Chapter 39

3.3K 122 2
                                    

Hello to Jessenyl Elnar!👋

Agad na niyakap ng mahigpit ni Cassandra ang kasintahan pagkatapos na yakapin at kamustahin siya ng kanyang ama.

Tumatawang na gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kanya.

"You okay? Hindi ka ba sinaktan ni ama?" may pag-aalala niyang sipat sa katawan nito na baka may iniinda itong masakit kung tinatago lang nito.

Alanganin ito napangiti sabay sulyap sa kanyang ama na nasa likuran lang niya.

"Hindi naman niya ko sinaktan,don't worry,nag-usap lang kami," aniya.

"Grabe naman sakin ang mahal kong prinsesa," kunway pagtatampo ng ama.

Sinimangutan niya ito ng lingunin niya ang ama. Napabaling siya sa kasintahan ng hapitin siya nito at halikan sa gilid ng ulo niya.

"I'm fine,my princess.."

"Boss?"

Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalitang iyun. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala na nakatitig si Toni sa kanyang ama.

"Toni,kamusta?"

Bigla na lamang nito dinamba ng yakap ang kanyang ama na kinatawa nila ni Frances.

"Sobrang namiss kita ,boss!!!"

"Oo na! Bitaw na para kang babae kung makayakap!"naiilang na turan ng kanyang ama.

Napabaling siya sa kasintahan ng hinahalikan nito ang leeg niya. Agad na nag-init ang katawan niya sa ginagawa ng kasintahan.

" I miss you,my princess.."anas nito sa leeg niya.

Agad na sinunggaban ni Cassandra ng mainit na halik ang mga labi ni Frances pagkapasok na pagkapasok nila sa opisina ng kanyang ama.

"I'm so worried ng malaman kong magkasama kayo ni ama," anas niya na habol-habol ang hininga.

"Okay lang naman ako,though na ninervous talaga saka mas nangibabaw ang pagkamangha ko dahil nakilala ko ng personal ang hinahangaan kong Martial Artist na si Russel Emilio," namamanghang nitong saad sa tapat ng bibig niya.

"Anong sinabi niya? I know my father. Alam kong susubukan ka niya," aniya.

Tila nagdalawang-isip pa ang kasintahan kung sasabihin ba nito o hindi pero agad din napaamin ng taasan niya ito ng kilay.

"Ahm,well,hinamon niya ko na magkaharap kami sa isang match," amin nito.

"Pumayag ka?" di makapaniwalang saad niya.

Tumango ito agad. "Kinabahan nga ko pero nabawasan yun ng sabihin niyang ipagpapaalam niya muna sa inyo ng mama mo," anito.

Nakahinga siya ng maluwag. "As if naman na pumayag kami ni ina. Ako ang makakaharap ni ama kung sakali man," matiim niyang saad.

Siniil siya nito ng halik. "Kahit naman magkanda-bali-bali ang buto ko lalabanan ko pa rin ang ama mo,I want to prove him that I love you so much,my princess," matiim din nitong saad.

Hinalikan niya ito. "Thank you and I love you too.."

Muli nagsanib ang kanilang mga labi hanggang sa hindi na nila napigilan ang isa't-isa sa pagnanasa na bumabalot sa kanila.

Frances make love to her in that room and make her scream with full of love and passion.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora