Chapter 7

4.1K 166 1
                                    

Bigla nawala sa paligid ang dalaga at kanina pa siyang hindi mapakali. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gustong-gusto niya makita ito gayun aware siya na walang enteres sa kanya ang dalaga. Damn,para siyang nabasted dahil doon! Wala pang babae ang bumalewala sa kanya sanay siya na nakukuha ang atensyon ng mga babae pero yun nga lang wala siyang pinansin ni isa sa mga ito at ngayon lang niya ginawa iyun.Ang makuha nito ang atensyon niya at isa na rin roon ang kuryuso na makilala ito. Sa isang babae tulad nito na wala naman pakielam sa kanya!

Well,sabagay,sino nga naman siya sa paningin nito? Anak ito ng hinahangaan niya na si Russel Emilio. Isa lang siyang ordinaryong nilalang kumpara sa pamilya na pinagmulan nito. Isang nangangarap na makilala sa buong mundo na hindi naman niya pinangarap sa buong buhay niya.

Damn! Bigla tuloy siyang nanliit sa sarili niya! Bakit ba siya naiinsecure?!

Si Cassandra,hinahangaan ng lahat at gayun din naman siya pero ang pinagkaiba lamang nila ay ang takbo ng kanyang karera. He don't like it. Responsibilidad ang kanya bilang anak ng isang dating nabigo sa pangarap ang ama na makilala sa buong mundo.

"Parang may hinahanap ka ata?" bigla pagsulpot ng Uncle Toni niya.

Napabuga siya ng hangin.

"Si Cass ba?" mapanudyo nitong saad.

"Stop it,Uncle.." iiling-iling na turan niya rito na tinawanan lang siya.

"Nasa labas siya,puntahan mo na," panunudyo pa rin nito at agad na tinalikuran siya. Siya naman agad-agad na lumabas para puntahan ang dalaga.

Agad na sinalubong siya ng malamig na hangin-panggabi. Natigilan siya ng makita agad ang dalaga pero ganun na lang ang pagkadismaya niya ng makita na may kasama itong matangkad na lalaki. Masaya itong nakikipag-usap. They are look so comfortable and...look good to each other. Naikuyom niya ang mga palad. May kung ano ngitngit sa kalooban niya ang biglang umusbong. Kaya naman pala walang enteresado sa kanya ang dalaga dahil may nobyo na pala ito. That guy is a good looking. Maganda din ang pormahan nito halatadong may ipagmamalaki sa lahat.

What? Siya rin naman ah! MMA champion siya! Hinahangaan siya ng lahat sa America! Baka nga may nakakakilala sa kanya dito eh! Anang ng isip niya na hindi matanggap na wala siyang amor sa dalaga. Marahas siyang napabuga ng hangin. Damn it,he's going insane now. Aamin na ba siya sa sarili niya na unang kita pa lang niya sa dalaga nagustuhan na niya ito o...higit pa sa pagkagusto niya rito?

He is so fucking jealous?!

Bago pa man siya makita ng mga ito mabigat ang pakiramdam na bumalik na lang siya sa loob. Magpapaalam na rin siya tutal wala naman na siya sa mood na manatili pa roon. Naiinis lang siya.

Hindi naman na siya pinigilan pa ng Uncle Toni niya. Hinayaan na siya nitong umuwi na. Palapit na siya sa kinaroroonan ng kotse na pinahiram sa kanya ng uncle niya ng makita na may lalaking na nakaupo sa hood ng kotse. Agad niya ito nakilala. Ito ang lalaki na nakita niyang kasama ni Cassandra.

Anong ginagawa nito roon?!

Agad naman ito napatingin sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse.

"Kamusta?" agad nito sabi na tila kilala siya nito. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya sa inasta nito.

"Mabuti," maiksi niyang sagot. Ayaw niyang maging bastos rito mukha naman sincere ang pangungumusta nito.

"Congrats nga pala sa pagkapanalo mo last time sa MMA," anito na kinabigla niya.

He knew him?

Napangisi ito na tila nabasa nito ang nasa isip niya.

"Zei nga pala,gusto ko makilala ng personal si Frances Ynico," anito sabay lahad ng palad nito sa kanya.

Mangha na inabot niya ang pakikipagkamay nito. Ang kanina inis na meron siya rito ay bigla nawala. He looks so friendly at tila nagsasabi ang aura nito na hindi ito isang karibal sa kanya mula sa dalaga. Why is that?!

"I'm Cassandra guardian,ako ang tumitingin sa kanya rito habang nasa malayong lugar ang magulang niya," anito na tila sinasagot ang katanungan na nasa isip lang niya.

"And I am happily married with my beautiful wife...then I have four children,two fraternal twins and two identical twins," nakangisi nitong saad na may pagmamalaki patungkol sa pamilyang meron ito.

Damn! You were jealous to him ! Yun pala kasal na ito!

Nakakahiya ka,Ynico!

Shit,hindi kasi halata parang magkasing-edad lang kasi sila nito kung titingnan!

Maang pa rin siya nakatingin sa lalaki.

Isang mahinang pagtawa nito ang pumukaw sa kanya.

"Inakala mo ba na nobyo ako ni Cassandra?"

Nanlaki ang mga mata niya sa deretsahan nitong sabi.

Hindi siya nagpakita ng pagkapahiya rito. Nagkibit siya ng balikat.

"We're not friends,so..i don't  mind,"tugon niya rito.

Talaga ba,Ynico?

You don't mind?

Tumango-tango ang lalaki.

"Para lamang siya sa lalaking itinakda sa kanya kaya...wala kang dapat ipag-alala dun,"mahiwaga nitong sabi.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

Ano raw?

Bago pa man siya makapagtanong sa sinasabi nito narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Uncle Toni.

Nilingon niya ang kanyang Uncle Toni.

"Nakalimutan mo!"anito ng makalapit na sa kanya. Inabot niya ang isang paperbag mula rito.

Pagkalingon niya naman sa kausap wala na roon ang lalaki.

Napalinga-linga tuloy siya. Hindi niya nakitang umalis ito.

Bakit biglang nawala sa tabi niya?

"Sino na naman hinahanap mo?"

"Nakita niyo ba lalaki kausap ko kanina ng tawagin niyo ko?"nagtatakang tanong niya kay Uncle Toni.

Napalinga-linga din ito. "Wala,sino ba kausap mo?"

"Zei,I'm sure ypu know him,Uncle Toni,"tugon niya rito.

"Si Zei?! Nakilala mo na pala siya. Naku,weirdo yun. Bigla na lang nawawala yun parang hangin,sabi ko sayo,"sabi ng Uncle Toni niya.

Weirdo nga ang Zei na yun. Yung sinabi pa lamang nito kanina ay weird na talaga.

Wala siya dapat ipag-alala?

Saan,kanino at ano?

Ipinilig na lamang niya ang ulo at bumuntong-hininga.

Pinagkibit na lamang niya iyun ng balikat.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now