Chapter 29

3.3K 117 1
                                    

Best feeling ! Walang kapaguran silang namasyal ni Frances sa mga lugar na pwedeng pasyalan. Kagaya niya may mga turista din namamasyal na ngayon lang din nakarating sa banyagang lugar na iyun.

Kasulukuyan sarap na sarap siya sa pagkain na hawak niyang chocolate icecream.

Napangiti siya ng punasan ni Frances ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki nito.

He chuckled. "Para kang bata kumain," naaaliw nitong saad.

Napasimangot siya. "Masarap kasi itong ice cream," dahilan niya.

Puno ng mangha na tumawa muli ang kasintahan. "Yeah,you're look so cute,actually..and yet beautiful at the same time..ah,amazing girl pa pala," anito na binuntutan pa ng pagkindat.

Kiming nagpatuloy siya sa pag-ubos sa ice cream niya.

Wala naman ginawa si Frances kundi panuorin ang dalaga habang inuubos nito ang hawak na ice cream at napapangiti siya sa tuwing nilalapit nito sa bibig niya ang ice cream.

Siya naman panay ang pahid sa gilid ng labi nito kapag may nakikita siyang naiiwan na ice cream roon.

Halos paubos na ang ice cream nito ng bigla na lamang ito natigilan at napabaling sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila.

"Hey,what's wrong?" pukaw niya rito.

"Gusto kong gumamit ng banyo,"saad nito na seryoso ang anyo.

"Come...sasamahan kita," paggiya niya rito pero pinigilan siya nito. Pinahawak nito sa kanya ang ice cream.

"Hintayin mo na lang ako rito. Alam ko naman kung saan ang banyo,okay?" nakangiti nitong sabi. Bago pa man siyang makareak mabilis na itong tumalikod.

Napabuga na lang siya ng hangin. Alright,bilang masunurin na boyfriend naghintay na lang siya roon kahit gusto niya itong sundan. May kung anong kaba siya biglang naramdaman. Shit! Ayaw niyang maging paranoid pero kahit nasa publikong lugar pa sila hindi pa rin mawawala ang masasamang tao lalo pa at ito ang unang beses na nakarating sa lugar na ito ang kasintahan. Wala siyang tiwala sa mga tao na nasa paligid niya na pulos mga banyaga!

Nagmamadaling na sinundan niya ang kasintahan. Abot-abot ang kaba niya. Damn,sana pinilit na lang niya na samahan ito! Shit! Sobrang nag-aaalala tuloy siya ngayon!

Nang marating niya ang kinaroroonan ng banyo naghintay siya sa labas niyun pero kinse minutos na hindi pa rin lumalabas ang kasintahan. Panay ang tingin sa kanya ng mga babae na lumalabas roon may ilan pa ngang nagtatangka na lapitan siya pero agad din siyang lilingon kung saan para ipakita sa mga ito na hindi siya enteresado sa mga ito.

Abot-abot na ang kaba niya na hindi pa rin lumalabas roon ang kasintahan kaya naglakas-loob na siyang magtanong sa isang ginang na kakalabas lang roon.

"Ahm,Excuse me,Ma'am can I ask you something?" magalang niyang tanong rito.

"Sure,what is it?" agad na tugon nito.

"I'm waiting for my girlfriend,she's in inside,have you see her,wearing a blue checkers long sleeves polo? She's beautiful and..wait," agad na pinakita niya rito ang larawan ng kasintahan na ginawa niyang wallpaper sa phone niya.

Kuha iyun habang may hawak itong Archer.

"Sorry,I don't see her inside,no one inside but me," pag-iling nito.

Agad na nanlamig ang katawan niya sa sinabi ng ginang.

No..no.no!

Walang nangyari sa kanyang masama baka nagsalisi lang sila. Nang makapagpasalamat agad na bumalik siya sa bench na kinauupuan nila kanina pero may iba ng nakaupo roon at wala ni anino ng kasintahan roon.

Nanginginig ang mga daliri niya na tinawagan ang kasintahan pero panay lang ang ring niyun.

"Fuck! Where are you?!" nagmamadaling tinungo niya ang kinapaparadahan ng kotse niya baka naisipan nito na dumaan muna roon lalo pa at naiwan doon ang bitbit nitong bag at may duplicate keys naman ito ng kotse niya.

Saka lang niya natanto na papagabi na pala. Lalo siyang nagpanik dahiL hindi pa rin niya makita ang kasintahan hanggang sa marating niya ang kotse.

Natigilan siya ng makitang nakabukas ang pintuan sa may driver side agad na hinanap ng mga mata niya ang dalaga sa buong paligid.

"Cassandra!!!" pagtawag na niya rito. Hindi siya mapapakali hanggat hindi niya ito nakikita.

Bigla siyang napabaling sa may isang iskinita. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya dinala ng mga paa niya roon.

May kutob siya na baka naroroon ang kasintahan.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon