Chapter 4

4.3K 177 11
                                    

Hindi na napigilan ni Frances ang sarili na hindi lapitan ang babaeng na walang anuman na pinatumba nito ang dalawang lalaki at paralesahin ang huling kasamahan ng dalawa.

Kung hindi siya naligaw sa lugar na iyun hindi niya masasaksihan ang nakakamanghang palabas na yun. She's so damn awesome and unbreakable!

Kahit may kadiliman ang paligid kitang-kita pa rin niya ang bilis ng galaw ng babae. Dahil isa siyang MMA champion alam niya ang bawat galaw na binitawan ng babae. She's know how to eliminate her enemy with one blink. Napakaeksperto ng galaw nito maliban na lang sa bilis nitong kumilos kung hindi lang siya nakapokus sa babae malamang hindi niya makikita kung ano na ang sunod nitong galaw dahiL sa mga oras na iyun parang nagslow motion ang paligid niya. She's so fucking amazing!

Nang malapitan niya ito noon lang niya natitigan ang mukha nito. She's so damn beautiful!

"I don't talk to a stranger," matiim nitong saad na kinapukaw  niya.

Lalagpasan na sana siya nito pero mabilis na hinawakan niya ito sa braso dahil gusto niya makilala ito pero ganun na lang ang pagkabigla niya ng isang iglap napatumba na siya nito.

"Fuvk!" bulalas niya ng tumama ang likod niya sa semento pati na ang pang-upo niya.

"No one can touch me,Sir..even you," matiim nitong saad sabay talikod sa kanya.

"Shit! I just want to know you,okay! Pinahanga mo kasi ako kaya gusto kita makilala!"malakas niya saad para marinig nito habang papalayo ito sa kanya.

Damn,hindi niya gusto na mawala ito sa harapan niya. Mabilis na tumayo siya at sinundan ito pero bigla na lang ito nawala. Nagtatakang nilibot niya ang paligid pero ni anino nito wala na.

" Fuck! Is she's real? Hindi kaya naengkanto lang ako?!"bulalas niya habang sapo-sapo na niya ang balakang. Shit,naliligaw nga siya eh baka nga namamaligno siya!

Pero ramdam niya ang sakit ng likod niya at ng pang-upo niya. Nilingon niya ang tatlong lalaki.

"Damn,it's real.." usal niya at muli nilingon ang daan kung saan bigla nawala ng parang bula ang babae.

The most beautiful woman he's ever seen before on his entire life!

Damn it! His heart beat is so fast!

Mukhang na-love at first sight pa ata siya sa magandang babaeng iyun!

"Fuvk! No way!" hindi makapaniwalang bulalas niya sabay hilamos sa kanyang mukha.

"Mabuti naman naisipan mo akong tawagan at hindi ko malalaman na nandito ka pala sa pilipinas,"untag ng kanyang Tito Toni niya. Pinsan buo ito ng yumaong ina niya at ito lang ang kamag-anak sa mother side niya ang kilala niya since sa America siyang pinanganak at lumaki.

Tinawagan niya ito para magpasundo dahil hindi na niya talagang matandaan pabalik sa inuupahan niyang condo. Mabuti na lamang tanda niya pa ang numero nito na siyang pinagpapasalamat niya na matandain siya.

"Pasensya na sa abala,uncle.."aniya habang prenteng nakaupo sa passenger seat ng sasakyan nito.

"Eh, Bakit ba naman kasi naligaw ka?" anito habang minamaniobra na ang sasakyan.

Napabuntong-hininga siya. Naisipan lang naman niya maglakad-lakad since sa America ganun ang ginagawa niya kapag lalabas siya ng bahay at parte na rin iyun ng pagsasanay niya.

"Siguro dahil nakasanayan kong maglakad since ganun ang routine ko sa amerika," aniya.

Tumango naman ang tiyuhin. "Congrats nga pala ,champion ka ulit ah!" bati nito sa kanya.

"Tuwang-tuwa na naman ang tatay mong kano eh noh!" maloko nitong saad na kinailing na lang niya.

"How's your life now?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang pag-usapan ang ama sa pagbabakasyon niya.

"Ito! Single pa rin nabusy sa pagmamanage sa BSC," tugon nito.

"Hmm,ikaw pa rin ang Boss?"namamangha niyang sabi.

Nagkibit ito ng balikat."Hindi pa bumabalik si Boss eh,saka wala siyang sinabi kung kailan siya babalik basta asikasuhin ko lang ang BSC," saad nito.

Tumango-tango siya."Malaki ang tiwala niya sayo para iwan sa inyo ang pagmamanage niyun,"mangha niyang saad at para na rin sa Boss nito.

Nakangising sumulyap sa kanya ang tiyuhin. "Oo naman noh! Bukod sa pagiging alalay ng isang hall of famer ng world martial arts isang karangalan na pinagkakatiwalaan niya ang Tito mo!" proud na proud nitong saad.

Natigilan siya saglit ng mabanggit ang hall of famer ng world of martial arts.

"Sino ho,uncle?"

"Si Russel Emilio,"puno ng pagmamalaki nitong tugon.

" Fuck!"nanlalaki ang mga mata na bulalas niya sa sinabi ng uncle Toni niya.

"Ha? Bakit napamura ka?"

Agad na natauhan siya sa pagkagilalas. "I'm sorry,uncle..alam mo bang iniidolo ko ang boss niyo?"maang niyang saad.

Ito naman ang namangha sa sinabi niya."Wow?! Talaga?"

"Yes,he's so fuvking amazing ,I want to meet him personally,uncle.."bigla naexcite niyang sabi.

"Ahm,sa ngayon hindi ko alam kung saan lupalop siya nandun kasama ang asawa niya na isa namang expert Archerer" anito na bahagyang kinadismaya niya.

Napuna naman ng tiyuhin niya ang pagkadismaya niya.

"Pero..nandito ang anak niya," anito na kinasulyap niya rito.

"Really?"

"Oo kaso lagot ako kapag nalaman niyang may nakakaalam kung kanino siyang anak," napangiwi nitong saad.

"Why?"kuryuso niyang tanong.

"Gusto niya lang maging normal at tratuhin normal ng lahat na nakakakilala sa magulang niya," sagot ng tiyuhin niya.

"Gusto mo bang makita siya? Pero kunwari hindi mo alam ang sekreto niya,okay? Magpapa-Victory party ako bukas para sa kanya,"anito.

"Why not,sure. Anak din siya ng hinahangaan ko," aniya. Well,ayos na yun para na rin niya nakaharap ang iniidolo dahil anak iyun ng huli.

"Sige,bukas sa BSC. Trainor din kasi siya ng mga bata sa martial arts," anito.

Mukhang namana nito ang talento ng ama nito.

"Acherer champion din siya kanina lang nagwagi siya muli kaya may party ako para sa kanya," proud nitong saad.

"That's cool,"turan niya.

"Cool talaga siya," segunda nito sa sinabi niyang iyun.

Isa na rin karangalan ang makilala niya ang anak ng hinahangaan niyang martial art artist world champion na si Russel Emilio.

Kitam mo nga naman. Hindi niya aakalain na magiging exciting ang pagbabakasyon niya rito sa pilipinas.

This series is completed in Dreame..feel to visit me there,Username:CallmeAngge.

https://m.dreame.com/novel/dKvjUz+VxI7NSA7zm/QWyw==.html

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now