Chapter 32

3.6K 160 11
                                    

"Ako na maghuhugas ng mga ito.." agad na inunahan siya ni Frances sa tangka niyang pagliligpit na pinagkainan nila.

Kahit pareho silang may jetlag nagawa pa nitong magluto ng hapunan nila.

Nakabalik na sila ng pilipinas. Hindi niya makakalimutan ang masayang araw niya sa lugar na kung saan nagmula ang kasintahan.

Kung saan natuklasan din niya ang tungkol sakin!

Napadako ang mga mata niya sa kulay asul na bote sa itaas ng Ref. Inabot niya iyun. "Frances," pagkuha niya sa atensyon ng binata na abala na sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila. Agad na dumapo ang mga mata nito sa bote na hawak niya.

Humarap ito sa kanya at kinuha sa kanya ang bote. "Hindi ito mabuksan..si Zei ang nagbigay sakin ng weird na boteng ito..may sinabi pa siya tungkol sa isang prinsesa lamang ang makakabukas nito," anito na may kunot sa nuo habang nahihiwagaan nakatitig sa bote.

"Mula sa mundong-Colai nanggaling ang inumin iyan...ang inumin na pagtanggap..para sa taong itinakda sa isang lobo,"saad niya na kinatingin nito sa kanya.

"Mundong-Colai?"

"Ang mundong pinagmulan ko," pagtango niya. Hindi inaalis ang mga mata niya rito na kinuha niya ang bote. Nakasunod ang mga mata ng kasintahan roon hanggang sa buksan iyun at nasaksihan niya ang paglaki ng mga mata nito sa pagkagulat..pagkamangha.

"N-nabuksan mo.." hindi makapaniwalang usal nito.

Nagsalin siya sa baso at bumuhos ang matingkad na kulay asul na likido sa baso.

Napaawang ang labi ng kasintahan ng masilayan ang inumin. "What kind of drink is that?"disbelief nitong bulalas.

Awang ang mga labi nito na lumipat ang mga mata nito sa kanya." Shit...i-isa kang Prinsesa?"

Tumango siya. "Prinsesa ako sa aming distrito..may sampung distrito ang mundong-Colai..at isa ako sa prinsesa sa mundong-Colai..at ang Blue wolves district ang aking kinabibilangan na pinangungunahan ng aking mga magulang.."

"Y-your father? Russel Emilio,is he..is he a wolf,too? Your mom?"

"Si ama ang lobo pero si ina kauri mo siya itinakda siya kay ama..siya ang mate ni ama..k-katulad mo na itinakda ka sa isang tulad ko," tugon niya rito.

"Mate.."anas nito.

Tahimik siyang tumango. "Tinadhana ka isang uri ko,Frances..t-tanggap mo ba? T-tanggap mo ba ang isang tulad ko?" nakayuko niyang usal.

Ohh,my princess,lift your head,please!

Mariin niyang naikuyom ang mga palad. Hindi niya kayang makita ang magiging reaksyon ng binata sa tanong niya iyun.

"Look at me,Cassandra," pukaw sa kanya ng binata.

Unti-unti siyang nag-angat ng mukha. She's scared. Pero nabura ang takot sa dibdib niya ng makita ang emosyon sa mga mata ng kasintahan.

"Mahal na mahal kita,Cassandra..kahit ano ka pa..tatanggapin ko,walang nagbago sa damdamin ko para sayo..masaya ako na ako ang lalaking itinakda sayo,"masuyo at puno ng pagmamahal nitong tugon.

Namalayan na lamang niya na tumutulo na ang mga luha niya at agad naman pinunasan iyun ng binata.

"Huwag ka ng umiyak,hinding-hindi kita iiwan ng dahil lang sa iba ka,tandaan mo mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Hindi ko makakayanan kong mawawala ka sakin," madamdamin nitong saad na lalong nagpaluha sa kanya.

Mahigpit niya niyakap ang binata habang patuloy pa rin sa pagluha.

Hinagod nito ang likuran niya at panay halik sa gilid ng ulo niya. Puno ng pagmamahal na inalo siya nito.

Saka lang siya bumitaw ng makalma siya mula sa pag-iyak. Agad na pinalis nito ang mga luha sa pisngi niya. Masuyo siya nitong nginitian at mabilis na hinalikan sa kanyang bibig.

"I love you so much,Cassandra.."

"M-mahal na mahal din kita,Frances.." papiyok niyang tugon.

Nakangiti na hinalikan siya nitong muli sa bibig niya na agad naman niya tinugon hanggang sa kapusin sila ng hininga ng matapos iyun.

"Huwag ka ng iiyak ulit,okay? Ayokong makita kang umiiyak.." anito na mabilis siya tumango at agad na napahiya sa sarili dahil naging emosyonal siya.

Ayos lang yan,prinsesa..tears of joy yan!

"Iinumin ko na 'to..matagal ko ng gustong tikman ito ngayon nabuksan na," anito na kinatawa niya.

"At dahil tanggap ko kung ano ka,uubusin ko ang laman nito para ipakita sayo na sobrang tanggap kita," anito sabay said sa sinalin niya sa baso kanina.

Akala niya nagbibiro lang ito pero nanlaki ang mga mata niya ng tunggain na nito ang laman ng bote.

Ha-ha! Baka mahigitan pa niya yung in heat natin,prinsesa!

Napakagat na lang sa labi niya huli na para ipaalam rito ang magiging epekto niyun sa binata.

Hayaan na natin. Yun nga ang hinihintay natin para malagpasan na natin yung in heat natin!

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now