Chapter 17

3.4K 124 3
                                    

Kanina pa niya hinahanap si Cassandra halos nalibot na niya ang buong BSC pero hindi pa rin niya ito makita. He want to see her because he miss her so much.

Bumalik siya sa practice room ng dalaga baka sakali nandun ito at baka nakasalisi lang sila. Nang marating niya iyun nakapatay pa rin ang ilaw roon.

Where is she?

Tatalikod na sana siya ng may mahagip ang mga mata niya. May kung anong anino ang gumalaw sa loob ng silid na iyun.

Dahil desperado siya na makita ang dalaga tinulak niya pabukas ang salamin na pintuan.

"Cassandra?" tawag niya sa kadiliman.

Napakislot siya ng makarinig siya ng mabigat na paghakbang. Nagsisimula na siyang kabahan.

"Cassandra?" muli niya pagtawag rito pero kaluskos ng kung ano lang ang tumugon sa kanya.

Kinapa niya ang pader sa may gilid ng pintuan para buksan ang ilaw. Napakislot siya na tila may nakatitig sa kanya.

Damn it! Nasaan na ba ang switch ng ilaw?!

Nang makapa niya iyun agad na binuksan niya kasabay ng pagbaha ng ilaw sa buong silid ang pagkatigagal niya ng makita ang isang malaking bulto na kung ano ang nakatitig sa kanya.

Malaki at mabalahibo! Isang kulay asul na malaking hayop!

Nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na damit sa sahig. Punit-punit iyun at agad na natanto niya kung kanino yun.

"No!!!" sigaw niya sa malaking hayop.

"Anong ginawa mo sa kanya?! Halimaw ka!!!" puno ng galit niyang sigaw rito pero nanatiling nakatitig sa kanya ang malalaking mata nito na kulay asul din.

Those big eyes are look so familiar. Kapareho ng mga mata ni Cassandra!

No! No! No!

Nang mahagip niya ang archer na pag-aaari ng dalaga mabilis na dinampot niya iyun at itinapat niya iyun rito.

"Ibalik mo siya! You monster! I'll kill you!"aniya sabay pakawala ng palaso at hindi man lang umilag ang halimaw bagkus nanatili itong nakatitig sa kanya at hinayaan bumaon rito ang palaso.

Ang galit at pag-aaalala sa dibdib niya para sa halimaw ay napalitan ng pagkagilalas ng makita unti-unti itong nagbabago.

Suddenly,his heart stop beating while he look at Cassandra naked body with full of blood. Nakabaon ang palaso sa tapat ng puso nito.

"Cassandra!!!" balikwas ni Frances mula sa masamang panaginip na iyun.

Humihingal na napahilamos siya sa kanyang mukha. Umupo siya sa gilid ng kama at tumitig sa pader. Sa likod niyun ang babaeng laman ng panaginip niya. Damn,she's bloody dead and that's because of him!

Muli siya napahilamos sa mukha niya. Ilang araw na siyang iniiwasan ng dalaga at hindi naman siya gumagawa ng hakbang para mapalapit dito dahil ayaw lang niya na mas lalong lumayo ito sa kanya.

Isang katanungan lang ang gusto niya masagot.

Bakit ito bigla na lang umiwas sa kanya?!

May nagawa ba siya o nasabi na hindi nito nagustuhan?

O baka naman nadismaya ito ng malaman nito na alam niya kung sino ito?

Baka naman sa pagiging mausisa niya rito?

Baka iyun sinabi niya sa kanya lang ito?

O baka din wala talaga itong enteres sa kanya?

Shit,bakit bigla naging negatibo siya ngayon?!

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Hindi pa nga siya nangliligaw rejected na agad siya!

Damn!

Ang masaklap pa baka wala naman siyang pag-asa rito at hanggang pangarap na lang talaga siya.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now