Chapter 27

3.4K 130 3
                                    

Walang ingay na pinanuod niya ang abalang si Frances sa harapan ng kalan. Nagluluto ito ng hapunan nila. Hindi niya alam kung paano nangyari na magkasintahan na sila nito. Nadaan siya sa halik nito at naging sila na!

Sa halik na yun nakalimutan na niya ang golden rule ng kanyang ina! Well,siguro naman mauunawaan siya ng kanyang magulang kung hahayaan niyang tuluyan makapasok na sa puso niya ang binata.

Back hug natin,di ba ganun ginagawa ng kasintahang babae kapag busy sa kusina yung lalaki? Pag-alingawngaw ng inner wolf niya.

Nangunot ang nuo niya sa sinabi ng inner wolf niya. Saan mo ba natutunan yun?

Nakikini-kinita niya na ngumisi ito sa kanya.

Ganun naman talaga kapag in love di ba?

Napailing na lang siya. Nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na bote na kulay asul.

Woah,ang mahiwagang inumin!

"Hey,nandyan ka pala?" surpresa ng binata ng makita siya nito na nakatayo sa bukana ng kusina nito.

Nginitian niya ito at agad naman siya nilapitan ng binata at lihim siyang napahigit ng hininga ng halikan siya nito bigla sa nuo.

He's always surprise us,so sweet!

"Gutom ka na?" malambing nitong tanong sa kanya.

Malakas ang kabog ng dibdib niya sa pinapakitang kasweetan ng binata.

"Medyo," aniya.

"Give me a five minutes,okay?" nakangiti nitong turan na sinabayan ng paghaplos sa buhok niya.

Tumango siya at giniya siya nito paupo sa may center island.

Muli siya nito hinalikan sa ibabaw naman ng ulo niya.

Aww,so touchy!

Huminga siya ng malalim para kalmahin ang nagwawala niyang puso. Nagsisimula na rin siyang mag-init. Oh,not now!

Bago pa man sumiklab yun napagawi ang mga mata niya sa mahiwang inumin na nakapatong sa ibabaw ng ref.

Noon lang namatay ang pagliyab ng init sa sistema niya. Kailangan niya muna dumaan sa isang pagsubok bago niya tuluyan makuha ang puso ng binata.

Matatanggap ba siya nito o Katatakutan?

Huwag muna natin isipin yun,Prinsesa! Samantalahin natin ang pagkakataon na makasama ang lalaking itinakda satin hanggat hindi niya nalalaman ang tunay na pagkatao mo..

Napatango na lang siya sa sinabi ng wolf niya. You're rigth.

"This is my first time na may pinagluto ako maliban sa mama ko," nakangiting pukaw sa kanya ng binata.

"Talaga.."aniya.

Umupo ito sa kaharap ng imuupuan niya. Agad na kumulo ang sikmura niya ng malanghap ang niluto nito. Adobong manok!

" Yes..at nangako ako kay Mama maliban sa kanya ipagluluto ko ang babaeng alam kong makakasama kong habam-buhay,"matiim nitong saad na kinatitig niya sa mga mata ng binata.

Masasalamin sa mga mata nito ang kaseryusohan sa sinabi nitong iyun.

"Talaga.." tanging nausal niya. Hindi niya alam kung paano niyang tutugunin yun. Nahahati ang nararamdaman niya. Masayang-masaya siya na marinig iyun pero paano kung malaman na nito ang tunay niyang pagkatao?

Nginitian niya ito. "She's so lucky," aniya habang nakatitig pa rin sa mga mata nito.

"Indeed..at nasa harapan ko na siya," nakangiti nitong tugon.

Ayiie!!

Napaiwas tuloy siya ng mukha dahil paniguradong namumula siya.

"Let's eat now,babe," anito na napatingin siyang muli rito.

Nakangiti ito at pinaglagyan siya ng pagkain sa plato niya.

Babe daw oh! Babe din natin siya!

Agad na kinagat niya ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang pagngiti niya.

Ganito pala ang pakiramdam na may kasintahan!

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now