Chapter 18

3.8K 147 7
                                    

Pinakikiramdaman pa rin ni Cassandra ang binata sa kabilang unit. Naalarma siya ng marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Ramdam din niya ang pagkabalisa nito.

Ano kaya napaginipan niya?

Bumuga siya ng hangin habang nakahalukipkip at nakasandal sa pader.

Hindi ko alam,wolf. Mukhang hindi maganda...

Hmm,katukin mo kaya siya tapos kamustahin mo?

No,wolf..magdududa siya kung bakit ko siya tatanungin ng ganun...

Hindi nakaimik ang wolf niya at mukhang natanto nito na maling ideya yun.

Pero ano naman kaya napanaginipan nito?

Marahas siyang napabuga ng hangin. Ilang araw na mula ng iwasan niya ito at hindi nga maganda sa pakiramdam niya.

Sumulyap siya sa digital clock niya na nasa ibabaw ng side table.

Pasado alas y diez pa lang ng gabi.

Mabilis na dinampot niya ang longsleeves blue polo at pinatong sa suot niyang white shirt. Lalabas siya. Gusto niyang puntahan at kumain na rin ng ihaw-ihaw.

Pagbukas niya ng pinto siya naman paglabas ng binata sa pintuan nito. Pareho silang natigilan sa isa't-isa at hindi inaasahan na sabay pa silang lumabas ng kani-kanilang silid na inuopahan pero naunang nakabawi ang binata.

"Cassandra," usal nito na mataman na nakatingin sa kanya.

Pansinin mo,prinsesa!

"Frances," usal din niya sa pangalan nito.

"Uh,going to somewhere?" anito.

Tumango siya.

Isama mo baka gusto din niya ng ihaw-ihaw ni Aling Lora!

"Oo.."

Tumango naman ito.

"Ahm,kumakain ka ba ng ihaw-ihaw? Pamilyar ka ba dun?" agad na pagtatanong niya.

Napangiti ito na kinasikdo ng puso niya.

"Oo..Yung tinitinda sa gilid ng kalsada," saad nito.

Tumango siya. "Oo..madalas ako kumain ng ihaw-ihaw kay Aling Lora," aniya.

Ayain mo na!!!

Gusto niya mapailing sa panunudyo ng wolf niya sa kanya.

"Ahm...you want to come with me?" sa wakas pag-anyaya niya rito.

Nakita niya ang paglawak ng ngiti nito. "Yes,of course!"

Tumango siya at nauna ng tinungo ang elevator na agad naman bumukas.

Hindi niya mapigilan mamangha habang pinagmamasdan niya ang magana pagkain ni Frances sa betamax habang magiliw ito nakikipagkuwentuhan sa natandang tindera.

Hindi lang siya humble,magaling pa siyang makisama! Hay,lalo lang siya gumagwapo sa paningin ko!

Agad na sumikdo ang puso niya kasabay ng pag-iinit ng balat niya ng tumingin sa kanya ang binata.

Napatitig na lang siya sa gwapo nitong mukha.

Hay,whatta smile!

Tinulungan pa nila magligpit si Aling Lora bago sila umuwi.

"Salamat nga pala sa pang-anyaya mo sakin," untag nito habang magkaagapay sila naglalakad.

"Walang anuman," tugon niya.

Nginitian siya nito para muli mapatitig siya rito na siyang dahilan na hindi niya agad naramdaman ang pagdaan ng isang humaharurot na kotse.

Napasinghap siya ng hapitin siya ng binata para iiwas sa sasakyan iyun. Magkadikit na magkadikit ang kanila mga katawan sanhi na pagsiklab ng apoy sa katawan niya.

"Damn! You okay?!"nag-aaalala nitong untag.

Kinalma niya ang sarili bago tumango rito.

"Salamat,"aniya at pasimple na dumistansya siya rito.

"Alright," anito sabay kuha sa kamay niya at hindi na siya nakapalag ng hawak-kamay sila nagpatuloy sa paglalakad.

Holding hands while walking,ayos!

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon