Chapter 37

3.3K 123 1
                                    

Wala sa tabi niya ng magmulat ng mga mata si Cassandra. Agad na napabangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama at agad din natigilan.

Pamilyar sakin ang amoy na yun ah?!

"Imposible," anas niya at nagmamadaling sinuot ang mga damit niya na nakakalat sa gilid ng kama.

Baka nandito talaga siya!

"Frances.. " anas niya sa pangalan ng kasintahan at hindi niya naramdaman ang presensya nito sa loob ng unit nito.

Hindi kaya..

Mabilis na lumabas siya sa unit ng kasintahan at alam niyang kung saan posibleng naroroon ang kasintahan..posibleng ang ama niyang si Haring Russel ang kasama nito.

Hindi nagtagal narating niya agad ang BSC.

"Oh,Cassandra,good morning!" nakangiting bati ni Toni.

"Si Frances?"

"Nasa rooftop ,di ko alam kung ano gagawin niya roon," anito na may pagtataka.

Sa palagay niya hindi nito nakita kasama nito ang kanyang ama dahiL kung nakita nito tiyak na matutuwa ito na makitang muli ang kanyang ama.

"Pupuntahan ko muna siya,Salamat.." aniya bago pa ito makausisa.

Mabilis na tinungo niya ang hagdanan paakyat sa rooftop.

Bilis,prinsesa! Baka ano na ginagawa ng mahal na Hari kay Mate!

Nang marating niya ang pintuan palabas sa rooftop. Nadismaya sya na hindi niya iyun mabuksan.

Break it,princess!

Bago pa man niya iyun gawin narinig niya sa isip ang kanyang ama.

Don't,my princess..let me talk this man ,okay?

"Is he okay?" tugon niya sa ama.

Tumawa ang ama. As of now,yes,my princess..

"Sasaktan mo siya?" deretsahan niyang tanong sa ama na patuloy pa rin sa pakausap sa isip niya.

Oh my princess..inaakusahan mo ba ang iyong ama na masama? Why would I do that to your mate? Kunwa'y pagtatampo ng ama.

Hindi na niya kailangan makita ang itsura nito. May pagka-childish talaga ang ama minsan.

Napabuga siya ng hangin at sumandal sa nakasaradong pintuan.

"Anong pag-uusapan niyo,ama? Sana pareho kaming humarap sa inyo?"may pagkadismaya niyang saad.

Ohh,huwag kang magtatampo sakin,mahal kong prinsesa,hmm..gusto ko lang siya makilala ng maigi..

"Bakit ayaw mong makita ko kayo?"may pagtatampo na niyang saad.

Uhm,it's a man to man talk,my princess..I hope you understand..don't worry,wala ako gagawin sa kanya na ikagagalit mo,okay?

Bumuga siya ng hangin sabay tango.

"Alright,"aniya.

Agad na nawala ang konekta niya sa ama kahit man lang marinig ang mga ito ay hindi niya magawa.

Hays,Si Haring Russel talaga..

Wala siyang choice kundi maghintay na lang hanggang sa matapos ang kanyang ama sa pakikipag-usap sa kasintahan.

Sa tingin mo di niya sasaktan si mate?

"Hindi ko alam..maloko pa naman si ama.."

Sumbong natin siya sa mahal na Reyna!

Napangiti siya. Bigla niya namiss ang ina at gusto na niya makita ang ama at mayakap ito.

"Kapag nagpasaway si ama.."sang-ayon niya sa kanyang lobo.

Tahimik na hinintay niya ang oras pero minuto pa lang ang lumilipas naiinip na siya. Agad na winawaksi niya ang pag-aalala para sa kasintahan dahil alam niyang may isang salita ang kanyang ama.

Saka lagot ito sa kanyang ina kung sakali. Napatango-tango siya sa isiping iyun.

Sana matapos na sila.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now