad pauwi. Anupa at isang siyang lobo para hindi protektahan ang sarili.

Paliko na siya sa isang iskinita kung saan madalas siyang sumushort cut ng makaramdam sila ng inner wolf niya ng kakaiba sa paligid. May kadiliman pa naman ang iskinita dahil natatakpan ng lumang gusali ang isang poste ng ilaw.

May panganib akong naaamoy! Anang ng inner wolf niya.

Maya-maya pa ay ilang yabag ang papalapit sa kanya.

Sa talas ng pakiramdam at mata niya na mayroon ang isang tulad niyang lobo agad na nakita niya na tatlong lalaki iyun.

"Ang ganda nito mga dudes!" malisyosong saad ng isang lalaki na payat.

Nalukot ang ilong niya ng maamoy ang mabahong singaw ng tatlong lalaki. Amoy alak ang mga ito. Hinuha niya malamang hindi lang alak ang tinira ng mga ito.

"Hi,Miss beautiful! Baka naman pwedeng makahingi ng pambili ng alak! Pwede mo na rin kami samahan uminom mag-eenjoy ka samin!" anang naman ng may katabaan lalaki.

Naningkit ang mga mata niya.

"Oo nga,miss beautiful! Sama ka samin!" segunda naman ng pangatlong lalaki na hindi gaano katangkad gaya ng dalawang lalaki.

Turuan mo nga ng leksyon ang mga yan,prinsesa!

"Mga wala kayong silbi sa mundo niyo mga lapastanganan!" sikmat niya sa mga ito.

"Aba! Matapang! Yan ang gusto namin palaban!" anang naunang lalaki na tinawanan ng dalawa.

Let me out,princess! Nanggigil na saad ng inner wolf niya.

No,wolf..kalma ka lang,ako na bahala sa tatlong ito.

"Kung gusto niyo kong makuha,talunin niyo muna ko," aniya sabay porma niya sa anyong handa na siyang makipagsparring sa mga ito.

Ngumisi naman ang mga ito. "Talagang palaban ka ha," mayabang ng matabang lalaki.

Sabay-sabay na sinugod siya ng tatlong lalaki dahil triple ang bilis at liksi niya sa mga ito mabilis niyang napatulog ang payat na lalaki ng tamaan niya ang batok nito. Ang sunod naman na nawalan ng malay ay ang matabang lalaki ng tapikin niya din ito sa batok gaya ng naunang lalaki. Nagulantang naman ang maliit na lalaki at ito naman ang hinarap niya. Naningkit ang mga mata niya ng may kumislap na hawak nito.

Oh please,patulugin mo na rin ang mabantot na yan!

"Patay ka sakin!" pagsugod nito sa kanya. Nanatili lang siya sa kinatatayuan niya at ng makalapit ito hinawi lang ng kamay niya ang kamay na may hawak na patalim na isasaksak nito sa kanya at mabilis na kinarate niya ang bawat sulok ng katawan nito kung saan mapaparalisa niya ang buo nitong katawan. Natulos ang lalaki sa kinatatayuan nito at hindi makagalaw tanging panlalaki lang ng mga mata nito at ang paghinga ang nagawa ng pobreng lalaki.

"Huwag kang mag-aalala babalik ka din sa dati gaya ng mga kasama mo,"aniya sabay talikod niya rito. Dinampot niya ang bag na nilapag niya muna sa semento at natigilan ng may isang pares na mamahalin rubber shoes ang huminto sa harapan niya.

Unti-unti siya umayos ng pagkakatayo hanggang sa makita niya ang may-ari niyun.

" Nice move,Miss..may I know your name?"anang ng lalaki sa kanya.

Her heart stop beating suddenly nang marinig niya ang boses na iyun.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now