Chapter 26

3.9K 170 7
                                    

Panay ang lunok ni Frances sa bawat pagdidikit ng katawan nila ng dalaga habang matiyaga siya nitong tinuturuan sa tamang posisyon niya gamit ang napili niyang Archer. Ang nalalanghap niyang mabangong amoy nito ay nagpapakulo ng dugo niya!

Fuck! He is so tense now,especially down there!

"Masyado kang tense baka manakit ang balikat mo" pukaw sa kanya ng dalaga.

Damn,nahalata pa nito ang paninigas niya.

"Uh,yeah..first time eh," palusot niya.

So lame,dude!

Tumikhim siya at pilit na nirelax ang sarili. Hindi naman siya makapagconcetrate sa target niya dahil nadidistract talaga siya sa amoy ng dalaga at ang init ng singaw ng katawan nito na dumadampi sa kanya. Damn!

"Relax ka lang," muli nitong pukaw sa kanya.

Napalunok siyang muli ng mapadako ang mga mata niya sa mapupulang labi nito.

Bago pa man makahalata ito sa pagtitig niya sa mga labi nito agad na binaling niya ang mga mata sa target area.

"Ready ka na?"

Tumango siya ng hindi ito sinusulyapan. Baka kasi hindi na niya mapigilan ang sarili na angkinin ang mga labi nito sa oras na sulyapan niya ito.

Okay,Ynico..focus,damn it!

May nginig na binitawan niya ang palaso. Nadismaya siya na hindi man lang umabot iyun sa target niya.

Napabaling siya sa dalaga ng marinig niya ang pagtawa nito. Imbes na mapahiya sa pagkasablay niya natutuwa pa siya na makitang masaya ito sa ginawa niya.

"Nice try," natatawa nitong sabi.

He chuckled. "Epic failed,actually..whatta shame," aniya pero nakangisi niyang turan.

Napaigtad siya ng bigla magdikit ang mga kamay nila. She's so warm!

Yung init nito na tila hinding normal na temperatura o baka naman sobrang nag-iinit lang siya dahil sa epekto nito sa sistema niya?

"Cassandra," anas niya na nakatitig sa kulay asul na mga mata ng dalaga.

Nanatiling nakatitig lang din sa kanya ang dalaga. Hindi na niya inisip kung ano ang magiging consequences ng ginawa niya ngayon angkin-angkin na niya ang malalambot na mga labi ng dalaga.

Fuck him! Hindi na siya nakapagpigil pa!

Ang isang kamay niya ay nasa batok nito at ang isang kamay naman niya ay nasa braso nito at unti-unti iyun gumapang patungo sa likod ng dalaga at walang alinlangan na hinapit niya ito padikit sa katawan niya.

Pareho sila napasinghap sa paglapat ng kanilang mga katawan. Mas lalo niyang inangkin ang bibig ng dalaga na ngayon ay nakaawang na at sinamantala niya iyun.

Pangahas na ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig nito na kinadaing ng dalaga. Mas lalo siyang naging mapusok dahil sa naging reaksyon nito. Hindi siya nito itinulak o pagtutol sa kapangahasan niya kaya naman lalong sumidhi ang pag-angkin niya sa bibig nito. Tumutugon ito sa halik niya!

Para siyang nakalutang sa alapaap ng malasahan ang matamis na bibig ng dalaga. Yeah,sound crazy but her mouth is taste like a sweet candy!

Habol nilang pareho ang paghinga ng matapos ang halikan nila.

"Sakin ka lang,Cassandra," usal niya sa tapat ng nakaawang nitong bibig.

Nanatili lang nakatitig sa kanya ang namumungay na mga mata nito. Masuyo niyang kinulong sa pagitan ng mga palad niya ang maganda nitong mukha.

"Will you be my girlfriend now?"

Damn,kakaumpisa mo pa nga lang manligaw eh,agad-agad,Ynico?!

"Nagkiss na tayo kaya girlfriend na kita," saad niya.

Damn you,Ynico! Pwersahan talaga!

"From now on,you are my girl now and you are only mine.." puno ng konbiksyon niyang saad.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now