Chapter 19

3.5K 131 3
                                    

Nagising sa ingay ng doorbell si Frances. Umaga na siya nakatulog dahil hindi niya makalimutan ang date nila ni Cassandra,well,not literally. Inaya lang siya nito pero para sa kanya isa iyun date. Hindi rin mawala sa alaala niya ang pagkakalapit ng katawan nila ng dalaga ng muntikan na itong mahagip ng humaharurot na kotse. He's fuck up after that dahiL nabuhay ang dugo niya sa mga ugat lalo na sa pribadong parte ng katawan niya!

Marahas siya napabuga ng hangin ng mag-ingay muli ang doorbell niya.Inaantok na sinulyapan niya ang digital clock sa bedside table at alas y siete lang ng umaga. Damn,halos isang oras pa lang siya nakakatulog!

Sino naman kaya ang magdodoorbell sa kanya ng ganun kaaga?

Wake up,dude! Baka si Cassandra yan?! Anang ng isip niya. Bigla nawala ang antok niya sa posibilidad na yun.

Mabilis na tinungo niya ang pintuan at nakahanda na siyang ngitian at batiin ito ng masilayan kung sino ang nasa labas ng unit niya.

"Tita Helen?"sambit niya sa pangalan ng babae na naging pangalawang ina na niya.

"Good morning," magiliw nitong pagbati.

Napangiti naman siya at agad na pinapasok ito.

"You surprise me! Mas masusupresa ako kung may nobyo ka na?" panunudyo niya rito.

Agad na naalala ang Uncle Toni niya at ang plano niya na magkita ang mga ito.

Hindi niya ito kadugo pero kung ituring niya ito parang kadugo na rin niya. Nakilala niya ito sa isang laban niya. Tita Helen is a writer sa isang publishing company sa amerika at siya ang naging assignment nito para ifeature sa pinagtatrabuhan publishing.

Agad ito napasimangot sa sinabi niya na kinatawa niya. "Yan na lang ba lagi mong ibubungad sakin sa tuwing magkikita tayo,bweset ka talagang bata ka!" galit-galitan nitong saad.

Nasa mid-40s na ito pero kung titingnan ang pisikal nitong anyo mas bata tingnan kaysa sa edad dahil siguro maalaga ito sa sarili at fashionista. Naalala niya na may kumalat na tsismis noon na magkasintahan silang dalawa pero pinagtawanan nilang dalawa yun lalo na at madalas sila magkitang dalawa.

"Grabe! Kahit tumandang dalaga pa ko di ako desperada para pumatol sa bata para magmukang sugar mama!!"

Nginisihan niya ito. "Well,Sorry,gusto ko lang naman maranasan mo magkanobyo," aniya.

Sumimangot pa rin ito. "Wala naman talagang forever maghihiwalay rin naman sayang ang iinvest mong feelings sa kanila kung ang ending sakitan lang,naku hindi ako masokista o whatever!" turan nito.

Natatawang inakbayan niya ito. "Sound bitter pero alam ko naman never ka pa nainlove,so,baka nga picky ka lang sa lalaki,"aniya.

" Shut up!"Tinapik siya nito sa tyan niya. Napauklo siya sa pagkabigla pero natawa din siya sa pagiging bayolente nito.

"You here?" maya-maya saad niya.

"Uh-ah! Because i want a vacation too!"

Tumango-tango siya. "Well,welcome back home!" saad niya.

"Yeah...at kanina ng pinagbuksan mo ako ng pintuan,expecting someone?" naniningkit ang mga mata nito sa kanya.

Hindi siya kaagad nakaimik at napakamot na lang sa ulo niya. "Kind of.."

Tumikwas ang isang kilay nito. Alam niya kapag ginagawa nito iyun. Hindi nito gusto na may babae siyang pinapaasa.

"She's special,Tita Helen.." agad na depensa niya.

Naging dalawa na ang pagtaas ng kilay nito.

"For real?"

Nakangiting tumango siya. "Uh,let's say na-love at first sight ako sa kanya," pag-amin niya.

Namamanghang nanlalaki ang mga mata nito. "For real?!"

Muli siya tumango. "Yes..and she's my neighbor ,actually," aniya sabay ngisi rito.

"Oh,wow! I want to meet her,then.." anito.

"Sure! Then,I want you meet my uncle Toni,I'm sure na magkakasundo kayo pareho kayong single eh," may panunudyo niyang saad.

"Oh come on! Stop playing cupid!" protesta nito.

Natatawang napailing na lang siya. He's excited to introduce her to his special someone..ah,no..his love one.

Napangisi siya sa huling salita na pumasok sa isip niya.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now