Chapter 21

3.5K 138 1
                                    

Agad na sinalubong ni Frances si Cassandra pagkalabas nito sa practice room. Agad naman siya nginitian nito na kinatigil saglit ng paghinga niya.

Damn! Nakakawala ng hininga ang maganda nitong pagngiti sa kanya. Ngayon pa lang naninikip na sa selos ang dibdib niya kapag may nginitian itong iba.

Dapat sa kanya lang ito ngingiti!

Damn,napakaselfish nun,Ynico!

Tumikhim siya bago niya tinugon ng ngiti ang dalaga.

"Yayain sana kita magdinner ngayon..kung okay lang sayo?" umaasa siya na papayag ito.

Kinabahan siya baka tumanggi ito. Hindi kasi madali sa kanya na basahin ang magiging reaksyon nito.

"Saan naman?"

Bigla siya tinubuan ng pag-asa ng magtanong ito.

"Sa isang resto..ahm,actually..ininvite ko din si Uncle Toni at Tita Helen.." aniya.

Yeah,gustuhin man niya na para lang yun sa kanilang dalawa pero gusto muna niya ipakita sa dalaga hindi siya katulad ng mga lalaki na masyado mabilis kailangan mapalapit muna siya sa taong malapit rito. Kahit na uncle pa niya ang taong malapit rito pero gusto pa rin niya maging malinis ang pagpaparamdam niya rito.

Tumango ito. "Sige,okay lang.."

Agad na napangiti siya ng malaki sa pagpayag nito.

Nauna na ang uncle Toni niya sa restaurant. Pinaghila niya ng upuan ang dalaga katabi ng Uncle Toni niya.

"Dapat date niyo na lang ito," panunukso ng Uncle Toni niya. Napailing na lang siya.

Napasulyap siya sa dalaga na tulad niya ay napailing din.

"Let's say na group date 'to..Uncle Toni?" pananakay niya sa panunukso ng Uncle Toni niya.

Napatingin sa kanya ang dalaga at nginitian lang niya ito.

"Woah! At sino naman ang kadate ko?"

Nginisihan niya ang Uncle Toni niya. "She's here.." tugon niya ng makita papasok ng restaurant ang Tita Helen niya.

Sabay-sabay sila napabaling sa papalapit na bagong dating na si Tita Helen.

"Sorry,kanina pa kayo? Grabe nasa pilipinas talaga ako sobrang trapik! Kasi isang 'to pabigla-bigla sa pag-aya rito!" sunod-sunod nitong saad ng makalapit sa kanila.

Tumatawang pinaghila niya ito ng upuan. "Upo ka na muna,Tita Helen.."

"Yeah,I need that..nilakad ko na lang papunta rito dahil naipit sa traffic yung sinasakyan kong taxi!" muli litanya nito.

Napangisi siya ng makita ang hitsura ng Uncle Toni niya. Literal ito nakanganga habang nakatitig sa Tita Helen niya.

Mukha gaya niya na-love at first sight ata ang Uncle Toni niya!

"Oh hi,Cassandra! Kamusta? You are really so pretty!" magiliw na pagbati ni Tita Helen kay Cassandra na agad naman nginitian at tumugon rito.

"Ayos lang,Tita Helen,Salamat.."

"Uh,Tita Helen..please,meet my Uncle..my mother's cousin..Uncle Toni," pagpapakilala na nito sa tulala pa rin niyang tiyuhin.

"Oh great!" pagbaling nito sa Uncle niya.

Pasimple niyang sinipa ito sa ilalim ng lamesa dahil magkatapat lang sila ng upuan nito at doon lang natauhan ito.

"Uh,H-hello!" disoriented na turan ng Uncle Toni niya na kinatawa niya ng mahina.

Napasulyap siya sa dalaga. Natawa din ito. Nagtama ang mga mata nila at pareho nila nginitian ang isa't-isa.

"I'm Helen..nice to meet you,Toni!" friendly saad ng Tita Helen niya.

Mukhang natipuhan ng Tita Helen niya ang Uncle Toni niya.

Hindi kasi ito naging snob at pormal sa pagpapakilala. He know that kasi maraming beses na niyang nasaksihan kung paano nito pakitunguhan ang mga lalaking lumalapit rito.

But now..mukhang matutupad na ang panunukso niya rito na magkakanobyo na ito!

Sana lang din tipo siya ng dalaga..baka kasi maunahan pa siya ng Uncle Toni niya na magkalove life.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now