Chapter 22

3.6K 149 8
                                    

Sila lang dalawa ni Frances ang umalis ng restaurant. Iniwanan na nila ang dalawa dahil mukhang enjoy na enjoy sa isa't-isa ang mga ito habang magkausap at nakalimutan ng may kasama ang mga ito.

"Naging invisible tayo tuloy kanina,"untag ni Frances habang nagmamaneho.

Napangiti siya. " Bagay sila,"komento niya.

Mapanabay na napatingin sila sa isa't-isa.

Agad siya napaiwas ng mga mata ng makita kung paano tumitig sa kanya ang binata. Agad na nabasa niya sa kislap ng mga mata nito ang damdamin na meron ito sa kanya.

Yeah,tayo lang naman ang pahard to get eh..

You know the rule,wolf!

I know,rigth...

"Ahm,nabusog ka ba?" pagpukaw nito sa biglang pananahimik niya.

"Medyo," tugon niya. Hindi nga siya nakakain ng marami dahiL natuon ang atensyon niya sa dalawang naiwan sa restaurant.

Napasulyap siya sa binata ng maulinigan na tumawa ito ng mahina. "Same here," anito.

Bumaling ito sa kanya at huli na para iiwas niya ang mga mata niya rito. Nginitian siya nito na muli nagpainit sa sistema niya.

"Ano kung libre kita sa ihaw-ihaw?"

Hindi niya napigilan mapangiti ng marinig ang ihaw-ihaw.

"Why not..I'd love that," tugon niya.

"Yeah,I'd love that too.." saad nito sa kanya na matiim ang pagkakatitig sa kanya.

Agad na binaling niya sa labas ng bintana ang mga mata niya. Baka kapag di niya ginawa yun masunggaban na lang niya ang binata at maaksidente pa sila.

Next time gawin na natin!

Napabuga na lang siya ng hangin sa panunudyo ng wolf niya.

Nang marating nila ang ihawan ni Aling Lora. Ang binata pa mismo ang nag-ihaw ng order nila.

May mga babaeng kostyumer ang bigla na lang nagsilapitan at nagsibilihan ng makita ang binata ang nag-iihaw.

Napangiti siya habang pinapanuod niya ang mga ito.

"Grabe..ang gwapo niya!"impit na bulungan ng isang grupo ng mga kadalagahan na nakauniporme pa ng pang-school.

Inisa-isa niya ng tingin ang limang babaeng kolehiyala. Napataas siya ng kilay ng makitang lantaran ang mga ito kung magpacute kay Frances at mukha naman wala iyun epekto sa binata.

" Ahm,May girlfriend ka na?"

Natigilan siya sa biglaan pagtatanong ng isa sa limang kolehiyala. She's pretty at mukhang anak mayaman. Kuryuso siya kung kumakain ba talaga ito ng ihaw-ihaw o ang binata lang ang pakay nito?

Obvious naman si Mate lang ang pakay niya. Kitam mo naman kanina pa sila nandyan ni hindi man lang kumakain!

Tinitigan niya ang babaeng nagtanong.

"Uh,wala pa.."

Agad siya napatingin sa binata sa sagot nito.

Aww! Nagselos tuloy ako!

Bago pa man siya makaramdam niyun nagsalita muli ang binata sabay tingin sa kanya.

"Pero may nagugustuhan ako ngayon," nakangiti nitong saad.

"Ohhh~" sabay-sabay na bulalas ng mga kadalagahan sa pagkadismaya.

Tumatawang hinarap muli ng binata ang mga ito.

"Kaya girls. Sorry,off limit na ko," lantaran nitong saad sa mga ito.

Ha-ha! I'm so in love with him na talaga!

"Ang swerte ng girl!" dismayado pa rin komento ng lahat.

Napangiti na lang siya.

So kinikilig ka na niyan?!

Natawa na lang siya habang napapailing.

Ang gaan bigla ng pakiramdam niya sa pagpaparamdam sa kanya ng binata.




The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon